Billie Holiday
Si Billie Holiday (ipinanganak na Eleanora Fagan Gough; 7 Abril 1915 – 17 Hulyo 1959) ay isang Aprikanong Amerikanong manganganta at manunulat ng awitin sa larangan ng musikang jazz.
Binansagang Lady Day (literal na "Ginang Araw", o hinango ang day mula sa apelidong Holiday) ng paminsan-minsang kolaborador na si Lester Young, isang mahalanga impluwensiya si Holiday sa pag-awit ng jazz at pop. Ang kaniyang estilong pangtinig na nabigyang inpirasyon ng mga instrumentalista ang nagpasimula ng isang bagong paraan ng pagpapagalaw sa pananalita at tiyempo, at nagpasikat sa mas pansarili at malapit na gawi sa pag-awit. Isinulat ng kritiko o manunuring si John Bush na siya "ang walang hanggang nakapagpabago sa sining ng Amerikanong mga tinig ng pop".[1][2] Mangilan-ngilan lamang ang nilahukan niyang pagsulat ng mga kanta, ngunit ilan sa mga ito ang naging pamantayan sa jazz, partikular na ang "God Bless the Child" (Basbasan ng Diyos ang Bata), "Don't Explain" (Huwag [Ka] Nang Magpaliwanag) , at "Lady Sings the Blues" (Umaawit ang Ginang [o kagalang-galang na babae] ng mga Bughaw [o malungkot na awitin]). Naging tanyag din siya dahil sa pag-awit ng mga pamantayan ng jazz na isinulat ng iba pa, kabilang ang "Easy Living" (Maginhawang Pamumuhay) at "Strange Fruit" (Pambihirang Bunga [o Prutas]).
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Isinalin mula sa Ingles na: "changed the art of American pop vocals forever."
- ↑ allmusic Billie Holiday, Talambuhay
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Musika at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.