Hukom
Ang hukom o Huwes (sa Ingles ay judge) ang taong nangagasiwa sa paglilitis sa hukuman na mag-isa o bilang bahagi ng lupon ng mga hukom. Ang kapangyarihan, tungkulin, paraan ng pagkakahirang, disiplina at pagsasanay ng mga hukom ay iba iba sa iba't ibang mga hurisdiksiyon. Ang isang hukom ay inaasahang magsasagawa ng paglilitis sa isang patas at walang kinikilingang paraan sa isang bukas na korte. Ang hukom ay dumidinig ng lahat ng mga saksi at mga ebidensiya na inilatag ng mga partido(nagsasakdal at isinasakdal) sa kaso, sumusuri ng kredibilidad at mga argumento ng mga partido at naglalabas ng mga hatol batay sa interpretasyon nito ng batas o ayon sa sariling paghatol nito. Sa ibang hurisdiksiyon, ang kapangyarihan ng hukom ay ibinabahagi sa isang hurado (jury).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Batas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.