Ap6 DLP Wilbert-Tabuena
Ap6 DLP Wilbert-Tabuena
Ap6 DLP Wilbert-Tabuena
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF ROXAS CITY
ARALING
PANLIPUNAN
VI
Prepared by:
WILBERT C. TABUENA
Teacher 1
President Manuel Roxas Memorial Integrated School Sout
Republic of the Philippines
Department of Education
Writer
WILBERT C. TABUENA
TEACHER I | PMRMIS SOUTH
Cataloguers
ANALEE A. MAGALLANES
Education Program Supervisor (Araling Panlipunan)
I. Layunin
II. Nilalaman
A. Paksa: People Power 1
B. Sanggunian: Araling Panlipunan VI Curriculum Guide
Julian, A.G. and Lontoc, N.S. (2016). Bagong Lakbay ng
Lahing Pilipino. Phoenix Publishing House, Inc.
Official Gazette. (2016). EDSA 30. Retrieved from
https://www.officialgazette.gov.ph/edsa/the-ph-protest
Zaide, S.M. (1997). The Philippines: A Unique Nation. All-
Nations Publishing Co., Inc.
C. Kagamitan: mga larawan, worksheets, envelopes, ICT equipment (optional)
D. Pagpapahalaga: Payapang pamamaraan ng pagpapa-abot ng ating mga
hinaing
III. Pamamaraan:
A. Balik- Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin.
Bilang pagbabalik aral ang mga bata ay sasagot ng unang gawain.
Batay sa larawang nasa itaas, ano kaya ang gagawin ng mga tao sa kanilang patutunguhan?
Bakit naman kaya binibigyan ng mga bulaklak ng mga sibilyan ang isang sundalo sa larawan?
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin
Bago simulan ang talakayan, tatanungin muna ang mga bata ng mga sumusunod:
Batay sa mga larawang sinuri; ano ang mga kaugnayan nito sa Lakas ng
Bayan o People Power?
Paano nagpapakita ng Lakas ng Bayan o People Power ang mga larawang
sinuri?
E. Paglinang sa Kabihasaan
Aktibong ipapaliwanag ng guro ang bawat pangungusap sa gawain 3 kung
ang mga ito ba ay maaaring gawin ng isang tao bilang isang mahalagang
kasapi na nagbubuklod sa Lakas ng Bayan o People Power.
Pagkatapos ng aktibong pagsusuri sa mga pangungusap sa gawain 3;
iisa-isahin ng klase ang mga pangyayari noong People Power 1 gamit ang
isang modified instructional-learning material sa ibaba.
Pebrero 22, 1986
Nagsimula ang isang
mapayapang rebolusyon nang si Juan
Ponce Enrile, ministro ng Tanggulang
Pambansa, at si Hen. Fidel V. Ramos,
ang Vice Chief of Staff ng Sandatahang
Lakas ay tumiwalag kay Pang.
Ferdinand E. Marcos dahil sa kanilang
paniniwala na si Gng. Corazon C.
Aquino ang inihalal ng taong bayan.
Nanawagan sina Enrile at Ramos
sa pamamagitan ng Radio Veritas na
sila ay suportahan at bigyang
proteksiyon ang mga militar na
tumiwalag sa administrasyon ni
Marcos.
Ilang saglit lang ang lumipas at
dumagsa ang suporta dahil na rin sa
panawagan nina Jaime Cardinal Sin at
Agapito “Butz” Aquino.
Zaide, S.M. (1997). The Philippines: A Unique Nation. All-Nations Publishing Co., Inc.
F. Paglalapat ng Aralin sa Pang Araw-Araw na Buhay
Pagkatapos isa-isahin sa pamamagitan ng interaktibong talakayan ang mga
pangyayari sa Lakas ng Bayan o People Power 1 ang mga bata ay bibigyan ng isang
sitwasyon hango sa mapayapang paraan sa pagpapa-abot ng mga hinaning. Ang
sitwasyong ito ay maaaring ilapat ng mga bata sa kanilang pang araw-araw na
buhay.
G. Paglalahat ng Aralin
Option A: Ito ay pang-indibidwal na gagawin ng mga bata upang mapanatili ang physical
distancing sa loob ng silid-aralan.
Panuto: Gamit ang isang graphic-organizer isa-isahin at isulat ang buod ng mga
mahahalagang pangyayari sa People Power 1 na nagbigay daan sa
pagpapababa sa puwesto kay dating Pang. Ferdinand E. Marcos.
People
Power 1
H. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Tukuyin ang mga
inilalahad na mga pangyayari. Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong
sagutang papel.
1. Sa apat na araw ng pakikibaka ng sambayanag Pilipino sa mapayapang
rebolusyon ng People Power 1, anong pangyayari ang nagpakita ng tuloyang
pagtatapos ng pamahalaan ni Pang. Ferdinand E. Marcos?
a. Panunumpa ni Pang. Ferdinand E. Marcos sa Malacanang.
b. Paglisan ng mga Marcos sa Malacanyang kasama ang ilang mga kaalyado.
c. Pag-utos ni Pang. Marcos sa kaniyang mga Heneral na salakayin ang Camp
Aguinaldo.
d. Pagpapabuwag ni Pang. Marcos sa mga Pilipinong patuloy na nakikiisa sa
rali sa kahabaan ng EDSA (Epifanio delos Santos Avenue).
Tamang Sagot: b
Gawain: 3 – 2 – 1 Prompt
Panuto: Isulat sa isang papel ang mga hinihingi ng mga nasa kahon tungkol sa
katatapos na aralin sa Lakas ng Bayan o People Power 1.
1.
2.
3.
1. 1.
2.
IV. Pagninilay
V. Mga Tala