IBM
IBM | |
Uri | Public |
ISIN | US4592001014 |
Industriya | Cloud computing Artificial intelligence Computer hardware Computer software |
Ninunos | Bundy Manufacturing Company Computing Scale Company of America International Time Recording Company Tabulating Machine Company |
Itinatag | 16 Hunyo 1911Computing-Tabulating-Recording Company) Endicott, New York, U.S.[1] | (bilang
Nagtatags | |
Punong-tanggapan | , U.S. |
Pinaglilingkuran | 177 countries[2] |
Pangunahing tauhan | Arvind Krishna (Chairman and CEO) Jim Whitehurst (President) |
Produkto | See IBM products |
Serbisyo | |
Kita | $77.14 bilyon (2019)[3] |
Kita sa operasyon | US$13.21 bilyon (2019)[3] |
US$9.43 bilyon (2019)[3] | |
Kabuuang pag-aari | US$152.18 billion (2019)[3] |
Kabuuang equity | US$112 bilyon (2019)[3] |
Dami ng empleyado | 352,600 (2019)[4] |
Website | ibm.com |
Ang International Business Machines Corporation (IBM) ay isang Amerikanong multinasyunal na teknolohiya at kumukunsultang kompanya na may punong himpilan sa Armonk, New York, na may higit sa 350,000 empleyado na nasisilbi sa mga kliyente sa 170 bansa.
Inanunsyo ng IBM noong Oktubre 8, 2020 na ii-spin-off nila ang yunit na Managed Infrastructure Services ng dibisyong Global Technology Services sa isang bagong publikong kompanya, isang aksyon na inasahan na makukumpleto sa katapusan ng 2021.[5]
Bago ang pahayag ng paghahati, ang IBM ay nakagawa at nakabenta ng mga hardware ng kompyuter, middleware, software, at nagbigay ng serbisyong hosting at pagkonsulta sa mga larangang mula sa mga kompyuter na mainframe hanggang nanoteknolohiya. Pangunahin itong organisasyon nananaliksik, noong 2020, hawak nito ang tala para sa pinakamaraming patente sa Estados Unidos na nakalikha sa 27 sunod-sunod na taon.[6] Kabilang sa imbensyon ng IBM ang floppy disk, ang hard disk drive, ang magnetic stripe card, ang relational database, ang SQL programming language, ang UPC barcode, at dynamic random-access memory (DRAM). Naging napakitang-halimbawa ang IBM mainframe, sa pamamagitan nge System/360, bilang dominanteng plataporma sa pagkokompyut noong dekada 1960 at dekada 1970.
Ang IBM, na minsan tinutukoy bilang ang Big Blue, ay isa sa mga 30 kompanyang kasama Dow Jones Industrial Average at isa sa mga pinakamalaking kompanya sa mundo, na may higit sa 352,600 empleyado noong 2019. Hindi bababa sa 70% ng mga empleyado ng IBM, kilala bilang "IBMers", ay nakabase sa labas ng Estados Unidos, na may malaking bilang sa Indya.[7] Napangaralan ang mga empleyado ng IBM ng limang Gantimpalang Nobel, anim na Gawad Turing, sampung Pambansang Medalya ng Teknolohiya (Estados Unidos) at limang Pambansang Medalya ng Agham (Estados Unidos).
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Certificate of Incorporation of Computing-Tabulating-Recording-Co", Appendix to Hearings Before the Committee on Patents, House of Representatives, Seventy-Fourth Congress, on H. R. 4523, Part III, United States Government Printing Office, 1935 [Incorporation paperwork filed June 16, 1911]
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "IBM Is Blowing Up Its Annual Performance Review". Fortune. Pebrero 1, 2016. Nakuha noong Hulyo 22, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 "IBM Corporation Financials Statements" (PDF). IBM. 2020-01-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2019 IBM Annual Report" (PDF). IBM.com.
- ↑ "TECH IBM shares soar on plans to spin off its IT infrastructure unit and focus on the cloud business". www.cnbc.com (sa wikang Ingles). 2020-10-08. Nakuha noong 2020-10-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "US Patents Hit Record" (sa wikang Ingles). TechCrunch. Nakuha noong Enero 15, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Goel, Vindu (Setyembre 28, 2017). "IBM Now Has More Employees in India Than in the U.S." (sa wikang Ingles) – sa pamamagitan ni/ng NYTimes.com.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)