Batarang
Ang batarang ay isang hugis-paniking sandata na ginagamit ng superhero ng DC Comics na si Batman. Pinaghalong salita ito ng bat (paniki) at boomrerang (isang kagamitang hinahagis at bumabalik sa naghagis). Bagaman ipinangalan sila sa mga boomerang, mas naging parang shuriken (nakatagong sandata na mula sa Hapon) ang mga batarang sa mga kamakailang interpretasyon. Naging pangunahing sandata ni Batman ang mga ito na lumabas sa bawat pangunahing adaptasyon sa telebisyon at pelikula ng Batman sa kasalukuyan. Sa mga kamakailan lamang na interprestasyon, naging karagdagang pag-uudyok kay Batman na gamitin ang batarang bilang pang-atakeng malayuan (alternatibo sa mga sandatang pumuputok, na kanyang tinatanggihan dahil sa nangyari sa pagpatay sa kanyang mga magulang) at ginagamit niya upang pangunahing tanggalin ang baril sa kamay ng sumasalakay.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Wallace, Dan (2008). "Batman's Batarangs". Sa Dougall, Alastair (pat.). The DC Comics Encyclopedia (sa wikang Ingles). New York: Dorling Kindersley. p. 93. ISBN 0-7566-4119-5. OCLC 213309017.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)