[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Kapulungan ng mga kinatawan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Kapulungan ng mga Kinatawan o Kamara de Representantes (sa Ingles ay house of Representatives) ang pangalan ng lehislatura ng maraming mga bansa. Sa ibang mga bansa, ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay tumutukoy sa "mababang kapulungan" (lower house) ng isang bikameral na lehislatura samantalang ang "mataas na kapulungan"(upper house) ay tinatawag na "senado". Sa ibang bansa, ang Kapulungan ng mga Kinatawan ang tanging kamara (chamber) ng unikameral na lehislatura. Ang tungkulin ng Kapulungan ng mga Kinatawan ay hindi magkahahawig sa bawat bansa at ito'y depende kung ang isang bansa ay may sistemang parlamentaryo o sistemang pampanguluhan (presidential).