[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Go Nagai

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Go Nagai
Kapanganakan6 Setyembre 1945
  • (Fugeshi district, Prepektura ng Ishikawa, Hapon)
MamamayanHapon
TrabahoMangaka, animator, screenwriter

Si Kiyoshi Nagai (永井潔, Nagai Kiyoshi, ipinanganak Setyembre 6, 1945), mas kilala sa kanyang sagisag-panulat na Go Nagai (永井 豪, Nagai Gō), ay isang tagaguhit ng manga mula sa bansang Hapon at isang mapanlikhang may-akda ng piksyong siyensiya, pantasya, katatakutan at erotika.[1] Una siyang naging propesyunal noong 1967 sa paglabas ng Meakashi Polikichi, ngunit mas kilala siya sa paglikha ng Cutie Honey, Devilman, at Mazinger Z. Siya rin ang nagbunsod ng genre o ang uri na ecchi nang lumabas ang Harenchi Gakuen. Nabigyan siya ng kredito sa kanyang paglikha sa mga super robot na genre at para sa pagdidisenyo ng unang mga mecha robot na pinipiloto ng isang gumagamit mula sa loob ng isang cockpit tulad ng gawa niya sa Mazinger Z.[2] Noong 2005, naging isang propesor siya para sa Pagdisenyo ng Karakter sa Osaka University of Arts. Naging kasapi siya ng kumite nagnonomina ng Tezuka Osamu Cultural Prize noon pang 2009.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lambiek Comiclopedia. "Comic Creator: Gô Nagai" (sa wikang Ingles). Lambiek. Nakuha noong Marso 13, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Mark Gilson, "A Brief History of Japanese Robophilia", Leonardo 31 (5), pp. 367–369 [368].