[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Hamhung

Mga koordinado: 39°54′45″N 127°32′8″E / 39.91250°N 127.53556°E / 39.91250; 127.53556
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hamhung

함흥시
Transkripsyong Koreano
 • Chosŏn'gŭl
 • Hancha
 • McCune–ReischauerHamhŭng-si
 • Binagong Romanisasyon ng KoreanoHamheung-si
Tanawin ng Hamhung
Tanawin ng Hamhung
Lokasyon ng Hamhung
Hamhung is located in North Korea
Hamhung
Hamhung
Kinaroroonan ng Hamhung sa Hilagang Korea
Hamhung is located in Asya
Hamhung
Hamhung
Hamhung (Asya)
Mga koordinado: 39°54′45″N 127°32′8″E / 39.91250°N 127.53556°E / 39.91250; 127.53556
BansaHilagang Korea
LalawiganTimog Hamgyŏng
Mga paghahati-hating pampangasiwaan7 kuyŏk (distrito)
Lawak
 • Kabuuan330 km2 (130 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2008)[1]
 • Kabuuan768,551
 • Kapal2,328.9/km2 (6,032/milya kuwadrado)
 • Wikain
Hamgyŏng

Ang Hamhŭng (Hamhŭng-si; Pagbabaybay sa Koreano: [ham.ɦɯŋ]) ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Hilagang Korea, at ang kabisera ng lalawigan ng Timog Hamgyŏng. Noong huling bahagi ng taong 2005, ang kalapit na lungsod ng Hŭngnam ay ginawang isang ward (kuyŏk, kahalintulad ng isang distrito sa Timog Korea at ibang bansa) sa loob ng Hamhŭng.[2] Mayroon itong populasyon na 768,551 magmula noong 2008.[1]

Hamhŭng noong mga 1960.

Si Yi Sung-ke na nagtatag ng Dinastiyang Yi ay namahinga sa lungsod pagkaraan ng matagumpay na kudeta ng kanyang anak na si Yi Bang-won sa palasyo noong 1400. Bagaman nagpadala ang kanyang anak ng mga sugo upang mapagkasundo, pinapagpapatay niya ang mga ito. Isang makabagong Koreanong ekspresyon, "King's envoy to Hamhŭng" (Hamheungchasa), ay tumutukoy sa taong pumunta sa isang paglalakbay at hindi na muling nabalitaan.[3] Kilala ang lungsod bilang Kankō noong pamumuno ng Hapon sa Korea sa pagitan ng 1910 at 1945. Pinalaya ito ng Hukbong Pula noong 22 Agosto 1945.

Lubhang nasira ang lungsod (80–90 porsyento) noong Digmaang Koreano at nasakop ng mga Timog Koreanong kawal sa pagitan ng 17 Oktubre 1950 at 17 Disyembre 1950. Mula 1955 hanggang 1962, sentro ang Hamhŭng ng isang malakihang patakaran ng muling pagtatayo at pagpapaunlad sa tulong ng Silangang Alemanya kabilang na ang pagtatayo ng mga industriyang ukol sa pagtatayo at mga matinding sukatan sa pagsasanay para sa mga Koreanong manggagawa sa pagtatayo, inhinyero, tagaplano ng lungsod at arkitekto. Nagwakas ang proyekto dalawang taong mas-maaga sa inaasahan at kalakip na mababang propayl dahil sa alitang Tsino-Sobyet at mga magkasalungat na pananaw ng Hilagang Korea at Silangang Alemanya ukol sa nasabing usapin.[4]

Mula 1960 hanggang 1967 pinamamahalaan ang Hamhŭng na hiwalay mula Timog Hamgyŏng bilang isang Direktang Pinamumunuang Lungsod (Chikhalsi). Bago ang taong 1960 at mula 1967, isa nang bahagi ng lalawigan ang lungsod.

Nasaksihan ng lungsod noong 1995 ang isa sa mga tanging dokumentadong (hanggang ngayon) pagsubok sa pamahalaan ng Hilagang Korea nang nagsimula ang mga sundalong tinamaan ng matinding kagutuman ng isang martsa patungong Pyongyang. Sinugpo ang pag-aalsa at binuwag ang sangkot na pangkat ng mga sundalo.[5]

Lumitaw na may di-pagkakabagay na bunga sa mga taga-Hamhŭng ang taggutom sa Hilagang Korea ng dekada-1990. Inilarawan ni Andrew Natsios, dating aid worker, tagapangasiwa sa USAID, at may-akda ng The Great North Korean Famine, ang Hamhŭng bilang "ang lungsod na pinakanapuruhan ng taggutom."[6] Inilalarawan ng mga bagong nilathalang ulat mula sa The Washington Post[7] at Reuters[8] ang napakaraming mga bagong puntod sa mga nakapaligid na dalisdis ng bundok at iniulat na karamihan sa mga bata ng Hamhŭng ay nabansot dahil sa mahinang kondisyon ng katawan dulot ng hindi wastong pagkain. Isinalaysay ng isang naligtas na higit sa 10% ng populasyon ng lungsod ang namatay, habang tumakas ang isa pang 10% ng populasyon upang makahanap ng pagkain.[9]

Bagaman sarado dati sa mga dayuhan, maari nang bumiyahe ang mga banyagang mamamayan sa Hamhung sa pamamagitan ng mga iilang may-pahintulot na mga Hilagang Koreanong tour operator.[10]

Retratong satelayt ng Hamhŭng.

Matatagpuan ang Hamhŭng sa kaliwang sangay ng Ilog Sŏngch'ŏn, sa silangang bahagi ng Kapatagan ng Hamhŭng (함흥평야), sa lalawigan ng Timog Hamgyŏng, hilaga-silangang Hilagang Korea. Ang Tonghŭngsan ay may taas na 319 metro.

Isang pagawaan sa Hamhung

Isang mahalagang sentro ng industriyang kimikal sa bansa ang lungsod ng Hamhŭng. Isa itong industriyal na lungsod na nagsisilbi bilang pangunahing pantalan para sa panlabas na kalakalan ng Hilagang Korea. Kabilang sa mga produkto nito ang mga tela (lalo na ang vinalon), kasangkapang metal, makinarya, repinadong langis at elaboradong pagkain (processed food).

Paggawa ng droga

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May ispekulasyon na ang Hamhung ay ang sentro ng paggawa ng methamphetamine o shabu sa Hilagang Korea, dahil sa mataas na proporsyon nito ng mga kimiko at kinatatayuan ng isang hugnayang pangkimika at pang-industriya na itinayo pa ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[11]

Hamhŭng Grand Theatre

Matatagpuan sa Hamhŭng ang Hamhŭng Grand Theatre, ang pinakamalaking tanghalan ng Hilagang Korea.[12] Matatagpuan din sa lungsod ang isang pambansang museo.

Ang Hamhŭng ay tahanan ng Hamhŭng University of Education, Hamhŭng University of Pharmacy, Hamhŭng University of Chemistry at Hamhŭng University of Medicine. Kabilang sa mga propesyonal na kolehiyo sa Hamhǔng ang Hamhǔng College of Quality Control, ang Hamhŭng Hydrographic and Power College, at ang Hamhǔng College of Electronics and Automation. Mayroon ding isang sangay ng akademiya ng agham.

Mga kambal na bayan at kapatid na lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakakambal ang Hamhŭng sa:

Hŭngnam

흥남구역
Distrito (kuyŏk)
Transkripsyong Koreano
 • Chosŏn'gŭl
 • Hancha
 • McCune–ReischauerHŭngnam-kuyŏk
 • Binagong Romanisasyon ng KoreanoHeungnam-guyeok
Sa loob ng Hugnayan ng Pataba sa Hungnam
Sa loob ng Hugnayan ng Pataba sa Hungnam

Ang Hŭngnam ay isa sa pitong mga ward (kuyŏk, katumbas ng distrito) ng Hamhŭng. Isa itong pantalan sa silangang baybayin ng Dagat ng Hapon, walong milya mula sa pusod ng Hamhŭng. May lawak itong 250 kilometro kuwadrado. Dating pangatlong pinakamalaking lungsod sa Hilagang Korea ang Hŭngnam[13] bago naging distrito ng Hamhŭng noong 2005.

Tinatayang nasa 200,000 hanggang 400,000 ang population ng distrito. Ang opisyal na bilang ng populasyon ng distrito ay 700,000 ngunit ito ay pinagtatalunan.[14]

Nahahati ang distrito sa 43 tong (mga purok), 1 rodongjagu (distrito ng mga manggagawa) at 5 ri (nayon).

Tahanan ang Hŭngnam sa Hugnayang Pataba ng Hŭngnam (Hŭngnam Fertilizer Complex), na sinasabi ring ginagamit upang makagawa ng mga kimikal na armas.[15] Nasa Hŭngnam din ang February 8 Vinylon Factory Complex. Tahanan din ito ng Hungnam Chemical Engineering College.

Ang Estasyong Hungnam ay nasa daambakal ng Linyang Pyongra.

Kasaysayan

Ang pantalan sa Hŭngnam ay kinaroroonan ng paglikas sa Hŭngnam, isang mahalagang paglikas ng kapuwa hukbo ng Mga Nagkakaisang Bansa (UN) at Hilagang Koreanong sibilyan noong Digmaang Koreano sa huling bahagi ng Disyembre 1950. Tinatayang nasa 100,000 kawal at kagamitan at 100,000 sibilyan ang inilulan sa sari-saring mga barkong pangalakal at transportasyong panghukbo sa kabuuang 193 karga ng barko (shiploads) sa mga linggo hanggang sa Kapaskuhan ng 1950, at inilulan sa kaligtasan sa Busan at iba pang mga paroroonan sa Timog Korea. Kinabibilangan ng mga naglikas ang 14,000 takas (refugees) na inilulan sa isang barko, ang SS Meredith Victory na pinakamalaking paglikas mula lupa gamit ang iisang barko. Naging posible ito dahil sa pagpahayag ni Pangulong Truman ng pambansang kagipitan na inilabas noong 16 Disyembre 1950 dahil sa Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 2914, 3 C.F.R. 99 (1953). Ang operasyon na ito ay kasukdulan ng Labanan sa Imbakang Chosin, kung saang naglaban ang mga kawal ng UN upang makaalis ng Tsinong patibong.

Noong kahulihan ng 2005, binaba ang antas ng Hŭngnam sa distrito (Hŭngnam-kuyok) mula sa pagiging lungsod (Hŭngnam-si).[16]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 United Nations Statistics Division; 2008 Census of Population of the Democratic People’s Republic of Korea conducted on 1–15 October 2008 (pdf-file) Naka-arkibo 31 March 2010[Date mismatch] sa Wayback Machine. Retrieved on 2009-03-18.
  2. 행정구역 개편 일지. NKChosun (sa wikang Koreano). Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-11-02. Nakuha noong 2006-04-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Characters". How Koreans Talk. UnhengNamu. 2002. pp. 094–095. ISBN 89-87976-95-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. For more information on the post-War reconstruction project, see Frank, Rüdiger (Disyembre 1996). Die DDR und Nordkorea. Der Wiederaufbau der Stadt Hamhŭng von 1954–1962 (sa wikang Aleman). Aachen: Shaker. ISBN 3-8265-5472-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Becker, Jasper (Mayo 2005). Rogue Regime: Kim Jong Il and the Looming Threat of North Korea. USA: Oxford University Press. pp. 199–200. ISBN 9780198038108.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "The Politics of Famine in North Korea". U.S. Institute of Peace. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Enero 2009. Nakuha noong 31 Enero 2009. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Richburg, Keith B. (1997-10-19). "Beyond a Wall of Secrecy, Devastation". Washington Post. Nakuha noong 04 Mayo 2010. {{cite news}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  8. "North Korea: Whole Generation of Children Affected by North Korean Famine". Reuters. 19 Mayo 1999.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-05. Nakuha noong 2017-09-18.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Recent news". U.S. Institute of Peace. Nakuha noong 25 Hunyo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Stone Fish, Isaac (20 Hunyo 2011). "North Korea's Addicting Export: Crystal Meth". Pulitzer Center on Crisis Reporting. Nakuha noong 27 Hunyo 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Korea Travel Guide. Lonely Planet. Nakuha noong 5 Abril 2013.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Largest cities in North Korea
  14. "Data on North Korea's population is scarce and unreliable." Nations Encyclopedia
  15. "Weapons of Mass Destruction: Hungnam". Global Security.org. Nakuha noong 24 Enero 2006.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "행정구역 개편 일지". NKChosun (Korean language site). Inarkibo mula sa orihinal noong 02 Nobyembre 2006. Nakuha noong 29 Abril 2006. {{cite web}}: Check date values in: |archivedate= (tulong); Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)

Mga karagdagang babasahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Dormels, Rainer. North Korea's Cities: Industrial facilities, internal structures and typification. Jimoondang, 2014. ISBN 978-89-6297-167-5

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gabay panlakbay sa Hamhung mula sa Wikivoyage