Ichthyostega
Ichthyostega | |
---|---|
Life restoration of Ichthyostega after Ahlberg, 2005. | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Klado: | Sarcopterygii |
Klado: | Tetrapodomorpha |
Klado: | Stegocephalia |
Sari: | Ichthyostega Säve-Söderbergh, 1932 |
Species | |
I. stensioei |
Ang Ichthyostega (Griyego: bubong ng isda) ay isang sinaunang henus ng tetrapoda na nabuhay sa wakas ng panahong Itaas na Deboniyano o Fammeniyano (mga 374 hanggang 359 milyong taon ang nakalilipas). Ito ay isang labyrinthodont na isa sa mga unang fossil rekord ng mga tetrapoda. Ang Ichthyostega ay nag-aangkin ng mga baga at hita na nakatulong sa mga ito na maglayag sa mababang katubigan sa mga lusak(swamp). Bagaman hindi mapagdududahan na ito ay ng katawan at pag-aasal ng ampibyan, ito ay hindi itinuturing na isang tunay na kasapi ng pangkat ng ito sa makitid na kahulugan dahil ang unang mga tunay na ampibyan ay lumitaw sa panahong Carboniferous. Hanggang sa pagkakatuklas noong huli ng ika-20 siglo ng mga sinaunang tetrapod at mga malalapit na kaugnay na isda, ang Ichthyostega ang tanging tumatayo na fossil na transisyonal sa pagitan ng mga isda at tetrapoda na nagsasama ng tulad ng buntot at mga hasang ng isda sa bungo at mga hita ng ampibyan.