PREFATORY STATEMENT
In a recent case decided by the Supreme Court, it enunciated that: Not every
instance of laying of hands on a child constitutes the crime of child abuse under
Republic Act No. 7610. If the accused intended to debase, degrade or demean the
intrinsic worth and dignity of the child as a human being, then the accused can be
charged for child abuse. But if that wasnt the intention, then the accused should be
charged under the Revised Penal Code. George Bongalon versus People of the
Philippines, G.R. No. 169533, March 20, 2013
In the case at bar, subject for preliminary investigation by the Honorable City
Prosecutors Office, the above jurisprudence is cited as legal basis that, not all acts
against the child are within the purview of violation of the special law that the herein
complainant, and her mother, invoking. It is necessary that the facts of the case must
be established in order to carefully determine, whether or not, the attending
circumstances constitutive of violation of the said special law.
Hence, the instant Counter-Affidavit, in the language known by herein
respondents, are as follows, to wit:
REPUBLIKA NG PILIPINAS
LUNGSOD NG QUEZON
) S.S.
PINAGSAMANG KONTRA-SALAYSAY
Kami po sina, JOSE BACANI at GRACE BACANI (spouses Bacani), at
HANNAH BACANI (daughter of spouses Bacani), kapwa mga nasa hustong gulang,
Filipino at kasalukuyang nakatira G-16 13 th Ave., Brgy. Socorro, Cubao, Quezon City,
mapatos na manumpa ng naayon sa saligang batas, na nagsasabi, na:
1. Ito po ay hinggil sa reklamo na diumanoy pag labag sa R.A. 7610 (Child Abuse)
na isinampa ni JOAHNNA NOMEN MANIEGRO, 16 taong gulang, anak ng magasawang NAP MANIEGRO at ESTHER NOMEN MANIEGRO (kalakip po dito ay
ang Reklamo-Salaysay ng complainant bilang Annex 1 at Annex 1-A).
2. Na, mariin po namin na itinatanggi ang mga bintang na pang-aabuso kay
JOAHNNA
MANIEGRO
(complainant)
sapagkat
ito
po
ay
pawang
kasinungalingan lamang.
3. Na ang kasalukuyang reklamo laban sa amin ay pawang imbento at gawa-gawa
lamang ng ina ng biktima na syang idinikta naman sa kanyang anak na si
JOAHNNA, at ang tanging layunin lamang nila ay upang maging patas lamang
sa mga na una nang mga reklamo na isinampa namin laban sa kanilang pamilya.
4. Para po sa kaalaman ng Kagalang-galang na Tagapagusig Pang-lungsod, ang
pamilya MANIEGRO at pamilya NOMEN, na sina: SPO3 EVELYN NOMEN
(kapatid ng ina ng complaianant), REY NOMEN (Uncle ng complainant), magasawang NAP at ESTHER MANIEGRO (magulang ng complainant), at ang Lola
ng nag complainant (hindi pa kilala ang pangalan), ay ang mga taong
kasalukuyang nag-uokupa sa paupahang bahay na pagaari namin (para po sa
inyong pagsusuri, aming po inilakip ang Contract of Lease at minarkahan na
Annex 2 hanggang Annex 2-A).
5. Masasabi po namin na ang kasalukuyang reklamo na isinampa laban sa amin ay
pawang panggipit lamang sa amin upang makaganti lamang sila sa amin dahil sa
pag-papalis namin sa kanila sa nabaing paupahang bahay at sa mga reklamo na
una na namin naisampa laban sa pamilya MANIEGRO at NOMEN.
6. Nagumpisa po silang lumabag sa mga alituntunin na nakasaad sa kontrata ng
paguupa at di nila pag-babayad sa di tamang oras (sa kasalukuyan ay hindi na
nagbabayad ng kanilang obligasyun), kung kayat nais po namin sila na umalis
na sa nasabing paupahang bahay, ngunit dahil sa ayaw nilang umalis, ito po ay
nagresulta sa pagsampa nang complaint sa baranggay, at bilang basehan, amin
din pong inilakip ang kopya ng COMPLAINT sa Tanggapan ng Punong Barangay
bilang Annex 3.
7. Ito po ay nasundan ng isa pang reklamo sa barangay na aming isinampa laban
sa mag asawang NAP at ESTHER MANIEGRO (magulang ng complainant) at
REY NOMEN (Uncle ng Complainant) ng kasong GRAVE THREAT kungsaan
kami po ay na nabigyan na ng kopya ng CERTIFICATE TO FILE ACTION (bilang
annex 4) laban sa mga nabanggit na pangalan.
8. Sa katunayan po, kami po dapat ang mag habla ng demanda laban sa kanila sa
mga ginagawa nilang PAULIT-ULIT na PAGMAMANMAN sa aming pribadong
buhay. Nariyan din po na madalas po kaming paringgan ng masasama at
pasaring na pagbantaan.
9. Tinatanggap po namin ang alegasyon na kami po ay pumunta sa bahay nila
matapos makuha ang celphone, ngunit mariin naman po namin na itinatanggi na
nagpumilit kaming pumasok sa pamamagitan ng pagbalya ng pintuan nila
hanggang sa masira ito at tuluyang makapasok, ito po ay napaka imposible sa
parte namin at malayo sa katotohanan, dahil wala naman po kaming angkin na
lakas para magawa ang bagay na binibintang sa amin.
10. Kasinungalingan din po na nagiisa si JOAHNNA, ang complainant, sa kanilang
bahay nang kami po ay magpumunta, ayon sa huli. Ang totoo po ay naroroon
ang kanyang Lola, Uncle REY NOMEN at ang ina ng complainant na si ESTHER
NOMEN MANIEGRO.
11. Sa katunayan po, ang ina pa po mismo ng complainant ang syang humarap sa
amin sa may pintuan, kung saan tanaw din namin na na may mga tao sa loob, at
doon ay kanyang tinawag ang kanyang anak, na ng mga oras na iyon ay
kasalukuyang nasa itaas o ikalawang palapag ng kanilang bahay, at nang ito po
ay humarap sa amin ay ito po ay pinahihingi ng tawad ng kanyang ina.
12. Wala rin pong katotohanan na si JOSE BACANI, isa po sa mga nakalagda sa
ibaba, ang nakakuha ng celphone, kundi si HANNAH BACANI, isa rin po sa mga
nakalagda sa ibaba, na habang bumababa po ng hagdanan ng mga oras na
iyon. Sadya din pong hindi makikita kung sino ang nasa kabilang bahay, ganun
din po sa kanila, dahil ang butas o AWANG na tinutukoy ng complaiannat na
pinagsuotan ng kamay ay makikita lamang sa may bandang itaas ng dingding
malapit sa kisame, kungsaan malapit sa hagdanan ng aming bahay, kung kayat
napaka imposible na makita o ma kilala kung sino ang kumuha ng celphone sa
kanya;
13. Kung totoo man po na nakita ng nagrereklamo ang tao sa butas na naroon si
JOSE BACANI, may pagkakaton po ang complainant na makaiwas na hindi
makuha ang celphone sa kamay nito.
14. Kaya po wala po kaming ideya na ang complainant ang nagsuot ng celphone sa
nasabing awing, ngunit naniniwala po kami na ginagamit lamang ng ina ang
complainant upang ilihis ang tunay na issue, na kami po ang tunay na biktima ng
pang aabuso.
15. Nang mga oras na magkaharap kami ay wala naman po kaming mga binitawan
na masakit na salita laban sa complainant, maliban sa pagsabi lang na wag na
uulitin at iwasan na ang pag espiya sa aming pribadong buhay, ngunit nang mga
oras na iyon nag karon kami ng di magandang usapan, kungsaan, naungkat ang
mga nakaraang di pagkakaunawaan at na nauwi sa mainit na pagtatalo aty
barangayan (para pos a inyong pag susuri, aming nilakip ang mga kopya ng
Barangay blotters sa salaysay na ito at may marka na Annex 5).
16. Kami po ay in-endorse sa Police Station 7 ng aming barangay lupon dahil walang
ibig magpatalo. Aming ibinabalik ang celphone sa kanila, ngunit ayaw naman
nilang tanggapin, kayat ipinadedeposito namin sa Police Station bilang
ebidensya ang nasabing celphone, ngunit nirefer kami sa aming baranggay
upang dito na lamang mag patala (bilang Annex 6) ang nasabing celphone at
upang may katibayan o basehan para sa pang hinaharap.
17. Sa kasalukuyan, kami po ay nag-padala na ng Final and Formal Demand laban
sa pamilya NOMEN at MANIEGRO, upang subukin na paalisin sila ng walang
demandahan, ngunit kahit lumipas na ang palugit na ibinigay namin sa kanila at
bayaran ang anoman mga utang sa renta na kanilang nagamit, wala pa rin silang
aksyon, ito po ay isang indikasyon lamang na hindi po nila ginagalang aming
karapatan bilang may-ari ng bahay na kanilang inuupahan, at indikasyon na rin
po na ang tanging layunin lamang po nila ang manggipit sa amin at makaganti
(muli, para pos a inyong pagsusuri, amin pong inilakip ang kopya ng demand
letter at kopya ng proof of service bilang annex 7 at 8).
18. Sa loob po ng humigit Tatlangput-limang (35) taon bilang residente dito sa aming
baranggay, wala naman po kami ni isa na nilamangan, naagrabyado, niloko o
nakaaway, maliban sa pamilya Maniegro na dumayo lamang dito sa aming lugar
upang maghasik ng kaguluhan sadati ay tahimik at payapang buhay.
19. Kaya amin pong hinihiling sa Kagalang-galang na tanggapan ng Tagapag-Usig
Pang-Lungsod na ang kasalukuyang reklamo na violation of R.A. 7610 (Child
Abuse) na isinampa ni JOAHNNA NOMEN MANIEGRO laban sa amin ay
agarang po sanang ma-dismiss dahil po sa wala pong basehan ang ibinibintang
laban po sa amin.
IN WITNESS WHEREOF, we have hereunto set our hands this 5 th day of
January 2015, in Quezon City.
JOSE BACANI
Nagsasalaysay
ID No._________
Issued on______
Issued at _______
GRACE BACANI
Nagsasalaysay
ID No._________
Issued on______
Issued at _______
HANNAH BACANI
Nagsasalaysay
ID No._________
Issued on______
Issued at _______
SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this 5th day of January 2015 in
Quezon City. Affiants exhibited o met their respective identification documents as
indicated above.
Doc No.______;
Page No.______;
Book No.______;
Series of 2015.
NOTARY PUBLIC