Estakato
Ang estakato o staccato ([stakkaːto]; Italyano para sa "hiwalay") ay isang anyo ng artikulasyong pangmusika. Sa modernong notasyon, nagpapahiwatig ito ng isang nota na pinaikli ang tagal,[1][2] na hiniwalay mula sa nota na maaaring sumunod ng katahimikan.[3] Inilarawan ito ng mga teoriko at nagsimulang lumitaw sa musika nang hindi mas maaga kaysa sa 1676.[4]
Notasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa musika ng ika-20 siglo, nagpapahiwatig ang isang tuldok na inilagay sa itaas o sa ibaba ng isang nota na estakato dapat ang pagtugtog, at ginagamit ang isang kalso para sa mas masiglang estakatisimo. Gayunpaman, bago ang 1850, malamang na magkasingkahulugan ang mga tuldok, gitling, at kalso, kahit na nagpakilala ang ilang mga teoriko mula sa unang bahagi ng dekada 1750 ng iba't ibang antas ng estakato sa pamamagitan ng paggamit ng mga tuldok at gitling, kung saan gitling ang nagpapahiwatig ng mas maikli't matalas na nota, at tuldok ang mas mahaba't magaan.
Ginamit ang ilang mga senyas sa huling bahagi ng ika-19 at unang bahagi ng ika-20 siglo upang ipakita ang higit pang mga banayad na pananarinari ng estakato. Ang mga senyas na ito ay may iba't ibang mga kumbinasyon ng mga tuldok, patayo't pahalang na gitling, patayo't pahalang na kalso, at iba pa, ngunit sa pangkalahatan, hindi natagumpay ang mga pagtatangka na gawing pamantayan ang mga senyas na ito.[5]
Nagpapakita ang sumusunod na halimbawa ng saklaw ng tuldok-estakato:
Sa unang sukat, ang mga pares ng nota ay nasa parehong musikal na parte (o tinig) dahil nasa isang karaniwang tagdan ang mga ito. Nalalapat ang estakato sa kapwang nota ng mga pares. Sa ikalawang sukat, binubuo nang hiwalay ang mga pares ng nota na nagpapahiwatig ng dalawang magkakaibang bahagi, kaya naaangkop lamang ang estakato sa itaas na nota.
Legato ang salungat ng artikulasyong pangmusika ng estakato, na nagpapahiwatig ng mahahaba at tuloy-tuloy na mga nota.[6] Mayroong intermediyang artikulasyon na tinatawag na metso estakato o di-legato.
Bilang default, Sibelius, isang programang notasyon ng musika, "pinapaikli ng mga estakato ang isang nota nang 50%."[7]
"Upang maging eksakto ayon sa matematika, tumutunog dapat ang isang simpleng estakato nang kalahati ng haba ng nota; pinapanatili ang portamento nang sa tatlong-kapat, at isang kapat lamang ang estakatisimo."[8]
Estakatisimo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa talihalat na pangtugtugin, ang estakatisimo o staccatissimo ay nagpapahiwatig na dapat itugtog ang mga nota na lubhang hiwalay at natatangi, isang panukdulang estakato. Maaaring isulat ito na may maliliit na sibat sa ibabaw o sa ilalim ng mga nota, depende sa direksyon ng tagdan, tulad ng halimbawang ito mula sa Symphony No. 0 in D minor ni Bruckner:
Bilang kahalili, maaari itong katawanin ng salitang "staccatissimo" o ang pagdadaglat na "staccatiss." sa tagdan. Ang ilang mga kompositor, tulad ni Mozart, ay gumamit ng mga tuldok-estakato na sinamahan ng nakasulat na tagubiling staccatissimo kapag dapat itugtog ang piyesa nang may estakatisimo.[9]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Willi Apel, Harvard Dictionary of Music (Cambridge, Massachusetts: Harvard University Press, 1960), p. 708.
- ↑ Michael Kennedy, ed., [kailangan ang buong pagbanggit ng pinagsanggunian]The Concise Oxford Dictionary of Music, third edition (Oxford and New York: Oxford University Press, 1980), p. 617.
- ↑ Geoffrey Chew, "Staccato", Ang New Grove Dictionary ng Musika at Mga Musikero, ikalawang edisyon, na na-edit ni Stanley Sadie at John Tyrrell (London: Macmillan Publishers, 2001).
- ↑ Werner Bachmann, Robert E. Seletsky, David D. Boyden, Jaak Liivoja-Lorius, Peter Walls, at Peter Cooke, "Bow", Ang New Grove Dictionary ng Musika at Mga Musikero, ikalawang edisyon, na na-edit ni Stanley Sadie at John Tyrrell (London : Macmillan Publishers, 2001).
- ↑ Geoffrey Chew, "Staccato", Ang New Grove Dictionary ng Musika at Mga Musikero, ikalawang edisyon, na na-edit ni Stanley Sadie at John Tyrrell (London: Macmillan Publishers, 2001).
- ↑ Michael Kennedy and Joyce Bourne, "Staccato", The Concise Oxford Dictionary of Music[kailangan ang buong pagbanggit ng pinagsanggunian] (Oxford and New York: Oxford University Press, 1996).
- ↑ Daniel Spreadbury, Michael Eastwood, Ben Finn, at Jonathan Finn, "Sibelius 5 Reference", edisyon 5.2 (Marso 2008), p. 284.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-04-21. Nakuha noong 2019-04-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Philip Farkas, Ang Art ng French Horn Playing (Evanston: Summy-Birchard Company, 1956): p. 51.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Basic Music Theory Neil V. Hawes, organista at puno ng koro ng St. Mary's Church, Osterley
- Staccato Naka-arkibo 2006-07-16 sa Wayback Machine.—halimbawang bidyo ng tinutugtog na estakato