Likasi
Likasi Jadotville | ||
---|---|---|
Likasi (bilang Jadotville) noong dekada-1930. | ||
| ||
Mga koordinado: 10°58′53″S 26°44′00″E / 10.98139°S 26.73333°E | ||
Bansa | Demokratikong Republika ng Congo | |
Lalawigan | Lalawigan ng Haut-Katanga | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 235 km2 (91 milya kuwadrado) | |
Taas | 1,318 m (4,324 tal) | |
Populasyon (2012) | ||
• Kabuuan | 447,500 | |
• Kapal | 1,900/km2 (4,900/milya kuwadrado) | |
Sona ng oras | UTC+2 (Oras ng Lubumbashi) | |
Climate | Cwa |
Ang Likasi (mga dating pangalan: Jadotville sa wikang Pranses at Jadotstad sa wikang Olandes) ay isang lungsod sa lalawigan ng Haut-Katanga, sa timog-silangang Demokratikong Republika ng Congo.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Paglusob ng Jadotville (Siege of Jadotville)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1961, sa kasagsagan ng pamamagitan ng Mga Nagkakaisang Bansa (UN) sa labanan sa Katanga, isang pangkat ng mga taga-Irlanda na tropang UN na ipinadala sa Jadotville ay napilitang sumuko sa mga kawal na matapat sa punong ministro ng Katanga na si Moise Tshombe.
Klima
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Likasi ay may klimang subtropiko na halumigmig (Köppen: Cwa).
Datos ng klima para sa Likasi | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Arawang tamtaman °S (°P) | 21.4 (70.5) |
21.5 (70.7) |
21.5 (70.7) |
20.9 (69.6) |
18.6 (65.5) |
16.2 (61.2) |
15.9 (60.6) |
18.1 (64.6) |
21.3 (70.3) |
22.8 (73) |
22.3 (72.1) |
21.7 (71.1) |
20.2 (68.4) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 212 (8.35) |
205 (8.07) |
214 (8.43) |
62 (2.44) |
6 (0.24) |
0 (0) |
0 (0) |
0 (0) |
8 (0.31) |
65 (2.56) |
177 (6.97) |
226 (8.9) |
1,175 (46.27) |
Sanggunian: Climate-Data.org[1] |
Mga paghahati
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nahahati ang Likasi sa apat na mga komyun (communes)
- Kikula
- Likasi
- Panda
- Tshituru
Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
2005 | 367,500 | — |
2012 | 447,500 | +21.8% |
Pagtataya 2005: [2] |
Ang Likasi ay may tinatayang populasyon ng humigit-kumulang 447,500 katao noong 2012. Noong dekada-1990 nagtayo ang Mga Nagkakaisang Bansa (UN) sa Likasi ng mga sentro para sa pagpapakain at sa mga lumikas upang tumulong sa mga tumakas mula sa karahasang etniko sa Shaba.[3] Ang kanilang pagdagsa ay nagpadagdag ng 41,000 katao sa populasyon ng lungsod.[4]
Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nananatili pa ring sentro ng industriya ang Likasi, lalo na sa pagmimina,[5] at bilang isang pusod ng transportasyon para sa karatig-pook. May mga minahán at dalisayan (refineries) na tinutustusan ng mga kalapit na deposito ng tanso at kobalto.[6] Mayroon din isang inabandonang minahán ng ginto sa lungsod na naubusan na ng ginto, pero hinuhukay pa rin ng mga minerong artisano.
Transportasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinaglilingkuran ang Likasi ng isang estasyon ng sistena ng pambansang daambakal. Karamihan sa mga tren ay pangkargamento at hindi pampasahero.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Climate:Likasi". Climate-Data.org. Nakuha noong 10 Abril 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "DWW bought a building for RADEM maternity in Congo". Doctors Worldwide. 28 Setyembre 2005. Nakuha noong 28 Marso 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ ACC/SCN Secretariat with Shoham, Jeremy (8 December 1993) "Current Situation: 11. Shaba Region, Zaire" Naka-arkibo 2011-05-24 sa Wayback Machine. Refugee Nutrition Information System (RNIS), No. 2 - Report on the Nutrition Situation of Refugee and Displaced Populations United Nations Administrative Committee on Coordination, Sub-committee on Nutrition, Geneva
- ↑ ACC/SCN Secretariat with Shoham, Jeremy (17 October 1994) "Current Situation: 11. Shaba/Kasai Regions, Zaire" Naka-arkibo 2011-05-24 sa Wayback Machine. Refugee Nutrition Information System (RNIS), No. 7 - Report on the Nutrition Situation of Refugee and Displaced Populations United Nations Administrative Committee on Coordination, Sub-committee on Nutrition, Geneva
- ↑ Harding, Andrew (27 March 2009)"Slowdown blights DR Congo economy" BBC News, accessed 27 March 2009
- ↑ Rorison, Sean (2008) "Likasi" Congo: Democratic Republic and Republic Bradt Travel Guides, Chalfont St. Peter, England, pp. 143-145 ISBN 1-84162-233-8
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Likasi- Jadotville Naka-arkibo 2008-10-22 sa Wayback Machine.