Malware
Ang malware (mapaminsalang software[1]) na pinaikli para sa malisyoso o malebolenteng software ay isang sopwer na ginagamit o nililikha ng mga umaatakeng indibidwal upang guluhin ang operasyon ng kompyuter, magtipon ng mga senstibong impormasyon o makalapit sa mga pribadong sistemang pangkompyuter. Ito ay maaaring lumitaw sa anyo ng isang kodigo, mga skripto, aktibong nilalaman, at iba pang sopwer. Ang malware ay isang pangkalahatang terminong ginagamit upang tukuyin ang iba't ibang mga anyo ng masama o mapanghimasok na sopwer. Ito ay kinabibilangan ng mga virus ng kompyuter, ransomware, worm ng kompyuter, kabayong Trojan, rootkit, keylogger, spyware, adware, malisyosong BHO at iba pang mga malisyosong programa. Sa batas, ang malware ay minsang kilala bilang isang kontaminante ng komputer gaya nasa mga batas ng ilang mga estado ng Estados Unidos. Ang malware ay hindi kapareho ng isang depektibong sopwer na sopwer na may layuning lehitimo ngunit naglalaman ng mga mapanganib na bug ng sopwer na hindi naituwid bago ilabas sa paggamit. Gayunpaman, ang ilang malware ay nagbabalat-kayo bilang tunay na sopwer at maaaring magmula sa isang opisyal na websayt ng kompanya. Ang isang halimbawa nito ang sopwer na ginagamit para sa mga walang panganib na layunin na ipinake o isinama sa karagdagang nagmamanman na sopwer na nagtitipon ng mga estadistika sa layuning pagaanunsiyo. Ang mga malware ay humantong sa pagtaas sa paggamit ng mga protektibong sopwer gaya ng antivirus, antimalware, at mga firewall. Ang mga ito ay karaniwang ginagamit ng mga pansariling tagagamit at mga mga network ng korporasyon upang mapigilan ang hindi pinayagang paglapit ng ibang mga tagagamit ng kompyuter sa isang network ng mga kompyuter gayundin din ang automadong pagkalat ng mga malisyosong skripto at sopwer.
Mga kawing panlabas
baguhin- en:Comparison of antivirus software
- Virus Bulletin (sa Ingles) (en)
- AV-Comparatives (sa Ingles) (en)
- AV-Test (sa Ingles) (en)
- ICSA Labs Naka-arkibo 2015-08-13 sa Wayback Machine. (sa Ingles) (en)
- ↑ http://www.microsoft.com/language/en-us/Search.aspx?sString=malicious%20software&langID=tl-PH Microsoft Terminology Collection and Translations in Localized Microsoft Products for Filipino