[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Dilema ni Euthyphro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Dilema ni Euthyphro ay isang dilema na ginagamit ng mga kritiko upang pabulaanan ang relihiyosong moralidad. Ang dialogo ni Euthyphro at Socrates ay humantong sa ganito:

EUTHYPHRO: Well, I should certainly say that what's holy is whatever all the gods approve of, and that its opposite, what all the gods disprove of, is unholy...

Aking dapat na tiyak na sabihin na anumang banal ay ang anumang inaprubahan ng mga diyos at ang kabaligtaran ng lahat ng hindi inaaprubahan ng mga diyos ay hindi banal.

SOCRATES: We'll soon be in better position to judge, my good chap. Consider the following point: is the holy approved by the gods because it's holy, or is it holy because it's approved?'

Tignan mo ang sumusunod na puntong ito: ang banal ba ay inaaprubahan ng mga diyos dahil ito ay banal o ito ay banal dahil ito ay inaaprubahan?

Kung papalitan natin ang "banal" ng "moral", ito ay tumatalakay sa kung paanong ang paniniwala sa diyos ay nagiging batayan ng moralidad. Kung sasabihing moral ang anumang sabihing moral ng diyos, ito ay nangangahulugang ang moralidad ng diyos ay arbitraryo o ayon lamang sa kagustuhan ng diyos. Kung sinabi ng diyos na ang "pang-aalipin" at "genocide"(pagpapatay ng mga mamamayan ng isang bansa) ay moral, ito ay ituturing na moral at dapat sundin ng mga tagasunod nito. Ang katunayan, ang Bibliya at Qur'an ay nagtuturo at nag-uutos ng mga gayong bagay. Sa kabilang dako, kung sinabi ng diyos na ang isang utos ay moral dahil sa ito ay moral, nangangahulugang ang diyos ay may sinusunod na moralidad na hiwalay sa kanya. Kung gayon, ang diyos ay hindi batayan ng moralidad kundi taggagamit lang nito.