[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Agwaras

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang agwaras (Ingles: turpentine), tinatawag din na ispiritu ng agwaras, langis ng agwaras, kahoy na agwaras at turps (pangkaraniwang tawag), ay likidong mula sa distilasyon ng dagta ng mga puno na karamihan ay ang mga pine. Madalas itong gamitin bilang pantunaw ng pintura, at ito rin ang pinagkukunan ng mga kasangkapan para sa organikong sintesis.

Ang agwaras ay binubuo ng terpenes, karamihan ay ang monoterpenes alpha-pinene at beta-pinene na may mas kaunting chemical compounds na careen, camphene, dipentine, at terpinolene.

Bilang isang pantunaw na organiko, ang singaw ng agwaras ay maaaring makairita ng balat at mga mata, makapagdulot ng masamang epekto sa ating baga at respiratory system at central nervous kung masasamyo, at makapagbunga ng sakit sa bato, at iba pang bagay. Dahil sa madali din itong magliyab, malaki ang posibilidad na makapagdulot ito ng sunog. Ang agwaras ay maaaring magdulot ng hilab sa mga daluyan ng hininga lalo na sa ang mga taong may hika at ubong nanunuyo kaya mas maaaring lumala ang problema sa paghinga ng mga taong may karamdaman kung ito ay malalanghap.