[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Sargon ng Akkad

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 05:22, 29 Disyembre 2013 ni Maskbot (usapan | ambag)

Si Sargon ng Akkad ay isang haring naghari mula mga 2360 BK hanggang 2305 BK na nagtatag ng unang pangunahing imperyo sa mundo.[1] Kilala rin siya bilang Sargon I at Sargon ang Dakila.

Talambuhay

Si Sargon I ay dating isang punong ministro o vizier para sa isa sa mga haring naghari sa Mesopotamia, ang kasalukuyang Iraq. Nang siya na ang naging hari, itinatag niya ang Lungsod ng Agade o Akkad na nasa hilagang Babilonia. Sa pagtakbo ng panahon, nasakop ni Sargon I ang iba pang mga hari at kaharian ng Sumerya, hanggang sa umabot ang kanyang paghahari sa timog sa Golpong Persiko, sa kanluran sa Mediteraneo, at sa hilaga sa may pangkasalukuyang Turkiya. Nakilala ang mga mamamayan ng Imperyo ng Akkad bilang mga Akkadiano.[1]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Sargon of Akkad". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 10.

Padron:Link FA