[go: up one dir, main page]

Kodigo

Sistema ng alituntunin para sa paglipat ng impormasyon mula sa isang anyo papunta sa iba

Sa komunikasyon at pagproseso ng impormasyon, kodigo ang tawag sa sistema ng mga alituntunin para mailipat ang isang impormasyon (tulad ng titik, salita, tunog, larawan, o senyas) papunta sa ibang anyo o paraan, madalas pinaiksi o pasikreto, para dumaan sa komunikasyon o itago sa isang taguan ng datos. Wika ang isa sa mga pinakaunang halimbawa nito, dahil pinayagan nito ang mga tao na maikuwento nang pasalita ang mga kaganapan at karanasan sa paligid niya. Dahil sa natural na limitasyon ng pananalita, naimbento naman ang pagsusulat, na isa ring uri ng kodigong gumagamit naman ng nakikitang simbolo, gayundin ang iba pang mga katulad na paraan katulad ng semaporo.

Pagsasakodigo (Ingles: encoding) ang tawag sa proseso ng paglilipat ng impormasyon mula sa isang anyo papunta sa iba. Kabaligtaran naman nito ang pagdedekodigo (Ingles: decoding), na sumusubok naman na matukoy ang impormasyon sa paraang maiintindihan ng tumatanggap ng impormasyon.

Teorya

baguhin

Sa teorya ng impormasyon at agham pangkompyuter, kinokonsidera ang mga kodigo bilang mga algoritmo na may natatanging simbolo mula sa isang pinagmulang alpabeto papunta sa mga simbolong mula sa target na alpabeto. Halimbawa:

 

Dito, kodigo ang  . Masasabing   ang pinagmulang alpabeto, na may   bilang target na alpabeto. Papalitan ng mga simbolo sa target na alpabeto ang mga katumbas nito sa pinagmulang alpabeto: sa kaso ng  , ayon sa kahulugan sa taas, masasalin ito bilang  .

Sa pormal na kahulugan:  , kung saan,   ang resultang kodigo,   ang pinagmulang alpabeto, at   ang target na alpabeto. Isa itong punsiyon na nagmamapa nang buo sa bawat simbolo ng   sa isang string ng mga simbolo ng  .