[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Fullmetal Alchemist

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Fullmetal Alchemist
Hagane no Renkinjutsushi
鋼の錬金術師
DyanraAdventure, Science fantasy, Steampunk
Manga
KuwentoHiromu Arakawa
NaglathalaGangan Comics
Magasin'Monthly Shonen Gangan'
TakboEnero 2001still running
Bolyum17 mga bolyum, na may 77 kabuuang mga tsapter (12 Nobyembre 2007)
Teleseryeng anime
DirektorSeiji Mizushima
EstudyoBones
Inere saMBS-TBS, Animax
Related works

Fullmetal Alchemist the Movie: Conqueror of Shamballa

 Portada ng Anime at Manga

Ang Fullmetal Alchemist (鋼の錬金術師 Hagane no Renkinjutsushi, lit. Alkimiko ng Bakal), kadalasang dinadaglat bilang "FMA" o "Hagaren", ay isang seryeng manga ni Hiromu Arakawa sa Monthly Shonen Gangan. Naging anime din ito at isang pelikula, gayon din ang ilang spin-off at mga larong pang-bidyo. Ang literal na ibig sabihin ng katagang "Hagane no Renkinjutsushi" ay "Aserong Alkimiko".

Ang manga ay inililimbag pa rin hanggang ngayon sa bansang Hapon at 17 bolyum na ang nailathala. Ang anime, sa kabilang banda, ay nagwakas na, at nilalaman ng 51 episodyo at ng isang pelikula. Pareho ang anime at manga na nakaranas ng sobrang kasikatan sa bansang Hapon at Hilagang Amerika. Napanalunan ng serye ang Animage Anime Grand Prix prize noong 2003. Binoto ang anime na #1 best anime of all time sa isang web poll ng TV Asahi noong Setyembre 2005,[1] at muling naging #1 noong 2006.[2]

Naipasok ito sa anim sa walong kategorya kung saan maaari sa American Anime Awards noong Pebrero 2007, at nanalo ng mga parangal sa limang kategorya: Best Long Series, Best Actor, Best Cast, Best DVD Package Design, at Best Anime Theme Song (Rewrite ("Muling isulat") ng Asian Kung-fu Generation). Naipasok din ito sa ketegorya ng Best Anime Feature para sa Fullmetal Alchemist the Movie: Conqueror of Shamballa. Pinamigay ang mga parangal sa labindalawang kategorya, at walang ibang anime ang nanalo ng higit sa dalawang parangal.[3]



Ang tagpuan ng Fullmetal Alchemist ay sa ika-20 siglo, sa isang bansa na tinatawag na Amestris sa isang pamalit-kasaysayang Daigdig na may teknolohiyang tinatayang noong ika-20 siglong Europa. Sa mundong ito, mabigat na ginagamit ang agham ng alkimiya, ngunit mayroon mga elementong pantasya. Sinusubok ng mga totoong mga alkimiko ang transmutasyon ng ginto sa pamamagitan mabababang metal. Sa serye, ang alkimiya ay nagiging agham ng transmutasyon ng materya sa ibang materya sa pamamagitan ng transmutation circles (mga transmutasyong bilog) -- isang siyentipiko, sa kabila noon may katumbas na salamankang pagsasanay. Nagiging Alkimiko ng Estado ng militar ang mga mahuhusay na mga alkimiko. Salungat sa ganitong situwasyon, isinasalarawan ng serye ang paghahahanap ng batang si Edward Elric, ang Fullmetal Alchemist, at kanyang nakakabatang kapatid na si Alphonse, para sa mala-alamat na Philosopher's Stone (Bato ng Pilosopo). Nagdulot ng kanilang paghahanap ng pagtuklas sa katotohanan sa kanilang nakaraan at sa mundong kanilang ginagalawan.

Mga nagboses sa wikang Hapon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Tiongson, Michiko Azarcon bilang Alphonse Elric
  • Rowena Raganit bilang Edward Elric
  • Bon Reyes bilang Roy Mustang
  • Grace Cornel bilang Clara/Psiren/Riza Hawkeye/Rose Tomas/Sloth/Winry Rockbell/Wrath
  • Tiongson, Michiko Azarcon bilang Izumi Curtis
  • Montreal Repuyan bilang Alex Louis Armstrong /Priest Cornello
  • Vincent Gutierrez bilang Scar

Mga pinagbatayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "TV Asahi Top 100 Anime". Anime News Network. 2005-09-23. Nakuha noong 2007-06-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Japan's Favorite TV Anime". Anime News Network. 2006-10-13. Nakuha noong 2007-06-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "American Anime Awards finalists". American Anime Awards. Nakuha noong 2007-06-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kaungnay palabas na sayt

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hindi mga eklusibong mga sayt

[baguhin | baguhin ang wikitext]