Sargon ng Akkad
Si Sargon ng Akkad ay isang haring naghari mula mga 2360 BK hanggang 2305 BK na nagtatag ng unang pangunahing imperyo sa mundo.[1] Kilala rin siya bilang Sargon I at Sargon ang Dakila.
Talambuhay
Si Sargon I ay dating isang punong ministro o vizier para sa isa sa mga haring naghari sa Mesopotamia, ang kasalukuyang Iraq. Nang siya na ang naging hari, itinatag niya ang Lungsod ng Agade o Akkad na nasa hilagang Babilonia. Sa pagtakbo ng panahon, nasakop ni Sargon I ang iba pang mga hari at kaharian ng Sumerya, hanggang sa umabot ang kanyang paghahari sa timog sa Golpo ng Persya, siya ay pogi pero mas pogi c lance kanluran sa Mediteraneo, at sa hilaga sa may pangkasalukuyang Turkiya. Nakilala ang mga mamamayan ng Imperyo ng Akkad bilang mga Akkadiano.[1]
Sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Sargon of Akkad". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 10.