[go: up one dir, main page]

0% found this document useful (0 votes)
33 views9 pages

Script

This document provides a summary of a three act story about a young man named Carl who is forcibly recruited into the military during a time of war in his country. He struggles with trauma and turns to substance abuse to cope. In the first act, he is found wounded by a nurse named Maria who helps rescue and treat him. In the second act, Carl and Maria develop feelings for each other and she helps him find hope and meaning in his life again. In the third act, the war ends and Carl is reunited with his family. He and Maria get married and work to improve their community. The story depicts how even in the midst of war, love can provide hope and transformation when one finds faith in God.

Uploaded by

9qb7mckkpf
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
33 views9 pages

Script

This document provides a summary of a three act story about a young man named Carl who is forcibly recruited into the military during a time of war in his country. He struggles with trauma and turns to substance abuse to cope. In the first act, he is found wounded by a nurse named Maria who helps rescue and treat him. In the second act, Carl and Maria develop feelings for each other and she helps him find hope and meaning in his life again. In the third act, the war ends and Carl is reunited with his family. He and Maria get married and work to improve their community. The story depicts how even in the midst of war, love can provide hope and transformation when one finds faith in God.

Uploaded by

9qb7mckkpf
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 9

ICT 11-02

GROUP 2
SY 2023 - 2024

"Pag-ibig sa Panahon ng Digmaan"


"Love in the midst of war"

ACT I: WHAT HAPPENED


SCENE 1: FALLEN SOLDIER
SETTING: DURING A GUN SHOOTING IN AN ABANDONED BUILDING - NIGHT

(CARL, 18, wounded by the war and holding a substance, sits alone in a dark corner. He’s begging for help while being consumed by addiction.)

NARRATOR
Sa gitna ng kaguluhan sa digmaan, may isa't isang taong naghahanap ng pag-asa at pag-ibig. Isang taong gustong makamtan ang kapayapaan.

CARL (in pain; tearing up)


Tulong! Tulong! Ughh! Bakit ba ako nagkakaganito?! Bakit sa akin mo binigay lahat ng kamalasan?! (Referring to God)

(CARL, suffering from his wounds, starts to reminisce the past and how he got into this situation)

SCENE 2: CAN’T LIVE A NORMAL LIFE


SETTING: A YEAR AND A HALF AGO IN A HOUSE - MORNING

(Carl and his family just got home from church)

CARL’S MOM
Whew! Hali na kayo’t kumain na tayo. Marami pa tayong aasikasuhin para paglipat ng bahay
CARL’S DAD (in a comforting tone)
Ma naman. Huwag ka masyadong magpakastress diyan. Hinay-hinay lang.

(Dad proceeds to hug Mom)

CARL’S MOM
Kilala mo naman yung may ari. Mas mabuti kung maayos agad baka sugurin pa tayo nun dito.

(Dad and Mom displays a sweet and tender moment)


(Carl could not resist smiling)

(Suddenly, a series of loud knocks was heard from their door. Dad volunteers to check who is it)

CARL’S DAD
Sino ba sila? Sandali lang.

(He opened the door and a group of soldiers barged and came inside the house)

SOLDIER 1 (aggressive)
Sino mga lalaki rito? Kailangan niyong sumama sa amin. Lumalala na ang digmaan at nauubos na ang mga sundalo. Sa ayaw at sa gusto niyo, sasama kayo sa amin upang
ipaglaban ang ating nasyon!

(The soldiers restrain both Carl and his Dad)

CARL’S MOM (In the state of panic)


Teka lang po, maawa kayo sa amin. Nabubuhay lang kami nang tahimik. Hindi niyo sila maaaring pilitin.

SOLDIER 2 (aggressive)
Tumahimik ka Madam. Wala na ho kayong magagawa.

CARL (in a begging tone)


Parang awa niyo na, kahit ako na lang po. Matanda na ang Papa ko at hindi na niya kayang sumabak pa sa digmaan.

(Carl continued to beg until they let his Dad go)

SOLDIER 1 (still aggressive)


Kung ganoon, ano pang hinihintay mo? Mag-impake ka na!

(With no choice, Carl packed some of his things while crying)


(His parents continued to cryingly beg in the corner)

CARL (crying)
Mama, Papa, mahal na mahal ko po kayo!

(His parents froze in the corner hopelessly watching as the soldiers drag Carl out of their house)

SCENE 3: FORCED RECRUITMENT


SETTING: A YEAR AND A HALF AGO IN A MILITARY CAMP – AFTERNOON

JAMES (another teen who was forcefully recruited) (shouting angrily)


Maawa kayo sa amin! Ni wala pa kami sa legal na edad! Gusto lamang naming mabuhay nang payapa! May mga pangarap pa kami!

SOLDIER (aggressive)
Tumahimik ka! Ipaglalaban niyo ang nasyon sa ayaw at sa gusto niyo!

(Carl, still in disbelief, watches from the distance)

SCENE 4: WE NEVER WANTED THIS


SETTING: A YEAR AGO IN A FOREST)

(Carl, James, and some other recruits were tasked to guard the surroundings)
(All looks so done with their lives; exhausted and scared)

GAB (another recruit)


Lord, when will this end?! Pagod na akong gawin ang bagay na labag sa aking loob at naglalagay sa akin sa panganib.

JAMES (tired of everything)


Eh kung tumakas kaya tayo?

THEO (another recruit)


Imposible. Pangarap niyo bang maging bangkay? Nakakalat ang mga kalaban. At tsaka, parurusahan lang din tayo. Gusto niyo ba yun? Na mas lalo tayong magdusa.

CARL (whispers)
Mama, Papa, tulungan niyo po ako.

(Suddenly, loud bangs surprised the group. Their conversation lured the enemies)
(A shoot out occurred, making everyone panic)
(Gab, not being able to focus, was shot three times)

CARL (in disbelief; shouted)


AGGGGHHHHHHHHHHHHH

(Everyone, scared, retreated as fast as they can)

SCENE 5: COPING MECHANISM


SETTING: A YEAR AGO IN THE MILITARY CAMP – NIGHT

(Carl and his group, still traumatized by what happened to Gab, became silent for days. They are coping in different ways)

(A recruit approached Carl and gave him some susbtance that will seemingly “help him cope.”)

(Carl became dependent on the substance and started losing his sanity)
(A scene of him laying on the floor suffering is shown)

ACT II: THE LIGHT OF HOPE

SCENE 1: RESCUE
SETTING: BACK TO THE PRESENT, IN THE ABANDONED BUILDING – NIGHT

(Carl, laying in the corner, still wounded and helpless)

CARL (mumbles)
Ma, Pa, I’m sorry dahil naging ganito ako. Mukhang malabo na pong muli kayong makita. Pero kung naririnig niyo ako, mahal na mahal ko kayo.

(A military medic, trying to hide, finally found Carl)

MARIA (a military medic/nurse)


Sir, okay ka lang ba? Huwag kang magalala tutulungan kita

(Carl stares ar her like she’s an angel)

MARIA (talks to the radio)


Kailangan ko ng tulong dito sa abandonadong building malapit sa malaking puno. Bilis!

(Other rescuers arrived and Carl watches as they carry him)


(Carl returns to staring at Maria)

SCENE 2: HOW ARE YOU


SETTING: IN A MEDICAL FACILITY – AFTERNOON)
(Carl wakes up in a treatment bed)

CARL (slowly opening his eyes)


Nasaan ako?

MARIA (relieved)
Finally, gising ka na rin. Ilang araw ka ring tulog

CARL (surprised to see the lady who found him)


Sino ka?

MARIA
Ako si Maria, isang military nurse. Huwag kang magalala, gagaling ka rin. Tutulungan kita.

(Carl just stared at her, feeling like she’s the one who would help him escape his dark world)

SCENE 2: DEVELOP

(With the help of Maria, Carl was able to recover. They become friends)
(Their friendship continued until something else developed)

CARL
Maria, may aaminin ako sayo. Bago mo ako nahanap noong gabing iyon, I was a total mess. Wala ako sa sarili ko and I depended on a substance to cope with this traumatizing
situation. Pero nung tinulungan mo ako, parang bumalik muli ang liwanag ng buhay ko. And for that, maraming salamat.

MARIA
Ano ba, Carl wala iyon. Ginawa ko lang kung ano ang trabaho ko at kung ano ang nararapat.

CARL
Hindi lang yun. Bukod sa gratefulness, nagkaroon na rin ako ng ibang nararamdaman para sayo. I think I (hesitant). I think I love you, Maria.

(Maria, shocked and speechless, instantly hugged Carl)

NARRATOR
Sa piling at kalinga ni Maria, si Carl ay nagkaroon ng pag-asa. Nagkaroon ng motibasyon upang baguhin ang kanyang buhay at magtiwalang muli sa Diyos.

(The couple went to church)

SCENE 3: NEVER AGAIN


SETTING: IN CARL’S DREAM - MIDNIGHT

(Carl, dreaming, confronts his dark side represented by a shadowy figure offering a substance.)

SHADOWY FIGURE
Balik ka na sa dati, Carl. Mas masaya ro'n. Alam kong hinahanap-hanap mo pa rin ang dati mong ginagawa.

CARL (standing firm on his decision)


Hinding-hindi na ako babalik sa dating gawain na nagparumi at sumira sa akin. Ngayon, naniniwala ako, na ang tunay na kaligayahan at lubos na pag-ibig ay sa Diyos ko lang
makakamtan, at nakita ko ‘yon sa pamamagitan ni Maria.

SCENE 4: THANK YOU


SETTING: IN A GARDEN - DAY

(Carl and Maria walk hand in hand, reminiscent of ADAM & EVE in paradise.)

CARL
Hindi ako makapaniwala na malalagpasan ko rin ang madilim na mundong iyon. Salamat sa Diyos dahil ikaw ang binigay niya upang maging daluyan ng kaniyang pagpapala sa
akin.

(The couple hugged)


ACT III: HOMECOMING OF A HERO

SCENE 1: WELCOME HOME


SETTING: FAST FORWARD A FEW MONTHS, WAR IS OVER

(Carl, being recognized as a hero, returned to his hometown in hopes of finding his parents)

CARL (losing hope)


Maria, sa tingin mo, nandito pa rin kaya sina Mama at Papa?

MARIA
Oo naman panigurado. Ngayon ka pa ba mawawalan ng pag-asa?

CARL
Tama ka. Ngayon pa bang ang dami ko nang nalampasan na mabibigat na problema.

(The couple saw two people approaching them)

CARL’S DAD
Carl, anak. Ikaw ba yan?

CARL’S MOM (bursting into tears)


Anak? ANAK! Salamat sa Diyos buhay ka pa

(Carl, speechless, started crying and embracing his parents again after several years of separation)
(Maria couldn’t resist smiling after witnessing a tender family love)
SCENE 2: ALL SACRIFICES LEAD TO GOOD THINGS
SETTING: CARL AND MARIA’S WEDDING

NARRATOR
Tulad nina Adam at Eve, nahanap nina Carl at Maria ang kanilang paraiso sa piling ng isa't isa.

(Carl and Maria get married, surrounded by FAMILY and friends.)

SCENE 3: THE ENDING HE DESERVES


SETTING: CARL’S HOMETOWN

(Carl, now a HERO in the truest sense, helps imrpove his hometown)

NARRATOR
Si Carl ay naging bayani, hindi lamang sa digmaan, kundi sa pakikipaglaban para makamtan ang kaniyang inaasam na pag-ibig, kapayapaan, at pag-asa. Sa tulong ng Diyos at pag-
ibig, nagbago ang buhay ni Carl mula sa kadiliman tungo sa magandang kaliwanagan.

(FADE OUT)

NARRATOR
Sa pag-ibig, may pag-asa. Sa pagtitiwala sa Diyos, may pagbabago. Ito ang kwento ng pag-ibig na hindi nawawala sa gitna ng mga digmaan, pag-asang nag aabang para sa mga
naniniwala at nagtitiwalang may magandang magaganap, at kapayapaang sa Diyos lamang makakamtan.

THE END.

You might also like