80.
9 RZNA
Lokal na Balitang Panradyo
Pamagat ng Programa: Radyo Kagandahan
Uri ng Programa: Pagbabalita
Petsa ng pagsasahimpapawid: Ika- 22 ng Agosto 2024
Oras n g pagsasahimpapawid: 8:00 AM-9:00
Scriptwriter: ________________
STATION ID: 80.9 RZNA AM SONG
PROGRAM ID: RADYO Kagandahan SONG
ANCHOR 1: MAGANDANG UMAGA SA MGA TAGAPAKINIG, NARITO
NA NAMAN PO TAYO PARA MAGHATID NG MGA BALITANG TOTOO.
ANCHOR 2: MGA MAIINIT NA IMPORMASYONG DAPAT NATING
MALAMAN AT PAKATUTUKAN
MUSIC FADE IN
DZRH SCRIPTWRITING AND BROADCASTING
(MALAKAS NA BAGSAK NG TUNOG AT BIGLANG HIHINA)
STATION ID: RZNA! TAGAPAGHATID NG MGA
NAGBABAGANG BALITA, WALANG KINIKILINGAN
TANGING SA KATOTOHANAN LAMANG, ITO ANG RZNA
BOSES NG
SAMBYANAN. RZNA, 80.9 SA PALAPIHITAN NG INYONG M
GA RADIO
(SOUND EFFECTS MALAKAS)
VOICE:MULA SA BULWAGANG PAMBALITAAN, HIMPILAN
AT SANDIGAN NG BAYAN,
ITO ANG RZNA 80.9!
ANCHOR 1:MGA NAGBABAGANG BALITA MULA SA LOOB
LABAS NG BANSA.
ANCHOR 2 : MGA ISYUNG TINUTUTUKAN AT
SINUSUBAYBAYAN.
ANCHOR 1:LAHAT NG ITO KASABAY MGA TANONG NG
SAMABAYANAN AY
LULUTASIN NAMIN SA LOOBNG 5 MINUTONG
PAGLALAHAD.
VOICE: RZNA 80.9! BOSES NG SAMBAYANAN SA LOOB NG
LIMANG MINUTO, MAG
HAHATID NG BALITANG SIK-SIK, SULIT NA SULIT. SA
RZNA,NARITO ANG
TAMBALANG___Riza_______ AT __Delmar_______ NA
GIGISING SA INYO NGAYONG UMAGANG
ITO. ITO ANG MAGANDANG UMAGA KABALITA!
(SOUNDS TING)
ANCHOR 2: ANG ORAS NATIN NGAYON AY ______
MINUTO MAKALIPAS ANG ALAS
______ NG ______ ,ARAW NG MIYERKULES,
IKADALAWAMPUNG PITO NG AGOSTO TAONG
DALAWANG LIBO DALAWAMPUT APAT SABAY SA
PAPARATING NA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG
WIKA NG PILIPINAS
(SOUNDS MAGPAPALIT)(BACKGROUND MUSIC LIVELY)
ANCHOR 1: ISANG MAPAGPALANG ARAW PILIPINAS!
ANCHOR 2: ITO ANG INYONG
KAIBIGAN,___Riza___Canuto___
ANCHOR 1: AT INYONG KAAGAPAY,____Delmar
Saligen_______
ANCHOR 1&2: AT KAYO’Y NAKIKINIG
SA…. MAGANDANG UMAGA KABALITA !
(SOUND LALAKAS)
VOICE:PARA SA ULO NG NAG BABAGANG BALITA.
(LASER SOUND EFFECT)
ANCHOR 1: Tapapan National High School ipinagdiwang ang
IPED day
(LASER SOUND EFFECT)
ANCHOR 2: Sp Escudero pinayuhan ang mga kapwa senador
na dumistansiya sa isyu ng impeachment umano kay VP Sara
(LASER SOUND EFFECT)(DAGLING PAGPUTOL NG KANTA)
ANCHOR 2:PARA SA DETALYE NG MGA NAGBABAGANG
BALITA
(CONTINUE NG BACKGROUND SOUND)
Cherie: Mga guro at mag aaral ng Tapapan National High School
ipinagdiwang ang Indigenous People's Education (IPED) bilang
pagpapahalaga sa mga kultura at mga Indigenous People noong
Agosto 20, 2024. Nagsuot ang mga studante ng tradisyonal na
kasuotang "wanes" at "getap" habang sumasayaw sa tugtog ng
"gangsa" , "takik", at "salibaw" ng mga instrumento ng katutubong
musika.Layunin ng pagdiriwang na ipakita at itaguyod ang mayamang
kultura ng mga katutubo sa pamamagitan ng sayaw at musika.
Danica: Pinayuhan ni Senate President Chiz Escudero ang
mga kapwa senador na dumistansya at huwag ng magsalita sa
sinasabing balak na pagpapa- impeach kay Vice President
Sara Duterte. Ayon kay Escudero hindi maganda na madawit
ang kahit sinong mambabatas sa senado ang impeachment
case.Mababatid na sinabi ni VP Sara na pinaplano umano ng
Kamara ang pagpapatalsik sa kanya bilang Bise Presidente
bagay na pinabulaanan ng ilang mambabatas.Sa impeachment
process, and Senado ang tatayong impeachment court at ang
mga senador ang uupong jurors at gagawad ng hatol.
(SOUNDS MALAKAS MAG PAPALIT)
ANCHOR 1: WHO, hinimok ang mga manufacturer na pabilisin
ang produksyon ng mga bakuna kontra mpox.
Sandra: Nanawagan ang World Health Organization sa mga
manufacturer na pabilisin ang produksyon ng mga bakuna
kontra monkeypox kasunod ng tumataas na kaso ng naturang
sakit.Ayon sa WHO , hindi sapat ang kasalukuyang supply ng
bakuna para mapigilan nito ang pagkalat ng mpox.Hinimok
naman ng WHO ang bansang may sapat na suplay ng
naturang bakuna na idonate muna ito sa mga bansang mas
nangangailangan nito.Apela ng WHO sa publiko na kailangang
magtulungan na ang mga bansa upang makontrol ang pagkalat
ng naturang sakit.
ANCHOR 2: SALAMAT KAIBIGAN, MULING MAGBABALIK
ANG ISTASYONG ITO MATAPOS ANG MAIKLING
PATALASTAS
ANCHOR 1&2 : MAGANDANG UMAGA KABALITA!
(SANDALING PAG PUTOL NG SOUNDS)(BAGONG SOUND
EFFECTS)INFOMERCIAL
:
(MALAKAS NA PASOK NG KANTA PAPAHINA)(PASOK NG
BAGONG KANTA)
ANCHOR: KAYO’Y PATULOY NA NAKIKINIG SA …
VOICE : RZNA 80.9.........R..Z..Z..N....A
ANCHOR 1&2: MAGANDANG UMAGA KABALITA!.
(SPORTS SOUND EFFECT)
ANCHOR 1:PARA NAMAN SA ATING BALITANG
ISPORTS, KAAGAPAY_Archie_______, IBAHAGI MO.
Archie: Nais ni Pilipino boxer Hergie Bacyadan na tuluyan ng
pumasok at maging isang professional boxer.Ayon kay
Bacyadan, pinag aralan niya kung papabor ba sa kaniya ang
sitwasyon matapos matalo sa Paris Olympics.Kung
mabibigyanbaniya siya ng tsansa ay hindi siya magdadalawang
isip na kunin agad ang pagkakataon.Pagtitiyak niya na handa
rin siyang sumabak para sa 2028 Los Angeles Olympics.
(SOUND LALAKAS)VOICE
: RZNA! 80.9 TAGAPAGHATID NG MGA NAGBABAGANG
BALITA, WALANG KINIKILINGANTANGING SA
KATOTOHANAN LAMANG, ITO ANG RZNA BOSES NG
SAMBYANAN.
ANCHOR 1&2: MAGANDANG UMAGA KAIBIGAN
ANCHOR 1 : IYAN PO ANG LIMANG MINUTONG
PAGBABALITA MULA SA ISTASYONG
DI LAMANGNAGHAHATID NG
BALITANG SARIWA KUNDI BALITANG TUMATATAK DIN SA
INYONG PUSO AT DIWA.
ANCHOR 2
: ITO ANG INYONG KAAGAPAY, ___Riza Canuto______
ANCHOR 1
: AT LAGI NYONG KAIBIGAN, ____Delmar Saligen_______
ANCHOR 2
: BALITANG MAKATOTOHANAN.
ANCHOR1
: BALITANG WALANG KINIKILINGAN.
ANCHOR 1&2
: GIGISING TUWING UMAGA UPANG MAGHATID NG
MGA SARIWANG
BALITA. MAGANDANG UMAGA KAIBIGAN .
VOICE
: RZNA 80.9, BOSES NG MASA