[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Hawkman

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Hawkman ay ang pangalan ng ilang kathang-isip na mga superhero na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng DC Comics. Nilikha ng manunulat na si Gardner Fox at tagaguhit na si Dennis Neville, unang lumabas ang orihinal na Hawkman sa Flash Comics #1, na nilathala ng All-American Publications noong 1940.

May ilang mga bersyon ni Hawkman ang lumabas sa DC Comics, lahat sila ay isinasalarawan sa pamamagitan ng paggamit ng lumang armas at kadalasang may artipisyal na mga pakpak na nakakabit sa isang harness na gawa sa natatanging metal na Nth na pinapahintulot ang paglipad. Karamihan sa mga bersyon ni Hawkman ay malapit na nakikipagtulungan o may romantikong interes sa isang superhero na nagngagalang Hawkgirl o Hawkwoman.

Nakaranggo si Hawkman bilang ang ika-118 na pinakadakilang karakter sa komiks sa lahat ng panahon ayon sa magasin na Wizard.[1] Niraranggo din IGN si Hawkman bilang ang ika-56 na pinakadakilang bayaning karakter sa komiks sa lahat ng panahon.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Wizard's top 200 characters. External link consists of a forum site summing up the top 200 characters of Wizard Magazine since the real site that contains the list is broken". Wizard (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 8, 2011. Nakuha noong Mayo 17, 2011.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Hawkman is number 56". IGN (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 24, 2016. Nakuha noong Mayo 17, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)