Hendrik Lorentz
Hendrik Antoon Lorentz | |
---|---|
Kapanganakan | 18 Hulyo 1853 |
Kamatayan | 4 Pebrero 1928 | (edad 74)
Nasyonalidad | Netherlands |
Nagtapos | Pamantasan ng Leiden |
Kilala sa | Teorya ng radyasyong EM |
Parangal | Premyong Nobel para sa Pisika (1902) |
Karera sa agham | |
Larangan | Pisika |
Institusyon | Pamantasan ng Leiden |
Doctoral advisor | Pieter Rijke |
Doctoral student | Geertruida L. de Haas-Lorentz Adriaan Fokker Leonard Ornstein |
Si Hendrik Antoon Lorentz[1] (ipinanganak 18 Hulyo 1853 sa Arnhem, Netherlands; namatay 4 Pebrero 1928 sa Haarlem, Netherlands) ay isang pisikong Dutch na nagwagi ng 1902 Gantimpalang Nobel para sa Pisika noong 1902, kasama at kahati ni Pieter Zeeman para sa pagkakatuklas at teoretikal na pagpapaliwanag ng epektong Zeeman. Siya rin ang humango ng mga ekwasyon ng transpormasyon (o transpormasyong Lorentz) na ginamit ni Albert Einstein sa kalaunan para ilarawan ang espasyo at panahon.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Marami siyang naging ambag sa larangan ng pisika, kung saan ang teoriya ng liwanag ang siyang pinakanatatangi. Ginantimpalaan siya, kasama ng isang dating estudyanteng si Pieter Zeeman, ng Gantimpalang Nobel sa pisika noong 1902 dahil sa kaniyang pag-aaral sa kung paano naaapektuhan ng daloy na magnetiko (magnetic field) ang kahabaan ng alon (wavelength) o daloy ng liwanag. Higit siyang kilala dahil sa teoriyang tinatawag na kontraksiyon o galaw na Lorentz-Fitzegarld (Lorentz-Fitzgerald contraction), na nagsasabing "ang gumagalaw na bagay ay gumagalaw alinsunod (o patungo) sa direksiyon (o patutunguhan) ng mosyon (o kilos)."[1][2]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Hendrik Antoon Lorentz". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Salin mula sa Ingles: (...) "a moving body contracts in the direction of motion. (...)