[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Amperyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang amperyo (sa Ingles: ampere; simbolong pang-yunit: A), o "amp" ay ang yunit na SI para sa daloy ng kuryente (simbolo ng dimensyon: I) at isa sa pitong pangunahing yunit na SI. Ito ay pinangalanan mula kay André-Marie Ampère (1775-1836), isang Pranses na matematiko at pisiko, na itinuturing na ama ng elektrodinamika.

Ang amperyo ay katumbas ng isang coulomb (humigit-kumulang 6.241×1018-ka beses ng kargang elementarya) bawat segundo. Ang amperyo ay ginagamit upang ipakita ang halaga ng pagdaloy ng kargang kuryente. Kung ang bilang ng kargadong partikulo o karga ng mga partikulong dumadaan sa kahit anong puntong dumadaloy ang kuryente ay lumaki, ang amperyo ng kuryente sa puntong iyon ay lalaki rin.

Ang ampere ay hindi dapat pagkamalang coulomb (na tinatawag ring amperyo-segundo o amperyo-oras (A⋅h)). Ang amperyo ay yunit ng pagdaloy ng kuryente, ang bilang ng kargang dumadaan bawat yunit ng oras samantalang ang coulomb ay isang yunit ng karga. Kapag ginagamit ang yunit na SI, ang kuryenteng hindi nagbago, biglaan at katamtaman ay ipinapakita gamit ang ampeyo (tulad ng "ang kumakargang kuryente ay 1.2 A") at ang natipong karga, o pinapadaloy sa sirkito sa loob ng isang punto ng oras ay ipapahayag gamit ang mga coulomb (tulad ng "ang karga ng baterya ay 30000 C"). Ang kaugnayan ng amperyo sa coulomb ay maaaring ihalintulad sa kaugnayan ng watt sa joule at ng metro bawat segundo sa metro.