[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Diquark

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa mga modelong quark–diquark, ang isang diquark, o diquark correlation/clustering ang hipotetikal na estado ng dalawang mga quark na pinangkat sa loob ng isang baryon(na binubyo ng tatlong quark). Ang diquark ay kalimitang tinatrato bilang isang subatomikong partikulo kung saan ang ikatlong quark ay nakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng interaksiyong malakas. Ang eksistensiya ng mga diquark sa loob ng mga nucleon ay isang pinagtatalunang isyu ngunit ito ay nakakatulong sa pagpapaliwanag ng ilang mga katangian ng nucleon at upang muling malikha ang eksperimental na datos na sensitibo sa istraktura ng nucleon. Ang mga pares na diquark-antidiquark ay isinulong rin para sa mga anomalosong mga partikulo gaya ng X(3872).

Pwersa sa pagitan ng mga diquark

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga pwersa sa pagitan ng dalawang mga quark sa isang diquark ay atraktibo(nakaakit) kapag ang parehong mga kulay at ikot ay antisimetriko. Kapag ang parehong mga quark ay korelad(magkaugnay) sa paraang ito, ang mga ito ay may kagawiang bumuo ng isang napaka-babang pagsasaayos ng enerhiya. Ang konpigurasyon ng mababang enerhiyang ito ay nakilala bilang isang diquark.

Kontrobersiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming mga siyentipiko ay nag-teorisa na ang isang diquark ay hindi dapat ituring na isang partikulo. Bagaman ang mga ito ay maaaring maglaman ng dalawang mga quark, ang mga ito ay hindi neutral sa kulay at kaya ay hindi maaaring umiral bilang mga naihiwalay na nakabigkis na estado. Bagkus, ang mga ito ay kagawiang lumutang ng malaya sa loob ng mga hadron bilang mga kompositong entidad. Habang malayang lumulutang, ang mga ito ay may sukat na mga fm. Ito ay nagkataon ding parehong sukat gaya ng sa mismong hadron.

Ang mga diquark ay mga konseptuwal na ma pantayong bloke at dahil dito ay nagbibigay sa mga siyentipiko ng prinsipyong nagsasaayos para sa pinakamahalagang mga estado sa spektrum na hadroniko. Maraming mga iba't ibang mga piraso ng ebidensiya na nagpapatunay na ang mga diquark ay pundamental sa istaktura ng mga hadron. Ang isa sa pinaka-nakapipilit na mga piraso ng ebidensiya ay nagmumula sa isang kamakailang pag-aaral ng mga baryon. Sa pag-aaral na ito, ang baryon ay may isang mabigat at dalawang magaang mga quark. Dahil sa ang mabigat na quark ay inert, ang mga siyentipiko ay nagawang matukoy ang mga katangian ng iba't ibang mga konpigurasyong quark sa spektrum na hadroniko.

Eksperimentong Λ at Σ

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang isang eksperimento ay isinagawa gamit ang mga diquark sa isang pagtatangkat upang pag-aralan ang Λ at Σ baryon na nabubuo sa pagkakalikha ng mga hadron ng mga mabibilis na galaw na quark. Sa eksperimento, ang mga quark ay nag-ionisa ng area na vacuum. Ito ay lumikha ng mga pares na quark-antiquark na nagkonberte naman sa mga sarili nito sa mga meson. Kapag lumilikha ng isang baryon sa pamamagitan ng pagtitipon mga quark, nakakatulong kung ang mga quark ay bubuo muna ng isang matatag na estadong dalawang-quark. Ang Λ at Σ ay nalilikha bilang resulat ng taas na quark, babang quark at kakaibang quark. Natuklasan ng mga siyentipiko na ang Λ ay naglalaman ng [ud] diquark ngunit ang Σ ay hindi. Mula sa eksperimentong ito, nahinuha ng mga siyentipiko na ang mga Λ baryon ay mas karaniwan kesa sa mga Σ baryon at talaga ngang mas karaniwan isa sa paktor na 10.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • D. B. Lichtenberg, W. Namgung, E. Predazzi, J. G. Wills (1982). "Baryon Masses In A Relativistic Quark-Diquark Model". Physical Review Letters. 48 (24): 1653–1656. Bibcode:1982PhRvL..48.1653L. doi:10.1103/PhysRevLett.48.1653.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  • R. Rapp, T. Schëfer, E. Shuryak, M. Velkovsky (1998). "Diquark bose condensates in high density matter and instantons". Physical Review Letters. 81 (1): 53–56. arXiv:hep-ph/9711396. Bibcode:1998PhRvL..81...53R. doi:10.1103/PhysRevLett.81.53.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)