[go: up one dir, main page]

0% found this document useful (0 votes)
1K views18 pages

Grade 1 Filipino Tekstong Naratibo Sy14-15

Ib: inquiry into the following: School: Domuschola International School Transdisciplinary Theme number of hours over number of weeks: 12 weeks 1b) Summative assessment task(s): 2. What do we want to learn? what evidence, including student-initiated actions, will we look for? what lines of inquiry will define the scope of the inquiry into the central idea? what teacher questions / provocations will drive these inquiries?

Uploaded by

api-256382279
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
1K views18 pages

Grade 1 Filipino Tekstong Naratibo Sy14-15

Ib: inquiry into the following: School: Domuschola International School Transdisciplinary Theme number of hours over number of weeks: 12 weeks 1b) Summative assessment task(s): 2. What do we want to learn? what evidence, including student-initiated actions, will we look for? what lines of inquiry will define the scope of the inquiry into the central idea? what teacher questions / provocations will drive these inquiries?

Uploaded by

api-256382279
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 18

Planning the inquiry

1. What is our purpose?

Class/grade: Grade 1 & 2

1a) To inquire into the following:

School: Domuschola International School

Transdisciplinary Theme

Title: Tekstong Naratibo (Narrative Text)

Age group: 7- 8
School code: 7800

Teacher: Carla Marie R. Delos Angeles


Date:
Proposed duration:

number of hours over

number of weeks: 12 weeks

Central Idea
Ang tekstong nagkukuwento (narrative text) ay nagpapakita ng mga
pangyayaring may suliranin o kahihinatnang di-inaasahan na nakaaaliw sa
bumabasa.

1b) Summative assessment task(s):

2. What do we want to learn?

What are the possible ways of assessing students understanding of the central
idea? What evidence, including student-initiated actions, will we look for?

What are the key concepts (form, function, causation, change, connection,
perspective, responsibility, reflection) to be emphasized within this inquiry?

Goal: Magamit at maipahayag ang wikang Pilipino sa pamamagitan ng paggawa


ng isang kwentong naratibo

Focus Key Concepts: form, causation, connection


Related Concepts: organization, presentation, sequences, structure

Role: Manunulat (writer) at Mananalaysay (storyteller)


Audience: Mga kamag-aral at ang guro
Situation: Ikaw ay isang manunulat na naanyayahan na gumawa ng isang libro
o story book at naimbitahan ka sa isang teatro (theatre) upang ibahagi sa madla
ang iyong kwento na naisulat.
Product: Storybook na may mga ginuhit na larawan (drawings)

What lines of inquiry will define the scope of the inquiry into the central idea?
Porma, kaayusan at mga katangian ng wika sa isang naratibong teksto (form,
structure and language features of Narrative Texts)
Paggamit ng naratibo upang makapagpakita ng mga serye ng pangyayari na may
di inaasahang resolusyon na siyang nakakapang-aliw (using a narrative to present
series of events with unexpected resolution that entertains)
Paggawa ng naratibong teksto (constructing Narrative Texts)
What teacher questions/provocations will drive these inquiries?

Ano ang isang tekstong naratibo?


Ano ang layunin o purpose ng isang tekstong naratibo?
Anu-ano ang nilalaman ng isang tekstong naratibo?
Ano ang proseso sa paggawa ng isang naratibo?

International Baccalaureate Organization 2011

Planning the inquiry

3. How might we know what we have learned?

4. How best might we learn?

This column should be used in conjunction with How best might we learn?
What are the possible ways of assessing students prior knowledge and skills? What
evidence will we look for?

What are the learning experiences suggested by the teacher and/or students to
encourage the students to engage with the inquiries and address the driving
questions?

Pre-unit assessment: Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang naratibong


teksto (narrative text) tungkol sa kanilang paboritong kwento o storybook na
nabasa.

What are the possible ways of assessing student learning in the context of the lines
of inquiry? What evidence will we look for?
(Use Attachment B: Assessment Opportunities Chart)

Tuning In

Ang Story Mall


Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa maliliit na grupo na may tatlong (3) mga miyembro.
Sa isang grupo, ang mga miyembro ay maitatalaga para maging tagapamahala
(manager), tagapagsulat (writer) at tagapagbalita (reporter).
Bawat grupo ay bibigyan ng mga Paper Bag
Sa pader ng klasrum, matatagpuan ng mga estudyante ang apat na seksyon ng story
mall kung saan sila ay mamimili ng kanilang mga karakter, tagpuan ng pangyayari at ibat
ibang mga litrato na maari nilang magamit sa paggawa ng kanilang kuwento.
Sa Paper Bag ay may nakadikit na isang papel kung saan kanilang isusulat ang kanilang
mabubuong naratibong kwento mula sa kanilang mga larawan. Sa papel na ito ay
makakapili sila ng kanilang orientasyon (orientation), komplikasyon (complication) at
resolusyon para sa kanilang kuwento o maari din sila gumawa ng kanilang sarili.
Pagkatapos gumawa ng isang naratibong kwento ng mga grupo, kanilang ibabahagi ang
kanilang mga nalikha sa klase.

Ang mga Story Cube


Ang story cube ay isang dice na may ibat ibang mga larawan. Mula sa mga story cube,
na mga 5 hanggang sampung piraso na dice, ang mga estudyante ay aanyayahan na
gumawa ng isang kwento mula sa mga larawan.

Ang karakter sa aking kuwento (character profile)


Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang puppet na siyang karakter na nais nila maging
bida sa kanilang kuwento.
Ang karakter na ito ay kanilang ilalarawan gamit ang mga pang-uri (adjectives).

Panonood ng maikling palabas (short video clip)


Ang mga mag-aaral ay manonood ng isang maikling palabas kung saan pagkatapos
manood sila papakitaan ng mga larawan mula sa pinanood at kanilang isasaayos muli
ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
Ang mga estudyante ay aanyayahan na ikuwento muli ang mga pangyayari sa palabas.

What opportunities will occur for transdisciplinary skills development and for the development of the
attributes of the learner profile?
A. Transdisciplinary Skills
Thinking Skills:
Analysis
Sisikapin ng mga mag-aaral na matukoy ang kaayusan (structure) at katangian ng wika
(language features) ng isang tekstong naratibo (narrative text).
Application

Gagamitin ng mga mag-aaral ang kanilang mga kaalaman (knowledge) tungkol sa isang
tekstong naratibo (narrative text) sa paggawa ng sarili nilang teksto.
Social Skills:
Respecting Others
Ang mga mag-aaral ay makikinig ng mabuti habang ang isang tao ay nagbabahagi o
nagsasalita tuwing may mga talakayan (discussions) o mga gawain (learning engagements).
Cooperating
Ang mga mag-aaral ay makikipagtulugan o makikisama (cooperate) sa kanilang mga
kasamahan sa grupo tuwing may mga talakayan (discussions) o mga gawain (learning
engagements).
B. Learner Profile
Knowledgeable
Ang kaalaman ng mga mag-aaral ay nililinang (developed) sa pamamagitan ng pagpapaunlad
ng kanilang pag-unawa (understanding) sa ibat ibang mga katangian (characteristics) at
nilalaman (content) ng isang tekstong naratibo (narrative text).
Communicator
Ang mga mag-aaral ay nililinang (developed) maging tagapagpahayag (communicator) sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang mga karanasan gamit ang isang tekstong naratibo
(narrative text).
C. Attitudes
Commitment
Ang mga mag-aaral ay magpapakita ng commitment sa kanilang sariling pag-aaral sa
pamamagitan ng pagpapakita ng disiplina sa sarili (self-discipline) at responsibilidad
(responsibility), habang kanilang ginagawa ang kanilang mga sariling tekstong naratibo
(narrative text).
Creativity
Ang mga mag-aaral ay maipapahayag ang kanilang pagiging malikhain (creativity) habang
kanilang ginagawa ang kanilang mga tekstong naratibo (narrative text).

5. What resources need to be gathered?


What people, places, audio-visual materials, related literature, music, art, computer software, etc, will be available?
Internet: Narrative Planners, Templates, Assessment Tools, Activity worksheets
Photos and videos
Songs and music videos
Storybooks
How will the classroom environment, local environment, and/or the community be used to facilitate the inquiry?
Students were exposed to the Filipino section in the library where narrative texts could be found. Also, a Filipino corner was added in the classroom that could serve as
reference for different Filipino words.

International Baccalaureate Organization 2011

Reflecting on the inquiry

6. To what extent did we achieve our purpose?

7. To what extent did we include the elements of the PYP?

Assess the outcome of the inquiry by providing evidence of students understanding


of the central idea. The reflections of all teachers involved in the planning and
teaching of the inquiry should be included.

What were the learning experiences that enabled students to:


develop an understanding of the concepts identified in What do we want to
learn?
demonstrate the learning and application of particular transdisciplinary skills?
develop particular attributes of the learner profile and/or attitudes?
In each case, explain your selection.

At the beginning of the term, the students wrote their own narrative text. We also
read stories and watched videos to help us gain an understanding on the purpose
and features of a narrative text. Students went through the writing process to create
their own stories. The students also engaged in different activities, which would help
them develop their speaking and vocabulary skills.
How you could improve on the assessment task(s) so that you would have a more
accurate picture of each students understanding of the central idea.
I could improve on the assessment tasks by providing the students with more
opportunities to share their work to their peers and have their classmates assess
their work. Oral assessments, such as presentations and storytelling, could have
been provided to help in assessing the students ability to present and speak in
Filipino. Also, to further help the students in composing their Filipino narrative
stories, it would be better if their vocabulary, fluency and comprehension of the
language were strengthened.

What was the evidence that connections were made between the central idea and
the transdisciplinary theme?

Key Concepts
Form: Natutunan ng mga mag-aaral na ang isang tekstong naratibo (narrative texts) ay isinaayos upang magpakita ng
mga pangyayari na may suliranin na siyang nakakapagbigay aliw sa mga mambabasa.
Causation: Sa proseso ng pagsusulat ng mga tekstong naratibo (narrative texts) ng mga mag-aaral, kanilang natutunan
na ang isang tekstong naratibo ay nagpapakita ng mga sunud-sunod na mga pangyayari na siyang umusbong sa
mga komplikasyon o suliranin.
Connection: Sa pagbabasa at pagsusulat ng mga tekstong naratibo, natutunan ng mga mag-aaral na ang isang
tekstong naratibo ay mayroong pattern ng mga pangyayari (pattern of events) na konektado (interconnected) sa isat
isa.
Transdisciplinary Skills
Thinking Skills: Napaunlad ng mga mag-aaral ang kanilang thinking skills sa pamamagitan ng paggamit ng mga
kasanayan na kanilang natutunan sa paggawa ng isang tekstong naratibo. Kanila din napaunlad ang kanilang thinking
skills sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga salitang Ingles sa Filipino.
Analysis
Application
Social Skills: Ang social skills ay napaunlad ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pakikibahagi sa ibat ibang mga
gawain tulad ng mga talakayan at mga laro. Kanila din nalinang ang kanilang social skills sa pamamagitan ng pakikinig
sa kanilang guro at sa mga kamag-aral tuwing may diskusyon o pagbabahagi.
Respecting Others
Cooperating
Learner Profile

Knowledgeable
Ang kaalaman ng mga mag-aaral ay nalinang sa pamamagitan ng pagbabasa at panonood ng ibat ibang mga
kwentong naratibo na siyang makakatulong sa pagpapaunlad ng kanilang pag-unawa sa ibat ibang mga katangian at
nilalaman ng isang tekstong naratibo.

Communicator
Ang kakayahan ng mga mag-aaral upang maging isang tagapagpahayag ay nalinang sa pamamagitan ng pagbabahagi
ng mga kuwento na kanilang ginawa sa klase.
Attitudes
Commitment
Ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang commitment sa pamamagitan ng pagpapakita ng disiplina sa sarili (selfdiscipline) at responsibilidad (responsibility), habang kanilang tinatapos ang kanilang mga sariling tekstong naratibo
(narrative text).
Creativity
Naipakita ng mga mag-aaral ang kanilang pagkamalikhain (creativity) sa pamamagitan ng paggawa ng kanilang sariling
tekstong naratibo na kanilang nilagyan ng mga karakter, panimula, komplikasyon, solusyon at wakas.

International Baccalaureate Organization 2011

Reflecting on the inquiry

8. What student-initiated inquiries arose from the learning?

9. Teacher notes

Record a range of student-initiated inquiries and student questions and highlight any
that were incorporated into the teaching and learning.

Strengths:

At this point teachers should go back to box 2 What do we want to learn? and
highlight the teacher questions/provocations that were most effective in driving the
inquiries.

What is a narrative text?


What do we see in a narrative text?
How do we make a narrative text?
How do we translate an English word to Filipino?
What student-initiated actions arose from the learning?

The students were able to enjoy the process of creating their own narrative
stories because they were able to express their creativity.
Most of the students were able to acquire sufficient understanding of the
narrative text because of the 12weeks duration of the lesson.
Going through the writing process was helpful because it guided the
students into understanding the content and purpose of a narrative text.
The narrative stories we have read and discussed in class, gave support to
the UOI.
Challenges:

While some of the students were already using the Filipino language in
writing the narrative texts, most of the students still have challenges in
translating some ideas from English to Filipino.

Most of the students, especially the foreign students, are still more
comfortable speaking using the English language rather than Filipino.

Record student-initiated actions taken by individuals or groups showing their ability


to reflect, to choose and to act.
Students were able to undergo the writing process and create their own narrative
stories for Filipino. The students Filipino vocabulary has also improved and some of
them are already capable of saying expressions and phrases in Filipino. Even
though there is still much room for improvement, most of the students have become
more confident in expressing themselves using the Filipino language as to compare
during the first term.

Recommendations:

For the teacher, going through the writing process requires good
management of the class in order to be efficient.

The Filipino vocabulary skills of the students, especially the foreign


students, should be strengthened more, through various games,
worksheets, drills and activities.

The students should be taught of the skill on how to use the dictionary or
the English- Filipino dictionary in order for them to independently translate
some English words to Filipino.

Encouraging the parents or family members to speak to the student in


Filipino at home will also be a good way to help the child acquire the
language.

International Baccalaureate Organization 2011

Attachment...
A. Key Learning Outcomes
Key Understanding
What do we want students to understand by the end of the unit?
Ang mga tekstong naratibo (narrative texts) ay may porma (form) at kaayusan (structure) na isinaayos upang magpakita ng mga pangyayari na may suliranin o kahihinatnang di-inaasahan.
Ang mga tekstong naratibo (narrative texts) ay nagpapakita ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari na umusbong sa mga komplikasyon o suliranin.
Ang mga tekstong naratibo (narrative texts) ay mayroong pattern ng mga pangyayari (pattern of events) na konektado (interconnected).

Knowledge outcomes and Skills outcomes


What do we want students to be able to know by the end of the unit?
What do we want students to be able to do by the end of the unit?
KAALAMAN (Knowledge)
Kaayusan ng Nagkukuwento (Structure of a Narrative)
Nakakapagpasya sa kung ano ang naaangkop na pamagat.
Natutukoy ang tatlong pangunahing yugto (three main stages).
Natutukoy ang tagpuan, panimula, suliranin at wakas (orientation, complication and resolution) ng isang salaysay.
Nakakapagmungkahi ng mga makabuluhang suliranin (complications).
Nakakapagmungkahi ng mga makabuluhang wakas o resolusyon (resolution).
Gramatika (Grammar)

Nakakagamit ng nakaraang panahunan (past tense).

Nagagamit ng tama ang mga pangatnig (conjunctions).

Nakakagamit ng mga payak na pang-ugnay (simple time connectives).

Nakakagamit ng mga pandiwa (action verbs).

Nakakagamit ng mga pang-uri (adjectives) sa paglalarawan ng mga pangngalan at grupo ng mga pangngalan (noun and noun groups).

Nakakagamit ng mga malalaking titik at tuldok (capitals and full stops).

Nagsisikap na gumamit ng salitaan (dialogue).

Nagagamit ng wasto ang pananaw ng ikatlong tao (third person).

Nagsisimulang paghiwahiwalayin ang mga yugto sa pamamagitan ng mga talata.

Nagsisimula ang mga pangungusap sa ibat ibang paraan.


KASANAYAN (Skills)
Pagsasalita (Oral)

Nakakapagkuwento tungkol sa mga pangunahing yugto ng isang naratibo at nasasabi ang layunin nito.

Natutukoy ang mga pangangailangan ng madla habang nakikinig sa isang kwento.

Nakakapagkuwento tungkol sa mga tekstong narinig o nabasa.

Natutukoy ang orientasyon (orientation), komplikasyon (complication) at resolusyon (resolution) sa mga naratibong teksto na binasa ng malakas (read aloud).
Pagbabasa (Reading)

Naiuugnay ang personal na kaalaman at karanasan sa mga impormasyon at ideya sa mga naratibong teksto.

Naikukuwento muli at nakakapagbigay ng mga komento sa mga naratibong teksto na sinuri at binasa.

Nakakapagbigay ng opinyon at nasusuportahan ito ng mga impormasyon mula sa teksto.

Naitatala ang mga pangyayari at ideya mula sa mga naratibo.

Natutukoy ang mga problema at sinusubukan na malutas ito.

Natutukoy ang mga salita na nakakatulong para masuri (evaluate) ang mga karakter at pangyayari.
Nabibigyan pansin (focus) kung papaano nabuo ang oriyentasyon (orientation) at komplikasyon (complication) ng teksto.

Pagsulat (Writing)

Nakakapagsulat ng mga kuwento na may kaayusan (organizational structure) at may katangian ng wika (language features) ng isang naratibo.

Natutukoy ang layunin ng ibat ibang bahagi (structural parts) ng isang naratibo.

Nakakaguhit ng mga larawan (drawings) upang masamahan ang mga teksto kung kinakailangan.

Nakakagamit ng mga salita na nakakatulong para masuri (evaluate) ang mga karakter at pangyayari.

B. Assessment Opportunities
Line of Inquiry
Porma, kaayusan at mga katangian ng wika sa
isang naratibong teksto
(form, structure and language features of Narrative
Texts)

What will be assessed?


Mauunawaan ng mga mag-aaral na ang mga
tekstong naratibo (narrative texts) ay may porma
(form) at kaayusan (structure) na isinaayos upang
magpakita ng mga pangyayari na may suliranin o
kahihinatnang di-inaasahan.

KAALAMAN (Knowledge):
Kaayusan ng Naratibo (Structure of Narrative
Text)
-

Nakakapagpasya sa kung ano ang


naaangkop na pamagat.

Natutukoy ang tatlong pangunahing


yugto (three main stages).

Natutukoy ang tagpuan, panimula,


suliranin at wakas (orientation,
complication and resolution) ng isang
salaysay.

Nakakapagmungkahi ng mga
makabuluhang suliranin
(complications).

Nakakapagmungkahi ng mga
makabuluhang wakas o resolusyon
(resolution).

Gramatika (Grammar)

nakaraang panahunan (past tense).

pangatnig (conjunctions).

payak na pang-ugnay (simple time


connectives).

mga pandiwa (action verbs).

gamit ng pang-uri (adjectives) sa


paglalarawan ng mga pangngalan at grupo ng

How will evidence be collected?


-Ang mga mag-aaral ay magbabasa ng isang
naratibong teksto kung saan kanilang
maikukuwento ito muli (retelling the story) ng
pasalita (orally) at pasulat (written).
-Ang mga mag-aaral ay makakapagsuri (evaluate)
ng isang naratibong teksto at nakikilala ang porma
(form), kaayusan (structure) at mga katangian ng
wika (language features) nito.

What type of assessment will be


used?
Checklist
Rubrics
Anecdotes

mga pangngalan (noun and noun groups).


malalaking titik at tuldok (capitals and
full stops).
Nagsisikap na gumamit ng salitaan
(dialogue).
wasto ang pananaw ng ikatlong tao
(third person).
Nagsisimulang paghiwahiwalayin ang
mga yugto sa pamamagitan ng mga talata.
Nagsisimula ang mga pangungusap sa
ibat ibang paraan.

KASANAYAN (Skills):
Pagsasalita (Oral)

Nakakapagkuwento tungkol sa mga


pangunahing yugto ng isang naratibo
at nasasabi ang layunin nito.

Natutukoy ang mga pangangailangan


ng madla habang nakikinig sa isang
kwento.

Pagbabasa (Reading)

Natutukoy ang mga salita na


nakakatulong para masuri (evaluate)
ang mga karakter at pangyayari.

Nabibigyan pansin (focus) kung


papaano nabuo ang oriyentasyon
(orientation) at komplikasyon
(complication) ng teksto.

Pagsulat (Writing)

Nakakapagsulat ng mga kuwento na


may kaayusan (organizational
structure) at may katangian ng wika
(language features) ng isang naratibo.

Natutukoy ang layunin ng ibat ibang


bahagi (structural parts) ng isang
naratibo.

TRANSDISCIPLINARY SKILLS:
Analysis
Respecting Others

ATTITUDES:
Commitment

Creativity
Paggamit ng naratibo upang makapagpakita ng
mga serye ng pangyayari na may di inaasahang
resolusyon na siyang nakakapang-aliw
(using a narrative to present series of events with
unexpected resolution that entertains)

Mauunawaan ng mag-aaral na ang mga tekstong


naratibo (narrative texts) ay nagpapakita ng
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari na
umusbong sa mga komplikasyon o suliranin.

KAALAMAN (Knowledge):
Kaayusan ng Naratibo (Structure of Narrative
Text)
-

Nakakapagpasya sa kung ano ang


naaangkop na pamagat.

Natutukoy ang tatlong pangunahing


yugto (three main stages).

Natutukoy ang tagpuan, panimula,


suliranin at wakas (orientation,
complication and resolution) ng isang
salaysay.

Nakakapagmungkahi ng mga
makabuluhang suliranin
(complications).

Nakakapagmungkahi ng mga
makabuluhang wakas o resolusyon
(resolution).

Gramatika (Grammar)

nakaraang panahunan (past tense).

pangatnig (conjunctions).

payak na pang-ugnay (simple time


connectives).

mga pandiwa (action verbs).

gamit ng pang-uri (adjectives) sa


paglalarawan ng mga pangngalan at grupo ng
mga pangngalan (noun and noun groups).
malalaking titik at tuldok (capitals and
full stops).
Nagsisikap na gumamit ng salitaan
(dialogue).
wasto ang pananaw ng ikatlong tao
(third person).
Nagsisimulang paghiwahiwalayin ang
mga yugto sa pamamagitan ng mga talata.
Nagsisimula ang mga pangungusap sa
ibat ibang paraan.

-Ang mga mag-aaral ay magkukuwento muli ng


isang kuwento ayon sa pagkakasunud-sunod nito
at nang natutukoy ang oriyentasyon (orientation),
komplikasyon (complication) at resolusyon
(resolution).

Rubrics
Anecdotes
Checklist

KASANAYAN (Skills):
Pagsasalita (Oral)

Nakakapagkuwento tungkol sa mga


tekstong narinig o nabasa.

Pagbabasa (Reading)

Nakakapagbigay ng opinyon at
nasusuportahan ito ng mga
impormasyon mula sa teksto.

Naitatala ang mga pangyayari at ideya


mula sa mga naratibo.

Natutukoy ang mga problema at


sinusubukan na malutas ito.

Pagsulat (Writing)

Nakakaguhit ng mga larawan


(drawings) upang masamahan ang
mga teksto kung kinakailangan.

TRANSDISCIPLINARY SKILLS:
Application

ATTITUDES:
Commitment
Creativity
Paggawa ng naratibong teksto
(constructing Narrative Texts)

Mauunawaan ng mag-aaral na ang mga tekstong


naratibo (narrative texts) ay mayroong pattern ng
mga pangyayari (pattern of events) na konektado
(interconnected).

Kaayusan ng Naratibo (Structure of Narrative


Text)
-

Nakakapagpasya sa kung ano ang


naaangkop na pamagat.

Natutukoy ang tatlong pangunahing


yugto (three main stages).

Natutukoy ang tagpuan, panimula,


suliranin at wakas (orientation,
complication and resolution) ng isang
salaysay.

Nakakapagmungkahi ng mga
makabuluhang suliranin
(complications).

Nakakapagmungkahi ng mga
makabuluhang wakas o resolusyon

-Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang


naratibong picture outline kung saan kanilang
iguguhit ang mga karakter, tagpuan, oriyentasyon,
komplikasyon at resolusyon na nais nilang
maganap sa kanilang kuwento.

Rubrics
Anecdotes
Checklist

(resolution).
Gramatika (Grammar)

nakaraang panahunan (past tense).

pangatnig (conjunctions).

payak na pang-ugnay (simple time


connectives).

mga pandiwa (action verbs).

gamit ng pang-uri (adjectives) sa


paglalarawan ng mga pangngalan at grupo ng
mga pangngalan (noun and noun groups).
malalaking titik at tuldok (capitals and
full stops).
Nagsisikap na gumamit ng salitaan
(dialogue).
wasto ang pananaw ng ikatlong tao
(third person).
Nagsisimulang paghiwahiwalayin ang
mga yugto sa pamamagitan ng mga talata.
Nagsisimula ang mga pangungusap sa
ibat ibang paraan.

KASANAYAN (Skills):
Pagsasalita (Oral)

Natutukoy ang orientasyon


(orientation), komplikasyon
(complication) at resolusyon
(resolution) sa mga naratibong teksto
na binasa ng malakas (read aloud).

Pagbabasa (Reading)

Naiuugnay ang personal na kaalaman


at karanasan sa mga impormasyon at
ideya sa mga naratibong teksto.

Naikukuwento muli at nakakapagbigay


ng mga komento sa mga naratibong
teksto na sinuri at binasa.

Pagsulat (Writing)
-

Nakakagamit ng mga salita na


nakakatulong para masuri (evaluate)
ang mga karakter at pangyayari.

TRANSDISCIPLINARY SKILLS:
Analysis
Application

ATTITUDES:
Commitment
Creativity

C. Learning Engagements
Finding Out

Sorting Out

Data collection
Experiences to assist students to gather new information about the topic

Experiences and texts that add to the knowledge base. Emphasis on gathering first-hand data in a range

of ways (usually shared experiences)

Familiarization

Gauging, organizing or representing new information


Activities to assist students to process and work with the information and ideas they have gathered about
the topic (including exploring values)
Organizing, analyzing and communicating the information gathered using a range of vehicles (e.g through
Maths, Arts, English, Drama, Music or IT)

Line of Inquiry 1: Porma, kaayusan at mga katangian ng wika sa isang


naratibong teksto (form, structure and language features of Narrative Texts)

Line of Inquiry 1: Porma, kaayusan at mga katangian ng wika sa isang naratibong teksto (form, structure
and language features of Narrative Texts)

Pagkilala Sa Isang Naratibo


(Form and Structure)
-Ang mga mag-aaral ay babasahan ng guro ng isang kilala o pamilyar na
naratibong teksto. Ang oriyentasyon, komplikasyon at resolusyon ng kuwento ay
tatalakayin sa loob ng klase. Isang tsart ang gagamitin bilang talaan. Ang klase
ay magbabasa o manonood ng iba pang kilalang naratibo, at ang mga sagot sa
talakayan ay ilalagay sa tsart. Ang mga sumusunod ang gagagmitin na heading:
Kailan? (when)
Sino? (who)
Saan? (where)
Komplikasyon (complication)
Resolusyon (resolution)
Katapusan (ending)
-Gamit ang tsart bilang gabay sa pagtalakay, susuriin ang pagkakaparehas sa
kaayusan (structure) at katangian (feature) ng mga naratibong nabasa o
napanood sa klase. (TT, p.10)

Paggawa ng mga Patakaran: Porma at Kaayusan


(Create Rules: Form and Structure)
-Ang mga grupo sa klase ay bibigyan ng oras upang basahin muli ang mga impormasyon na kanilang
naipon, at upang sila ay makagawa ng isang listahan ng mga patakaran o rules sa pagsusulat ng isang
tekstong naratibo (narrative text).

Pagsusunud-sunod ng mga Pangungusap


(Form and Structure)
-Ang klase ay hahatiin sa mga maliliit na grupo na binubo ng apat hanggang lima
na mga miyembro. Bawat grupo ay bibigyan ng mga pangungusap na nagmula
sa isang kuwento (sentence strips).
-Bawat grupo ay magkakaroon ng pagtalakay tungkol sa kanilang mga
pangungusap. Kanilang pag-uusapan kung saang bahagi ng naratibong teksto,
oriyentasyon, komplikasyon o resolusyon, nababagay ang mga pangugusap.
-Ang mga grupo ay aanyayahan na idikit ang kanilang mga pangugusap sa
tatlong makukulay na papel na kumakatawan sa mga bahagi ng isang naratibong
teksto. (TT, p.11)
Oriyentasyon ng isang tekstong naratibo
(Form and Structure)
Ang mga mag-aaral ay makakagawa ng isang story map/grammar na kung saan

-Ang bawat grupo ay aanyayahan na ibahagi sa klase ang kanilang mga patakaran, at
pagsasamasamahin ang mga patakaran na ito upang makagawa ang klase ng isang sangguniang tsart
(reference chart).
Pagtukoy sa katangian ng wika ng mga salita
(Identifying the language feature of the words)
Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng mga gawain kung saan kanilang tutukuyin ang katangian ng wika
(language feature) ng mga salita. Ang mga mag-aaral ay gagabayan sa pagtukoy kung ang isang salita ay:
mga pangngalan (nouns) at panghalip (pronoun) sa pagkilala ng mga tao, hayop at mga bagay
mga pandiwa (action verbs) sa pagtukoy ng mga pangyayari
nakaraang panauhan (past tense): pagtukoy ng mga pangyayari na naayon sa oras ng
tagapagsalaysay o ng manunulat
mga pangatnig (conjunctions).
mga payak na pang-ugnay (simple time connectives).
mga pang-uri (adjectives) sa paglalarawan ng mga pangngalan at grupo ng mga pangngalan
(noun and noun groups).
nasa pananaw ng ikatlong tao (third person).

kanilang tutukuyin ang mga karakter, tagpuan at mga pangyayari sa kuwento.


Paglalararawan ng isang Karakter
(Form and Structure)
-Ang klase ay hahatiin sa maliliit na grupo kung saan ang bawat grupo ay
kinakailangan na bumuo ng isang profile para sa isang karakter mula sa kilalang
naratibong teksto.
-Ang mga mag-aaral ay aanyayahan na mag-isip ng nakakawili (interesting) at
malikhain (creative) na mga salita upang mailarawan ang hitsura (looks), kilos
(action) at emosyon (emotion) ng isang karakter. (TT, p.10)
Color Signals
(Language features)
Ang mga mag-aaral ay magbabasa ng isang tekstong pasalaysay (recount texts)
kung saan kanilang tutukuyin ang mga katangian ng wika na ginamit (language
features) na ginamit, hal. red- pangngalan, yellow- panghalip, green- pang-uri,
blue- pang-abay, etc., nang may gabay ng guro.
Line of Inquiry 2: Paggamit ng naratibo upang makapagpakita ng mga serye ng
pangyayari na may di inaasahang resolusyon na siyang nakakapang-aliw (using
a narrative to present series of events with unexpected resolution that entertains)

Line of Inquiry 2: Paggamit ng naratibo upang makapagpakita ng mga serye ng pangyayari na may di
inaasahang resolusyon na siyang nakakapang-aliw (using a narrative to present series of events with
unexpected resolution that entertains)

Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa isang naratibo


(Sequencing of Events)
Ang mga mag-aaral ay magbabasa ng isang naratibong teksto. Pagkatapos
magbasa, ang mga mag-aaral ay papakitaan ng mga larawan mula sa kuwento
kung saan kinakailangan nilang isaayos ang mga larawan na ito ayon sa tamang
pagkakasunud-sunod sa kuwento. (TT, p.10)

Ang Aking Paboritong Kuwentong Naratibo


(My Favorite Narrative Story)
-Ang mga mag-aaral ay aanyayahan na isipin ang kanilang paboritong kuwento o naratibo.
-Mula sa kanilang mga paboritong kuwento o naratibo, ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang picture o
illustrated storybook base dito.
-Sa mga illustrated storybook ng mga mag-aaral, kinakailangan na matagpuan ang oriyentasyon
(orientation), komplikasyon (complication) at resolusyon (resolution) dito.

Ilarawan Ito!
(Picture This)
-Ang mga mag-aaral ay papakitaan ng ibat ibang mga larawan ng tao, lugar at
mga kagamitan. Mula sa mga larawan na ito, ang mga mag-aaral ay aanyayahan
na sumulat ng isang deskripsyon tungkol sa mga larawan.
-Pagkatapos gumawa ng mga deskripsyon ang mga mag-aaral, ang mga larawan
at deskripsyon ay titipunin at ng guro. Ang mga larawan at deskripsyon ay
ipamimigay ng guro sa halo-halo o random na pamamaraan.
-Ang mga mag-aaral ay hahamunin na hanapin ang magkapares na mga larawan
at deskripsyon. (WRB, p.69)
Pagbibigay ng Pahayag
(Giving Feedback)
Ang mga mag-aaral ay magbabahagi ng kanilang pahayag tungkol sa binasang
naratibong kuwento, hal. ang kanilang paboritong pangyayari, ang kinagigiliwang
karakter ng kuwento, at iba pa.
Line of Inquiry 3: Paggawa ng naratibong teksto (constructing Narrative Texts)

Line of Inquiry 3: Paggawa ng naratibong teksto (constructing Narrative Texts)

Mga Grupo ng Manunulat


(Story Makers)
-Ang mga mag-aaral ay magiging story makers kung saan ang klase ay hahatiin
sa maliliit na grupo na may tatlong (3) mga miyembro. Bawat miyembro ng grupo
ay bibigyan ng isang kard na tumutukoy sa isang elemento ng naratibo (hal. pink
kard- karakter; dilaw na kard- tagpuan; berde na kard- komplikasyon).

Pagkukuwento gamit ang mga manika o puppet


(Narrating a story using dolls or puppets)
-Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa mga maliliit na grupo na siyang binubuo ng mga apat na miyembro.
-Bawat grupo ay kinakailangan na makagawa ng isang kuwento na kanilang ibabahagi sa klase sa
pamamagitan ng isang puppet show.
-Ang guro ay magbibigay isang criteria sa kung ano ang dapat maggawa ng bawat grupo.

-Mula sa mga kard na ito, bawat grupo ay bubuo ng isang kuwento na kanilang
ibabahagi sa ibang grupo.
Librong may mga Larawan
(Picture Story Books)
A.
-Ang klase ay hahatiin sa mga maliliit na grupo na binubuo ng apat hanggang
lima na mga miyembro.
-Ang mga mag-aaral ay papakitaan ng isang librong may mga larawan o picture
story books kung saan ipapakita lamang ng guro ang mga larawan.
-Mula sa mga larawan na ito mula sa libro, ang bawat grupo ay tatalakayin ang
daloy ng kuwento (storyline).
-Pagkatapos ng kani-kanilang mga diskusyon, ang bawat grupo ay aanyayahan
na ibahagi sa klase ang kanilang mga nagawang kuwento ayon sa mga larawan.
B.
-Ang guro ay magbabasa ng isang kuwento para sa klase.
-Ang mga mag-aaral ay aanyayahan na gumuhit ng mga larawan ayon sa teksto
na kanilang napakinggan. (WRB, p.68)

Analysis

One-Text Model:

One-Text Model:

Labelling:

Mind Map: Tekstong Naratibo


(Mind Map: Narrative Text)
-Ang guro ay magpapakita sa mga mag-aaral ng isang halimbawa ng mind map tungkol sa isang tekstong
naratibo (narrative text).
-Pagkatapos nito, ang klase ay hahatiin sa mga maliliit na grupo na siyang binubuo ng apat hanggang
limang mga miyembro kung saan sila ay aanyayahan na gumawa ng kani-kanilang mga mind map tungkol
sa isang tekstong naratibo (narrative text).

-Ang mga mag-aaral ay gagabayan ng guro sa pagbabasa ng isang halimbawa


ng tekstong naratibo (narrative text). Isang malaking kopya, overhead
transparency, malaking libro o isang overhead projector at Power Point
Presentation ang gagamitin upang masigurado na lahat ng mag-aaral ay makikita
at mababasa ang teksto.
-Ang mga mag-aaral ay magtutulungan upang makapagdesisyon kung ano ang
layunin ng isang talata o bahagi ng teksto, Halimbawa:
Ano ang mga impormasyon na kasali sa talatang ito?
Ano ang sinasabi ng bahagi na ito ng teksto sa atin?
Hal. Ito ang bahagi ng teksto na nagsasabi kung saan
nakatira ang mga hayop.
Bakit sinama ng may-akda (author) ang bahagi na ito
sa teksto?
-Habang gumagawa ng desisyon ang mga mag-aaral sa kung ano ang pananda
o label na ilalagay sa bawat talata, kanilang isasama o ididikit ang label sa
halimbawa ng tekstong naratibo (narrative text).
Language Features:
-Ang mga mag-aaral ay aanyayahan at hinihimok na magtanong upang siyasatin
(explore) ang katangian ng wika (language features) ng isang tekstong naratibo
(narrative text). Halimbawa:
Ano ang mga pang-uri (adjectives) na ginamit?
Sa anong panauhan (tense) nakasulat ang teksto?
Ano ang mga salitang pang-ugnay (linking words) na
ginamit?
- Isasama o ididikit ng mga mag-aaral ang label ng katangian ng wika (language
features) sa halimbawa ng tekstong naratibo (narrative text).

Multi-Text Model:

Multi-Text Model:

Ranking:
-Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng hanggang apat na halimbawa ng isang
tekstong naratibo (narrative text) na kanilang ihahambing. Aanyayahan ang mga
mag-aaral na gawin ang mga sumusunod:
Talakayin ang layunin (purpose) ng isang tekstong
naratibo (narrative text) at ang possible na madla
(audience) nito.
Babasahin ng guro sa mga mag-aaral o babasahin ng
mga mag-aaral ang mga halimbawa ng tekstong
naratibo (narrative text).
Bibigyan ng ranggo o ng rank ang mga halimbawa ng
tekstong pasalaysay ayon sa pagiging epektibo
(effectiveness) nito.
Ang klase ay hahatiin sa mga maliliit na grupo kung
saan kanilang pag-uusapan ang kanilang pagkakaranggo o rank sa mga tekstong naratibo (narrative text)
na kanilang nabasa. Bawat grupo ay kinakailangan
magkaroon ng konsensus sa kung papaanong ranggo
(rank) nila isasaayos ang mga tekstong pasalaysay.
Ang bawat grupo ay itatala (record) ang kanilang mga
dahilan sa kanilang mga desisyon.
Ang pagkaka-ranggo (rank) ng bawat grupo ay itatala.
(WRB p.34)

Paghahambing ng mga Tekstong Naratibo


(Comparisson Chart of Narrative Text)
-Ang klase ay hahatiin sa apat na maliliit na grupo.
-Ang bawat grupo ay bibigyan ng ibat ibang mga tekstong naratibo (narrative text) sa Filipino.
-Ang mga grupo ay bibigyan ng oras para suriin ang kani-kanilang mga teksto.
-Pagkatapos suriin ng bawat grupo ang kanilang mga teksto, ang guro ay magpapakita ng isang tsart na
kung saan kanilang ididikit ang mga post-its tungkol sa kanilang mga tekstong binasa.
-Mula sa mga post-its na siyang idinikit sa comparison chart, ihahambing ng mga mag-aaral ang ibat ibang
mga tekstong naratibo (narrative text) upang matukoy ang pagkakaparehas at pagkakaiba-iba ng mga
nilalaman nito.

Justification of Ranking:
-Ang mga mag-aaral ay aanyayahan na bigyang atensyon ang tekstong naratibo
(narrative text) na naitala bilang hindi epektibo (least effective). Ang mga magaaral ay magbibigay ng kanilang mga kadahilanan kung bakit ang teksto na ito ay
hindi epektibo (least effective).
-Ang mga mag-aaral ay aanyayahan na bigyang atensyon ang tekstong naratibo
(narrative text) na naitala bilang pinaka-epektibo (most effective). Ang mga magaaral ay magbibigay ng kanilang mga kadahilanan kung bakit ang teksto na ito ay
pinaka-epektibo (most effective).
Language Features:
-Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng oras upang matalakay ang mga
mahahalagang katangian ng wika (key language features) ng isang tekstong
naratibo (narrative text) na naitala bilang pinaka-epektibo.
-Ang mga mahahalagang katangian ng wika (key language features) ay itatala
nang may kasamang pagkamakatwirang (justification) impormasyon sa itaas.

Modeled
Writing

Ipapakita ng guro sa mga mag-aaral kung papaano bumuo ng isang tekstong naratibo (narrative text) nang may pagpapahalaga (emphasis) sa pagsusulat ng
ang tagpuan, panimula, suliranin at wakas (orientation, complication and resolution) ng isang salaysay, pagmumungkahi ng mga makabuluhang suliranin (complications) at pagmumungkahi ng
mga makabuluhang wakas o resolusyon (resolution).

Shared Writing

Ang mga mag-aaral ay aanyayahan ng guro na magbigay ng kanilang sariling ideya o pahayag sa pagbuo ng tekstong naratibo (narrative text). Ang guro ay magsisilbing gabay o facilitator ng
mga mag-aaral kung saan isusulat ng guro ang mga ideya o pahayag ng mga mag-aaral tungkol sa binubuong naratibo (narrative).

Guided Writing

Alpabetong Pilipino
(Vocabulary Development)
-Ang klase ay hahatiin sa mga pares para sa gawain na ito.
-Bawat pares ay bubunot o kukuha ng mga piraso ng papel kung saan nakasulat ang mga letra mula sa alpabeto. Ang mga piraso ng papel na ito ay nakalagay sa isang lalagyan.
-Mula sa letra na kanilang nakuha, ang mga pares ay magsusulat ng isang salitang Pilipino na nagsisimula sa letra na iyon at kanila itong i-guguhit. Hal. Letrang A: Aso, B: Bahay (WRB, p.56)
Pagbuo ng isang naratibong teksto ng may gabay
(Narrative Choices)
Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng isang gabay o template para sa paggawa ng isang naratibong teksto. Sa template na ito ay matatagpuan nila ang ibat ibang bahagi ng isang naratibo, kung
saan ang mga mag-aaral ay makakapili ng kung ano ang magiging nilalaman nito. (TT, p.13)
Pagbabalangkas ng isang naratibo gamit ang pagguhit
(Picture Outline)
Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng isang template para sa isang picture outline kung saan kanilang iguguhit ang nilalaman ng kanilang naratibong teksto. Ang picture outline na ito ay maaring
magamit sa pagsulat ng kanilang tekstong naratibo. (TT, p.14)
Balangkas ng isang naratibo
(Narrative Outline)
Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng isang template para sa isang narrative outline kung saan may mga gabay na salita para sa pagsusulat ng kanilang sariling nagkukuwentong teksto. (TT,
p.12)

Going Further
Activities to challenge and extend
Raising new questions, extending experiences, challenging assumptions. May be individually negotiated.
Writing Process
1. Planning
Paggawa ng Listahan
(Make a list)
Ang mga mag-aaral ay aanyayahan na gumawa ng isang listahan upang makatulong sa pagpili ng kanilang paksa o topic. Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng mga stimulus na pamagat na kanilang maaring
magamit. Mula sa stimulus na paksa, ang mga mag-aaral ay magsusulat ng kanilang mga kaisipan na maari nilang maiugnay dito. (WRB, p. 211)
Ang mga sumusunod ay ang mga posibleng paksa para sa listahan ng mga mag-aaral:
Mga lugar na aking napuntahan
Mga masasayang karanasan
Mga paborito kong palabas at pelikula
Storyboarding
Ang paggawa ng isang storyboard ay makakatulong sa mga mag-aaral sa pagpili kung anu-ano ang kanilang ilalagay sa kanilang mga ginagawang naratibong teksto (narrative text).
-Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng oras upang makapagisip tungkol sa kanilang mga paksa.
-Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng pagkakataon para isulat ang mga salita na may koneksyon sa kanilang paksa, o maari din sila gumuhit ng mga larawan o mag-sketch.
-Ang mga mag-aaral ay aanyayahan na isaayos ang mga salita at ang mga larawan sa mga magkakaugnay na mga impormasyon, at kanila itong lalagyan ng mga label.
-Inaanyayahan ang mga mag-aaral na gamitin ang kanilang mga storyboard sa paggawa ng kanilang mga burador o draft. (WRB, p.212)
2. Drafting
Oras Na Para Sumulat
(Writing Time)
Ang mga mag-aaral ay aanyayahan na gumawa ng isang tekstong naratibo (narrative text) gamit ang kanilang mga inisyal na ideya at mga plano. Sa kanilang mga draft ay kanilang gagamitin ang listahan at ang
news plan na kanilang ginawa sa planning stage ng pagsusulat. Ang mga mag-aaral ay gagabayan ng guro sa kanilang pagsusulat sa pamamagitan ng mga tsart at feedback.
3. Conferring
Pagbabahagi Sa Isang Kamag-Aral

(Partner Sharing)
-Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng isang kapares kung saan kanilang ibabahagi sa isat isa ang kanilang mga naisulat na draft para sa kanilang tekstong naratibo (narrative text). Ang mga mag-aaral ay maaring
basahin ang teksto ng malakas (read aloud) o ng mahina (silently).
-Ang manunulat ay sasabihin sa kanyang kapares kung ano ang nais niya bigyang pansin sa oras ng kaniyang pagbabahagi.
-Ang kapares ay bibigyan ng oras upang makapagbigay ng mga katanungan (open-ended questions) na siyang makakatulong sa manunulat upang siya ay makapagbahagi tungkol sa kaniyang tekstong naratibo
(narrative text) at upang maisaayos ang kaniyang sinusulat na teksto.
-Ang manunulat ay aanyayahan na isulat ang mga feedback na siyang binigay ng kaniyang kapares. (WRB, p.221)
Pakikipagpanayam sa Guro
(Teacher Conferencing)
Sa pakikipagpanayam sa guro (teacher conferencing), ang mga mag-aaral ay bibigyan ng pagkakatao upang makatanggap ng feedback mula sa isang autoridad.
-Ang mag-aaral ay aanyayahan na tukuyin kung ano ang nais niya na maging pokus ng pag-uusap.
-Aanyayahan ang mag-aaral na basahin ng malakas ang kanyang nagawang teksto habang ang guro ay masusing nakikinig.
-Ang guro ay magbibigay ng komento sa pagsulat ng mag-aaral at tinutukoy ang kalakasan (strengths) nito.
-Ang guro ay magmumungkahi ng mga paraan sa kung papaano mapapaunlad ng mag-aaral ang kanilang pagsusulat. (WRB, p.221)
Pagbabahagi Sa Isang Grupo
(Sharing Circle)
Sa pagbabahagi sa isang grupo (sharing circle), ang mga mag-aaral ay binibigyan ng pagkakataon upang ibahagi sa kanilang mga kamag-aral ang kanilang mga naisulat.
-Ang klase ay hahatiin sa maliliit na grupo na siyang binubuo ng apat hanggang lima na mga miyembro.
-Ang bawat grupo ay bibigyan ng isang template o format na kanilang magagamit sa pagtatala ng mga feedback ng grupo.
-Bawat grupo ay susuriin ang mga tamang paraan sa kung papaano sasagot (respond) sa pagsusulat ng iba.
-Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng oras upang makahingi ng feedback at upang makapagbahagi ng kanilang mga sinulat.
-Hinihimok ang mga manunulat na itala (record) ang mga feedback na kanilang natanggap.
-Aanyayahan ang mga mag-aaral na gamitin ang mga feedback na kanilang natanggap upang mapaganda ang kanilang mga sinulat. (WRB, p.221)
4. Refining
Ating Bigyan Pansin!
(Highlighting)
Ang pag-highlight ay isang technique na siyang makakatulong sa mga mag-aaral na matukoy kung anu-ano ang mga impormasyon na kailangan idagdag sa tekstong kanilang sinusulat.
-Ang mga mag-aaral ay aanyayahan na basahin at muling basahin (read and re-read) ang kanilang mga sinulat na teksto upang ma-highlight kung saan nilagay ang mga partikular na impormasyon (specific
information), halimbawa sa isang naratibo (narrative), mabibigyan pansin o highlight ng mga mag-aaral ang oriyentasyon, komplikasyon at resolusyon.
-Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng oras upang makapag-desisyon kung anu-ano ang mga impormasyon at detalye na maaring idagdag sa kanilang teksto.
-Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng pagkakataon upang suriin ang pagkakasunud-sunod ng mga impormasyon, hal. ang mga pangyayari ba ay nakasulat ng sunud-sunod?
-Tatalakayin sa klase kung papaano napaganda ang mga teksto dahil sa pagdadagdag ng impormasyon. (WRB, p. 225)
Tanggalin ang Sobra
(Removing the Rubble)
Ang pagtatanggal ng sobra (removing the rubble) ay isang technique na siyang makakatulong sa mga mag-aaral na matukoy kung anu-ano ang mga impormasyon na kailangan tanggalin sa tekstong kanilang
sinulat.
-Ang bawat mag-aaral ay bibigyan ng isang kapares na kung saan sila ay magtutulungan sa pagtatanggal ng sobra o hindi kinakailangan na mga impormasyon (removing the rubble).
-Pagkatapos nito, ang mag-aaral ay kani-kaniyang aayusin ang kanilang mga teksto upang tanggalin ang ang mga nauulit o sobrang impormasyon.
-Ikukumpara ang natapos na teksto sa naunang bersyon nito.
-Tatalakayin sa klase kung papaano nakapagdesisyon ang mga mag-aaral sa kung ano ang tatanggalin sa kanilang mga sinulat na teksto. (WRB, p. 225)
Ating Basahin at Pakinggan
(Lets Hear It)
Ang ating basahin at pakinggan (lets hear it) ay isang technique na siyang nagbibigay suporta sa mga mag-aaral habang kanilang isinasaayos ang kanilang mga sinusulat. Babasahin ng guro ang teksto ng
malakas. Ang klase ay magbibigay ng mga ideya na siyang makakatulong sa pagsasaayos ng isang teksto ng isang estudyante, upang ito ay ma-revise, edit o proofread. Makakatulong kung magbibigay pokus
lamang sa isa o dalawang piling erya lamang, halimbawa ang paggamit ng mga pananda (punctuations), paggamit ng pang-abay (verbs). (WRB, p. 225)
Ang Mga Tsart

(Collaboratively Created Chart)


Ang mga tsart o ang mga collaboratively created charts ay makakatulong sa mga mag-aaral upang mapaalalahanan sila sa mga gawain at mga tanong na kailangan nilang bigyan konsiderasyon habang sila ay
gumagawa ng mga revision, pag-edit at pag-proofread. (WRB, p. 226)
5. Publishing
Disenyohan Ito!
(Design This!)
Ang disenyohan ito (design this) ay isang gawain kung saan ang mga mag-aaral ay maglalagay ng mga graphics sa isang teksto, at kung saan ang mga mag-aaral ay makakapag-disenyo ng isang layout para sa
isang madla (audience). (WRB, p. 231)
Paano Maglathala?
(How Can I Publish?)
Ang paano maglathala? (how can I publish?) ay isang pagkakataon para sa mga mag-aaral na mamili ng paraan ng paglalathala mula sa ibat ibang mga ayos o format. Pagkatapos maglathala ng kanilang teksto,
tatalakayin sa klase ang pagiging epektibo ng kanilang napiling ayos o format. (WRB, p. 233)

Drawing conclusions
Raising new questions, extending experiences, challenging assumptions. May be individually negotiated. Students draw conclusions of what they have learnt. This is an
important time to evaluate the success of the unit and the needs and achievements of individuals. This is where students put it all together.

Reflecting and Taking Action


To reflect on what has been learnt and process of learning. It is important that students be given opportunities to act upon what they have learnt. Actions are things that students can themselves and from which they
can see results.

You might also like