UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
SY 2023-2024
Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
1. Narinig mo sa inyong kapitbahay na mayroong darating na malakas na bagyo sa inyong
lugar. Ano ang dapat mong gawin?
A. Maghahanda agad sa paparating na bagyo.
B. Ibabalita mo agad sa iba pang kapitbahay ang iyong narinig.
C. Susuriin at aalamin mo muna kung totoo ang narinig na balita.
D. Sasabihan mo agad ang iyong pamilya na lumikas dahil may paparating na bagyo.
2. Sino sa mga sumusunod ang tutularan mo?
A. Si Rochelle na nanonood ng mga telenobela kaysa sa mga balita.
B. Si John na mabilis maniwala sa mga patalastas na napanood o narinig.
C. Si Jay na naglalaro ng computer games kaysa sa gumawa takdang aralin.
D. Si Kim na nagbabasa ng dyaryo upang malaman ang mga pangyayari sa loob at labas
ng bansa.
3. Ano ang dapat gawin sa napanood na balita sa telebisyon o nabasang balita sa pahayagan?
A. Maniniwala agad sa napanood at nabasa.
B. Balewalian at hindi papansin ang balitang napanood.
C. Ipagkalat kaagad ang mga balita o impormasyong napanood o narinig.
D. Isangguni at suriin muna ang napanood o nakinig na balita bago sabihin sa iba.
4. Pagbukas mo ng telebisyon ay may mahalagang flash report, pero mag-uumpisa na rin ang
paboritong mong basketball sa ibang istasyon. Ano ang gagawin mo?
A. ililipat ko sa basketball C. papatayin ko ang telebisyon
B. papanoorin ko ang flash report D. hindi papansin ang flash report
5. Ang pagbabasa ng dyaryo at pakikinig sa radio ay gawaing ___________________.
A. nakalulungkot B. nakalilibangC. nakakapagod D. nakaka
6. Ang lahat ng napapanood at nakikita sa telebisyon ay dapat nating ______________
A. gayahin B. paniwalaan C. suriin D. pakinggan
7. Ang isang balita ay mabuti kung _________________________.
A. ito ay may mga larawan
B. iniulat o isinulat ng kilalang personalidad
C. marami ang nanonood at nagbabasa nito
D. ito ay tunay na makakatotohanan at may kumpletong detalye
8. Ang pagiging mapanuri sa katotohanan ng balita ay kailangan upang ___________
A. kainggitan ng sinuman C. magkaroon ng maayos na pamayanan
B. maging sikat sa karamihan D. maraming maikuwento sa kaibigan
9. Paano masasabing makabuluhan ang isang aklat?
A. Ito ay makapal.
B. Maganda ang uri ng papel na ginamit.
C. Ito ay may maraming magagandang larawan.
D. Wasto at may kumpletong impormasyon ang nilalaman nito.
10. Si Rosa ay palaging nagbabasa ng aklat. Ano ang kaibahan niya sa mga batang hindi
nagbabasa ng aklat?
A. mas malawak ang kanyang kaalaman. C. mas magiging madaldal siya.
B. mas malaki ang kanyang mga mata. D. mas antukin siya.
11. Alin sa mga babasahing ito ang nararapat pagtuunan ng pansin at basahin?
A. Komiks C. Pahayagan na may pornograpiya.
B. Aklat tungkol sa karahasan. D. Aklat tungkol sa kagandahang asal
12. Nakita mo ang kuya mo na kasama ng kanyang mga kaibigan sa computer shop habang
oras ng klase. Pag-uwi ng bahay tinanong ka ng nanay mo kung pumasok sa paaralan
ang kuya mo. Ano ang sasabihin mo?
A. Sasabihing hindi mo siya nakita.
B. Hindi mo sasagutin ang nanay mo.
C. Magsisinungaling ka at sasabihing pumasok siya.
D. Sasabihin ang totoo na hindi pumasok ang kuya mo.
13. Mag-uulat ang iyong kamag-aral ng may marinig ka na hindi tama sa iyong palagay.
Ano ang gagawin mo?
A. Hahadlangan ang pagsasalita niya
B. Sisigawan siya na mali ang inuulat niya
C. Hindi bibigyang pansin ang narinig mula sa kamag-aral.
D. Hihintaying matapos sa pag-uulat ang kaklase bago sabihin ang iyong nalalaman.
14. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng responsableng mag-aaral?
A. Hindi nanonood si Angela ng mga palabas na mararahas at malalaswa.
B. Nanonood si Nilo ng mga palabas tungkol sa labanan ng iba’t-ibang gang.
C. Iniiwasan ni Evan na magbasa ng mga babasahing may malaswang larawan.
D. Sinusuri at pinipili ni Sam ang mga programang kanyang panoorin sa telebisyon.
15. Ang sumusunod ay nagpapakita ng positibong saloobin sa pag-aaral MALIBAN sa isa.
A. Makikipagsabayan sa pagsasalita ng guro.
B. Pakikinggan ang opinyon o ideya ng kasama.
C. Makikinig nang mabuti kapag may nagsasalita
D. Aktibong makikilahok sa talakayan at pangkatang gawain.
16. Paano mo maipakikita ang pagkakaroon ng positibong saloobin sa pagaaral?
A. Simulan agad ang gawain at hindi tapusin kapag nahihirapan na.
B. Gawin lamang ang mga madadaling gawain sa pag-aaral.
C. Tapusin ang sinimulang gawain, gaano man ito kahirap.
D. Mag-aral lang kapag binigyan ng malaking baon.
17. Kung ikaw ay kasali sa isang pangkatang gawain, ano ang dapat mong gawin?
A. Gagawin ko kung ano ang gusto ko.
B. Hindi ko susundin ang sinasabi ng leader.
C. Magagalit sa kagrupo kapag hindi pumayag sa gusto ko.
D. Makikiisa at gagawin ang lahat para makatulong sa pangkat
18. Binigyan kayo ng takdang-aralin ng inyong guro. Napagod ka sa kalalaro. Ano ang
gagawin mo?
A. Magpahinga sandali at gawin ang takdang-aralin.
B. Ipagawa sa kuya ang takdang-aralin.
C. Hindi gagawin ang takdang-aralin.
D. Liliban sa klase kinabukasan.
19. May proyektong “Clean and Green” ang inyong paaralan. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Hindi makikialam
B. Susunod ng labag sa kalooban
C. Magtatapon ng basura kahit saan.
D. Hihikayatin ang kaibigan na makisali sa proyekto.
20. Inatasan si Nina na turuan ang isa nilang kaklase na nahihirapang maintindihan ang
isang paksa sa Matematika. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Tuturuan ang kaklase upang makiisa sa gawain.
B. Tumanggi dahil hindi naman siya guro para magturo.
C. Aakitin ang kaklase na lumabas ngsilid-aralan at maglaro.
D. Ipasa sa iba at sabihing ito ang pinagtuturo ng guro sa kaklase.
21. Malapit na ang araw ng inyong pagsusulit, ano ang nararapat mong gawin upang maipasa mo
ang lahat ng asignatura at makakuha ka ng mataas na marka?
A. Aakitin ang kaklase na maglaro pagkatapos ng klase.
B. Sasamahan ang kaibigang maglaro ng computer games.
C. Aakitin ang kaklase na magkaroon ng talakayan tungkol sa aralin.
D. Liliban sa klase upang mapanood ang paboritong palabas sa telebisyo.
22. Ano ang iyong gagawin kung hindi mo naintindihan ang ipinapagawa sa iyo ng guro?
A. Hayaan na lang kasi nakakahiya.
B. Magtatanong sa katabi kung anong gagawin.
C. Hindi na lang iintindihin ang sinasabi ng guro.
D. Mahinahon na tatanungin ang guro tungkol sa gawain.
23. Mayroon kayong proyektong pampaaralan ngunit hindi mo ito nagawa kaya kumopya ka
na lamang sa iyong kaklase. Natuklasan ito ng inyong guro at tinanong niya kung sino
sa inyong dalawa ang nangopya. Ano ang gagawin mo?
A. Aaminin mo sa iyong guro na ikaw ang nangopya at mangangakong hindi na ito mauulit.
B. Sasabihin mong ang iyong kaibigan ang nangopya.
C. Hindi mo aaminin ang nagawa mong kamalian.
D. Hindi papansinin ang guro.
24. Isang araw, habang naglalakad si John ay nakapulot siya ng pitaka. Ibinalik niya ito sa
may ari dahil may nakasulat na pangalan. Anong katangian ang kanyang ipinakita
A. matapat B. mayaman C. sinungaling D. magaling
25. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katapatan?
A. Nakikinig at sinusunod ang payo ng magulang.
B. Umiiwas sa utos ng guro sa paaralan.
C. Umaamin sa pagkakamaling nagawa.
D. Nagmamano sa magulang.
26. Alin ang nagpapamalas ng wastong kaisipan?
A. Tama lang na magsinungaling paminsan-minsan.
B. Mahalaga ang katapatan sa pagtatagumpay ng isang gawain.
C. Maaaring magsinungaling kung ito ay para sa ikabubuti ng sarili.
D. Maglihim sa magulang kapag hindi pinayagang sumali sa isang gawain
27. Nabasag mo ang salamin na nasa mesa ng iyong guro habang ikaw ay naglilinis. Ano
ang dapat mong gawin?
A. Sabihin sa guro ang totoo. C. Itago ang nabasag na plorera.
B. Umuwi sa bahay at magtago. D. Sabihing ang kaklase mo ang nakabasag.
28. Nakita mo ang kapatid mo na pinapakialaman ang test paper ng kanilang guro na
gagamitin sa pagsusulit. Sinabihan mo siya na ibalik ito subalit hindi nakinig at nagalit
pa sa iyo. Ano ang dapat mong gawin?
A. Babalewalain ang ginawa ng kapatid
B. Gagayahin na rin ang ginawa ng kapatid.
C. Sasabihin sa magulang mo ang ginawa niya.
D. Magagalit din sa kanya at huwag na siyang kausapin.
29. Ang sumusunod ay nagpapakita nang katapatan sa pagbibigay ng sariling opinyon
MALIBAN sa isa.
A. Iniisip ang kabutihan ng ibang tao bago magpasya.
B. Higit na pinahahalagahan ang kabutihang pansarili bago bumuo ng pasya.
C. Sa pagbibigay ng pasya ay maluwag na tinatanggap sa kalooban kung nagkamali.
D. Isinasaalang-alang ang maaaring kalabasan ng mga pangyayari bago bumuo ng pasya.
30. Inakit ka ng kaibigan mong manood ng sine sa darating na Biyernes subalit may pasok kayo kaya
sinabi mo sa kanya na ____________________.
A. Hindi ka na lang sasama dahil may pasok ka.
B. Hindi mo tatapusin ang klase at susunod ka sa kanya.
C. Magdadahilan sa guro na masama ang pakiramdam mo.
D. Hindi ka papasok at sasama ka sa kamag-aaral mong manood ng sine.
31. Pinagbintangan ng iyong mga kamag-aral si Rico na kumuha ng nawawalang pera
ni Angela. Kung ikaw ang pangulo ng klase. Ano ang dapat mong gawin?
A. Isusumbong sa guro si Rose.
B. Wala akong gagawin upang hindi madamay sa gulo.
C. Huwag munang manghusga at tiyakin muna kung paano ito nawala.
D. Kakausapin ko si Rose na magtapat kung saan niya inilagay ang pera.
32. Nakaupo sa unang hanay si Raymond at nabigyan na ng kending ipinamimigay ng guro.
Subalit lumipat siya sa ika-apat na hanay upang muling mabigyan pa ng kendi. Kitang-kita
mo ang ginawa ni Raymond. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin sa guro ang ginawa ni Raymond.
B. Hindi papansinin at magkukunwaring walang nakita.
C. Sisigawan at sasabihing mali ang kanyang ginagawa.
D. Lalapitan at itutulak si Raymond pabalik sa unang hanay.
33. Nawala mo ang hiniram mong sombrero ng iyong kapatid. Ano ang dapat mong gawin?
A. Umiyak at magtago. C. Magpabili kay Nanay ng bago.
B. Sabihing itinago mo lang. D. Sabihin ang totoo sa kapatid mo.
34. Dahil sa paghahabulan sa loob ng bahay ay nadagil at nabasag mo ang paboritong plorera
ng inyong nanay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Ipaglilihim sa nanay ang nangyari.
B. Sasabihing nadagil ng pusa ang plorera.
C. Sasabihin na kapatid mo ang may kasalanan.
D. Sasabihin sa nanay ang totoo at humingi ng kapatawaran sa nagawa.
35. Ano ang maidudulot ng pagiging tapat sa bawat miyembro ng pamilya?
A. Magulong pagsasama C. Pag-aaway ng bawat kasapi.
B. Masayang pagsasama D. Marangyang pamilya
36. Ano ang ibig sabihin ng kasabihang “Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat”.
A. Magsasama ng matagal ang matapat.
B. Kapag tapat magkakaroon ng maraming pera.
C. Ang matapat ay masayang kasama sa buhay.
D. Magiging maayos ang pagsasamahan kung tapat ang bawat isa.
37. Magka-away kayo ng isa mong kamag-aral na kagrupo mo sa gawaing ibinigay ng inyong
guro. Kailangan ninyong magplano ng sama-sama para magtagumpay ang gawain. Ano
ang dapat mong gawin?
A. Lilipat ka sa ibang grupo
B. Hindi mo na lang siya papansinin.
C. Hindi ka na lang sasali sa gawain ng pangkat.
D. Makikipagkasundo ka at makikiisa sa pagpaplano.
38. Magiging madali ang isang gawain kung ang bawat isa ay __________________.
A. kanya-kanya B. matamlay C. may pera D. nagkakaisa
39. Napansin mong hindi sumasali sa laro si Lita dahil nahihiya siya. Ano ang gagawin mo?
A. Lalapitan at hihikayatin ko siya na sumali sa laro
B. Tatanungin ko siya kung gustong sumali
C. Hindi ko bibigyang pansin si Lita.
D. Hahayaan ko si Lita mag-isa.
40. Mabait at mayaman si Jose. Gusto mo siyang maging kaibigan. Paano mo ito gagawin?
A. Magpanggap na mayaman. C. Magpakabait kapag kasama si Jose.
B. Magpakabait at magpakatotoo. D. Magpakabait at sikaping yumaman.
41. Nakita mong kinuha ni Mark ang laruan ni Renz at itinago niya ito sa kanyang bag.
Umiiyak na naghahanap si Renz ng nalaman niya ito. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sasabihin kay Mark na ibalik ang laruan. C. Pagtatakpan ang ginawa ni Mark
B. Bibigyan ng bagong laruan si Renz. D. Pag-aawayin ang dalawa
42. Nasira mo ang aklat na hiniram mo sa iyong kaklase. Nang kinukuha na niya ito ano ang
sasabihin mo?
A. Aawayin mo siya at itatanggi ang iyong nagawa.
B. Wala kang sasabihin at ibibigay mo na lang aklat sa iyong kaklase.
C. Hihingi ka ng paumanhin at mangangako kang aayusin mo ang iyong nasira.
D. Sasabihin mong hindi mo napansin na may sira pala ang aklat na hiniram mo.
43. Inatasan kayo ng inyong guro na alisan ng damo ang inyong halamanan sa paaralan. Ano
ang dapat ninyong gawin?
A. Gagawin ng sama-sama at buong husay ang sinabi ng guro.
B. Aakitin ang mga kaklase na magtago sa loob ng silid-aralan.
C. Hindi susunod sa inyong guro dahil magkakadumi ang inyong mga kamay.
D. Pupunta sa halamanan upang makipag-kuwentuhan sa iyong mga kaklase.
44. Alin sa sumusunod na pelikula at programa ang dapat panoorin ng mga mag-aaral na
katulad mo?
A. barilan B. may aral sa buhay C. showbiz D. teleserye
45. Sa paggamit ng internet o social media, ang bawat isa ay dapat maging _________.
A. masikap B. masipag C. matapat D. responsable
46. Sino ang HINDI dapat tularan?
A. Si Dina na mahilig magbasa ng dyaryo.
B. Si Jenny na mahilig manood ng balita sa telebisyon.
C. Si Jolan na mahilig magbasa ng makabuluhang aklat.
D. Si John na lumiliban sa klase para maglaro ng computer.
47. Si Ryana ay mahilig magbasa. Anong uri ng babasahin ang dapat niyang bilhin?
A. Aklat na may matutunan siya.
B. Aklat na may madramang kuwento.
C. Magazine ng paborito niyang artista.
D. Magazine ng mga sikat na Koreanong artista
48. Sa paggamit ng internet, alin ang dapat isinasaalang-alang?
A. Panahon at oras C. perang gugugulin
B. Isasamang kaibigan D. Website na bubuksan
49. Paano masasabing makabuluhan ang isang aklat?
A. Ito ay makapal.
B. Maganda ang uri ng papel na ginamit.
C. Ito ay may maraming magagandang larawan.
D. Wasto at may kumpletong impormasyon ang nilalaman nito.
E.
50. Si Krecel ay palaging nagbabasa ng aklat. Ano ang kaibahan niya sa mga batang hindi
nagbabasa ng aklat?
A. Mas malawak ang kanyang kaalaman.
B. Mas malaki ang kanyang mga mata.
C. Mas magiging madaldal siya.
D. Mas antukin siya.
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
SY 2022-2023
KEY TO CORRECTION
1. C 26. B
2. D 27. A
3. D 28. C
4. B 29. B
5. B 30. A
6. C 31. C
7. D 32. A
8. C 33. D
9. D 34. D
10. A 35. B
11. D 36. D
12. D 37. D
13. D 38. D
14. B 39. A
15. A 40. B
16. C 41. A
17. D 42. C
18. A 43. A
19. D 44. B
20. A 45. D
21. C 46. D
22. D 47. A
23. A 48. D
24. A 49. D
25. C 50. A