[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Kapital (ekonomika)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay tumutukoy sa kapital bilang isang terminong pang-ekonomika. Para sa kapital bilang puhunan tingnan ang pamumuhunan.

Ang kapital ay may iba't ibang kahulugan sa ekonomika, pananalapi at pagtutuos.

Sa pananalapi at pagtutuos (accounting), tumutukoy ang kapital sa yamang pananalapi, lalo na kung gagamitin sa pagsimula o pagpapanatili ng negosyo.

Sa klasikong ekonomika, ang kapital ay isa sa mga tatlong sanhi ng produksiyon kasama ang lupain at paggawa. Kapital ang mga kalakal na may katangian na tulad ng mga sumusunod:

  • Maari itong gamitin sa produksiyon ng ibang kalakal o goods (ito ang nagiging sanhi ng produksiyon).
  • Ginawa ito ng mga tao, kontra sa "lupain," na tumutukoy sa likas na namamayaning yaman tulad ng heograpikal na lokasyon at mga mineral.
  • Hindi ito ginagamit agad sa proseso ng produksiyon, hindi tulad ng hilaw na materyales o mga tagapamagitang kalakal.

Ang ikatlong bahagi ng kahulugan ay hindi palaging ginagamit ng mga klasikong ekonomista. Ang klasikong ekonomista na si David Ricardo ay ginamit ang kahulugan sa itaas para sa terminong The third part of the definition was not always used by classical economists. The classical economist David Ricardo would use the above definition for the term fixed capital habang sinasama ang mga hilaw na materyales at mga tagapamagitang produkto ay kasama sa kanyang umiikot na kapital (circulating capital). Para sa kanya, pareho itong mga uri ng kapital.

Sa ekonomiya, ang salitang kapital ang siyang ugat ng kapitalismo na isang uri ng kalakalan.

Mayroon din namang kapital na tinatawag na yamang kapital o capital resources' sa Ingles. Ito naman ay tumutukoy sa lahat ng bagay na ginagamit ng tao upang kunin at isailalim sa isang proseso ang mga hilaw na materyales upang makabuo ng panibagong produkto.

Ekonomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.