[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Arkitekturang Renasimyento

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tempietto di San Pietro in Montorio, Roma, 1502, ni Bramante. Ang munting templo na ito ang nagtatakda kung saan pinatay si San Pedro.
Templo ni Vesta, Roma, 205 AD. Bilang isa sa mga pinakamahaalagang templo ng sinaunang Roma,[1] naging modelo ito para sa Tempietto ni Bramante.

Ang arkitekturang Renasimyento ay ang arkitekturang Europeo sa panahon sa pagitan ng ika-14 at naunang ika-17 siglo sa iba't ibang rehiyon, nagpapakita ng malay na pagbuhay at pagpapaunlad ng ilang elemento ng mga kaisipan at materyal na kultura mula sa sinaunang Gresya at Roma. Sa estilo, sumunod ang arkitekturang Renasimyento sa arkitekturang Gotiko at sinundan ng arkitekturang Baroque. Nagsimula sa Florencia, bilang si Filippo Brunelleschi bilang isa sa mga nakalikha, ang estilong Renasimiyento ay mabilis na kumalaat sa ibang lungsod ng Italya. Naipadala ang estilo sa Pransiya, Alemanya, Inglatera, Rusya, at iba pang bahagi ng Europa sa iba-ibang panahon at may iba-ibang bigat ng epekto.

Mabigat ang diin ng estilong Renasimyento sa simetriya, proporsiyon, heometriya at regularidad ng mga bahagi, gaya ng pagpapakita sa arkitektura ng klasikong antigo at partikular sa sinaunang arkitekturang Romano, na kung saan maraming labi at guho ang sinuri. Ang masusing pagkakaayos ng mga haligi, pilastra, at dintel, pati na rin sa paggamit ng mga semisirkulong mga arko, hemisperong lungaw, ornasina, at edikulo ang pumalit sa lalong komplikadong sistemang pamproporsiyon at iregular na hitsura ng mga gusaling mediebal.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. citation needed