[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Ishinomaki

Mga koordinado: 38°25′3.3″N 141°18′9.8″E / 38.417583°N 141.302722°E / 38.417583; 141.302722
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ishinomaki

石巻市
Paikot sa kanan mula sa itaas: Tanawin ng pook urbano ng lungsod ng Ishinomaki mula sa himpapawid; Bundok Hiyori; Tashirojima; Gusaling Panlungsod ng Ishinomaki; hilagang panig ng pulo ng Kinkasan; Simbahang Ortodokso ng Ishinomaki Saint John the Apostle
Watawat ng Ishinomaki
Watawat
Opisyal na sagisag ng Ishinomaki
Sagisag
Kinaroroonan ng Ishinomaki sa Prepektura ng Miyagi
Kinaroroonan ng Ishinomaki sa Prepektura ng Miyagi
Ishinomaki is located in Japan
Ishinomaki
Ishinomaki
 
Mga koordinado: 38°25′3.3″N 141°18′9.8″E / 38.417583°N 141.302722°E / 38.417583; 141.302722
Bansa Hapon
RehiyonTōhoku
PrepekturaMiyagi
Pamahalaan
 • AlkaldeHiroshi Kameyama
Lawak
 • Kabuuan554.55 km2 (214.11 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Hunyo 1, 2020)
 • Kabuuan141,766
 • Kapal260/km2 (660/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+09:00 (Pamantayang Oras ng Hapon)
- PunoHapones na Itim na Pino
- BulaklakAzalea
Bilang pantawag0225-95-1111
Adres14-1 Kokucho, Ishinomaki-shi, Miyagi-ken 986-8501
WebsaytOpisyal na websayt

Ang Ishinomaki (石巻市, Ishinomaki-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Miyagi, Hapon. Magmula noong 1 Hunyo 2020 (2020 -06-01), may tinatayang populasyon ito na 141,766 na katao at kapal ng populasyon na 260 tao sa bawat kilometro kuwadrado sa 61,768 mga kabahayan.[1] Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 554.55 square kilometre (214.11 mi kuw).

Ang lugar ng kasalukuyang Ishinomaki ay bahagi ng sinaunang Lalawigan ng Mutsu. Noong panahong Sengoku, pinagtatalunan ng iba-ibang mga angkang samurai ang lugar bago napasailalim ito sa angkang Date ng Dominyong Sendai noong panahong Edo. Umunlad ang bayan bilang isang pangunahing pantalan at sentro ng transbordo para sa pambaybaying pagbabarko sa pagitan ng Edo at hilagang Hapon. Itinatag ang bayan ng Ishinomaki sa loob ng Distrito ng Oshika noong Hunyo 1, 1889 kasabay ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad .

Ibinuo ang kasalukuyang lungsod noong Abril 1, 1933. Noong Abril 1, 2005, sinanib ng Ishinomaki ang kalapit na mga bayan ng Kahoku, Kanan, Kitakami, Monou, at Ogatsu, at ang bayan ng Oshika upang lumaki ang lawak nito nang higit sa sing-apat na dami at dumagdag ng 60,000 katao sa populasyon nito.

Lindol at tsunami noong 2011

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pantalan ng Ishinomaki noong Marso 20, 2011. Kita rito ang matinding pinsala sa mga barko at pasilidad ng pantalan dulot ng tsunami noong 2011.

Kabilang ang Ishinomaki sa mga munisipalidad na napinsala nang husto nang manalasa ang lindol at tsunami sa Tōhoku noong 2011.[2][3] Umabot ang ilang mga tsunami, na may taas na hanggang 10 metro (33 tal), patungo sa 5 kilometro (3.1 mi) ng looban mula sa baybaying-dagat. Winasak ng tsunami ang humigit-kumulang 80% ng 700 mga bahay sa pambaybaying pantalan ng Ayukawa, at malakihang ginuho ang neighborhood ng Kadonowaki.[4][5] Binaha ng tsunami ang humigit-kumulang 46% ng lungsod.[6] Kasunod ng tsunami, natagpuang buo pa rin ang isang estatwa ng Kamen Rider sa kabila ng pinsala sa lugar sa paligid nito; umasa ang isang manunulat sa Tokyo Sports na magbibigay ito ng malasagisag na pag-asa para sa mga nakaligtas sa sakunang ito.[7]

Wasak ang maraming mga paaralang pampubliko, kabilang ang Mababang Paaralan ng Ishinomaki Okawa (大川小学校), na nawalan ng 70 sa 108 mga mag-aaral at siyam sa 13 mga guro at tauhan.[8] May galit pa rin sa ilang mga magulang ng mga mag-aaral na nasawi dahil sinayang ng mga guro ang oras sa pagtatalo kung lilikas ba sa mas-mataas na lugar. At nang binuo na ang pasya, ipinasya ng mga guro na tumungo sa mas-malayong mataas na lugar na nangailangang tumawid pa sa isang kalapit na tulay, at habang tumatawid ay tinangay sila ng tsunami. Tinuring ng mga magulang na hindi makatuwiran ang pasyang ito dahil may isang burol sa likod ng paaralan, na mas-mabilis na maaabutan nila. Sinubukan ng isa sa mga gurong lalaki na hikayatin ang ibang mga guro na dalhin ang mga mag-aaral sa burol nang matapos ang lindol, at nang hindi siya nagtagumpay, inilikas niya ang kaniyang sarili at nagawa niyang hikayatin ang isa sa mga mag-aaral na sumama sa kaniya; kapuwang nakaligtas sila. Nagpatiwakal paglaon ang isa sa mga gurong nakaligtas sa tsunami sa tulay.[9][10][11][12][13]

Magmula noong 17 Hunyo 2011 (2011 -06-17), may kabuoang bilang na 3,097 mga namatay sa Ishinomaki dulot ng tsunami, kalakip ang 2,770 na hindi pa nakikita.[14] Nawalan ng kanilang mga tahanan ang humigit-kumulang 29,000 mga residente ng lungsod.[15]

May ilang mga banyagang nagtatrabaho sa lungsod upang magturo ng Ingles sa lahat ng mababang mga paaralan at mga paaralang panggitna nito, gayon din sa dalawang mataas na mga paaralang munisipal. Namatay sa tsunami ang gurong Amerikano na si Taylor Anderson. Mula nang pumanaw siya, naging masigasig ang kaniyang pamilya sa pagsuporta ng distritong pampaaralan ng Ishinomaki, at nakagawa ng mga palatuntunang magpapasulong sa edukasyong Ingles.[16]

Inusog ng lindol ang lungsod pababa sa timog-silangan, at pinababa nito ang elebasyon ng ilang mga lugar ng lungsod sa 1.2 metro (3.9 tal) na nagdulot ng dalawang beses na pagbaha sa gayong mga lugar kapag taib (high tide). Tuluyang nawala ang dating mabuhanging dalampasigan sa Kadonowaki at umaabot na ang mga laki't kati ng tubig [en] sa pader na dating humihiwalay ng dalampasigan sa daan. Bahagyang nalubog sa ilog ang isang daanang may mga katangan (benches) sa Pulo ng Mangakan.[17]

Mga guho ng Mababang Paaralan ng Okawa noong Agosto 2013

Mula noong 2011, nakatuon ang Ishinomaki at ibang mga munisipalidad sa muling pagtatayo at pagpapa-akit ng mga residente pabalik sa lugar. Noong 2019, walong taon pagkaraan ng sakuna, nananatiling mga guho ang Mababang Paaralan ng Okawa bilang ala-ala sa mga namatay sa tsunami. Nagpupursigi pa rin ang mga magulang ng mga mag-aaral na nasawi sa paghahain ng demanda laban sa paaralan.

Nagsimulang magtayo ng mga ribero (levee) at malaking mga pader ang Ishinomaki at kalapit na mga lungsod sa kahabaan ng baybaying-dagat upang protektahan sila mula sa mga tsunami sa hinaharap.[18]

Ang Ishinomaki ay nasa hilagang-silangang bahagi ng Prepektura ng Miyagi. Kahangga nito ang Look ng Matsushima sa timog at Look ng Kesennuma sa hilaga, pati ang Kabundukang Kitakami sa kanluran. Ang baybaying-dagat nito ay bumubuong bahagi ng Pambansang Liwasan ng Sanriku Fukkō, na umaabot sa Prepektura ng Aomori sa hilaga. Kasama sa mga hangganang pampangasiwaan ng lungsod ang Tashirojima (kilala rin bilang "Pulo ng Pusa" o "Cat Island"), Ajishima, at Kinkasan (o Bundok Kinka), tatlong mga pulo sa labas ng katimugang baybayin ng Tangway ng Oshika.

Kalapit na mga munisipalidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Miyagi Prefecture
Datos ng klima para sa Ishinomaki
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Katamtamang taas °S (°P) 4.1
(39.4)
4.4
(39.9)
7.8
(46)
13.6
(56.5)
18.3
(64.9)
21.3
(70.3)
24.7
(76.5)
27.1
(80.8)
23.4
(74.1)
18.2
(64.8)
12.6
(54.7)
7.2
(45)
15.23
(59.41)
Arawang tamtaman °S (°P) 0.3
(32.5)
0.5
(32.9)
3.5
(38.3)
9.1
(48.4)
14.0
(57.2)
17.7
(63.9)
21.3
(70.3)
23.6
(74.5)
19.7
(67.5)
13.8
(56.8)
8.1
(46.6)
3.1
(37.6)
11.23
(52.21)
Katamtamang baba °S (°P) −3.2
(26.2)
−3.0
(26.6)
−0.4
(31.3)
4.9
(40.8)
10.2
(50.4)
14.7
(58.5)
18.7
(65.7)
20.9
(69.6)
16.4
(61.5)
9.5
(49.1)
3.8
(38.8)
−0.5
(31.1)
7.67
(45.8)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 39.3
(1.547)
47.7
(1.878)
66.6
(2.622)
91.5
(3.602)
98.7
(3.886)
108.5
(4.272)
125.6
(4.945)
123.7
(4.87)
140.9
(5.547)
108.3
(4.264)
64.1
(2.524)
32.7
(1.287)
1,047.6
(41.244)
Balasaking pag-niyebe cm (pulgada) 14
(5.5)
28
(11)
11
(4.3)
0
(0)
0
(0)
0
(0)
0
(0)
0
(0)
0
(0)
0
(0)
1
(0.4)
7
(2.8)
61
(24)
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) 72 72 69 71 74 82 85 83 81 77 74 73 76.1
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw 166.1 160.9 193.4 192.8 211.9 153.6 147.0 178.2 136.1 157.7 146.9 150.5 1,995.1
Sanggunian: NOAA (1961-1990) [19]

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[20] bumaba ang populasyon ng Ishinomaki sa nakalipas na 40 mga taon.

Historical population
TaonPop.±%
1920 102,953—    
1930 122,589+19.1%
1940 137,327+12.0%
1950 177,015+28.9%
1960 180,012+1.7%
1970 177,597−1.3%
1980 186,094+4.8%
1990 182,911−1.7%
2000 174,778−4.4%
2010 160,826−8.0%

Nakagisnang sentro ng komersiyal na pangingisda ang Ishinomaki, lalo na sa pagpapalaki ng mga talaba.

Kambal at kapatid na mga lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Magkakambal ang Ishinomaki sa:[21]

Pinagkasunduang mga lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ishinomaki city official statistics
  2. Satellite Photos of Japan Before and After the Quake and Tsunami New York Times, 13 March 2011
  3. Kyodo News, "Death toll may surpass 10,000 in Miyagi", The Japan Times, 14 March 2011, p. 1.
  4. Kyodo News, "Miyagi coastal whaling port pulverized, little more than memory", The Japan Times, 18 March 2011, p. 3.
  5. Gihooly, Rob, "'Nothing can prepare you to witness this', The Japan Times, 20 March 2011, p. 7.
  6. NHK, "Tsunami flooded 100 square kilometers of city land", 29 March 2011.
  7. "仮面ライダー無事だった". Tokyo Sports. 2011-03-18. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-03-21. Nakuha noong 2014-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Lah, Kyung. "In Japan, parents try to go on: 'My child should come home to me'." CNN. March 23, 2011. Retrieved on March 23, 2011.
  9. Gilhooly, Rob, "Time has stopped for parents of dead and missing children", The Japan Times, 11 March 2012, p. 3.
  10. Gilhooly, Rob (13 Oktubre 2011). "Parents unable to let go continue search for missing kids". The Japan Times. Japan: The Japan Times Ltd. p. 3. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Disyembre 2011. Nakuha noong 13 Marso 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Loss-staggered school reopens". The Japan Times. Japan: The Japan Times Ltd. 19 Abril 2011. p. 3. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Mayo 2011. Nakuha noong 13 Marso 2013. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Kyodo News, "Loss-hit Ishinomaki school opens", The Japan Times, 22 April 2011, p. 2.
  13. Kyodo News, "School that lost 70% of its pupils mourns", The Japan Times, 29 April 2011, p. 1.
  14. Kyodo News, "Ishinomaki can't tally March 11 missing", The Japan Times, 17 June 2011, p. 2.
  15. Robson, Seth, "Ishinomaki residents rebuild their lives as they rebuild their town", Stars and Stripes, 30 August 2011.
  16. [1]. Retrieved on June 22, 2013.
  17. Alabaster, Jay (Mayo 9, 2011). "Quake shifted Japan; towns now flood at high tide". Contra Costa Times/Associated Press. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 30, 2011. Nakuha noong Mayo 9, 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Ambalina, Limarc (2019-08-13). "The Town That Was Washed Away: 8 Years After The Great Tohoku Earthquake (a photo essay)". Japan Bound (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Ishinomaki Climate Normals 1961-1990". National Oceanic and Atmospheric Administration. Nakuha noong Disyembre 30, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Ichinomaki population statistics
  21. "姉妹都市・友好都市". city.ishinomaki.lg.jp (sa wikang Hapones). Ishinomaki. Nakuha noong 2020-04-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]