[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Batirol

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga batirol na itinitinda sa isang pamilihan sa Oaxaca, Mehiko.

Ang batirol, batidor o molinilyo ay isang tradisyonal na kagamitang pangkusina na nagmula sa Mehiko, at ginagamit din sa Pilipinas at Kolombiya, na gawa sa inukit na kahoy at ginagamit bilang palis (whisk). Pangunahin itong ginagamit para sa paghahanda ng mga maiinit na inumin tulad ng tsokolate, at sa Mehiko ginagamit rin ito sa paggawa ng mga atole tulad ng tsamporado.

Inimbento ang batirol sa may taong 1700 ng mga Espanyol na naninirahan sa Bagong Espanya bilang pamalit sa kinasanayang pabalik-balik ng pagbuhos ng mainit na inuming tsokolate upang bumula ito.[1]

Katangian at paggawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang batirol ay isang uri ng pamalis na ginagamit para paghanda ng mainit na inuming tsokolate at ibang mga inumin tulad ng tsamporado at atole,[1] kung saan ang pangunahing punsiyon nito ay ang pagpapatunaw ng tsokolate at ang pagbuo ng bula mula rito.[2] Pinupuwesto ang kagamitan sa pagitan ng palad ng kamay at pinapagana sa pagkaskas ng palad habang pinapaikot ang batirol. Dulot ng kilos na ito, bumubuo ng bula ang inumin.[3]

Ginagawa ang batirol sa kahoy gamit ang isang torno,[1] ngunit inuukit din ito gamit ang kamay. May ilan itong mga singsing na kumikilos at umiikot, kung saan nakalungas rin ito.[4] Karaniwang inuukit ang batirol gamit lamang ang isang piraso ng kahoy at binibigyan ito ng dekorasyon sa huling bahagi ng paggawa.[5]

Sa Mehiko, karamihan sa mga estado nito ang gumagawa ng batirol, ngunit pangunahin dito ang Michoacán, Mehiko, Oaxaca at Puebla.[2]

Ayon kay Esteban Terreros y Pando, ang batirol umano ay isang "tukod na de-torno na may lungas na pinapakilos upang mapalis ang tsokolate", ayon sa kaniyang diksiyonaryo na inilathala noong 1787.[6] Inilarawan niya dito na inimbento ito ng mga Espanyol na naninirahan sa Bagong Espanya sa may taong 1700 at kung saan dati nilang kinasanayan ang pagbula ng mainit na inuming tsokolate gamit ang pabalik-balik na pagbuhos sa magkabilang baso.[1]

Gayunpaman, may umiiral nang mga magkatulad na kagamitang ginagamit ng mga katutubo bago sinakop ng mga Espanyol ang Mehiko. Tinawag itong "chicoli" o aneloni, isang salitang Nahuatl na ayon sa kahulugang ibinigay ni Alonso de Molina noong 1571, isa itong "kagamitan upang maiyugyog ang kakaw kapag kailangan nilang gawin".[2]

Mapapatunayan naman na mula Mehiko, dumating ito ng Espanya at iba't ibang bahagi ng mundo mula rito.[2][7] Sa Pilipinas, halimbawa, dumating ito sa kapuluan nang idinala ng mga Espanyol ang inumin at kakaw galing Mehiko at hinikayat nila ang mga katutubong magsasaka na magtanim nito upang makapagpagawa ng tsokolateng eh.[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Mexican Molinillo". Gourmet Sleuth (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Hulyo 2011. Nakuha noong 6 Abril 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "Molinillo". La Jornada (sa wikang Kastila). Nakuha noong 6 Abril 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Wagner, Candy; Márquez, Sandra (1993). Cooking Texas Style: Tenth Anniversary Edition (sa wikang Ingles). Austin, Texas: University of Texas Press. p. 31. ISBN 9780292790810.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Fernández, Adela (1985). La tradicional cocina mexicana y sus mejores recetas (sa wikang Kastila). Panorama Editorial. p. 44. ISBN 9789683801319.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Department of English and Foreign Languages. "El Chocolate del desayuno" (PDF) (sa wikang Kastila). Augusta, Georgia: Augusta State University. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2010-10-08. Nakuha noong 6 Abril 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Terreros y Pando, Esteban (1787). Diccionario castellano con las voces de ciencias y artes y sus correspondientes en las tres lenguas francesa, latina é italiana: E-O (sa wikang Kastila). Imprenta de la Viuda de Ibarra, Hijos y Compañía. p. 605.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. De Cárcer y Disdier, Mariano (1995). Apuntes para la historia de la transculturación indoespañola (sa wikang Kastila). Pambansang Pamantasang Autonomo ng Mehiko. p. 235. ISBN 9789683644466.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Co, Alina R. (2 Setyembre 2011). "A truly Pinoy chocolate fix at Tsoko.Nut Batirol" (sa wikang Ingles). GMA News and Public Affairs. Nakuha noong 19 Hulyo 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)