Ozias
Itsura
(Idinirekta mula sa Uzzias)
Ozias o Azarias | |
---|---|
Uzzias mula sa guhit ni Guillaume Rouillé na Promptuarii Iconum Insigniorum, 1553 | |
Sinundan | Amazias ng Judah na kanyang ama |
Sumunod | Jotham, kanyang anak |
Ama | Amaziah |
Ina | Jecoliah |
Si Uzzias o Uzziah ( /əˈzaɪə/; Hebreo: עֻזִּיָּהוּ ‘Uzzīyyāhū, "ang aking lakas ay si Yah"; Griyego: Ὀζίας; Latin: Ozias), o Azarias ( /ˈæzəˈraɪə/; Hebreo: עֲזַרְיָה ‘Azaryā; Griyego: Αζαρίας; Latin: Azarias) ay hari ng Kaharian ng Juda. Siya ay naghari sa edad na 16 at naghari sa Herusalem ng 52 taon (2 Kronika 26:2). Siya ang ama ni Jotham. Ayon sa 2 Kronika 26:16-21, si Uzzias ay tinubuan ng ketong dahil sa pagsalangsang laban sa Panginoon dahil sa pagsusunog ng kamangyan sa dambana ng kamangyan na itinalaga lamang para sa mga saserdote na mga inapo ni Aaron. Ayon sa 2 Kronika 27:2, si Uzzias ay isang matuwid na tao. Ang kanyang ama ay si Amazias(2 Kronika 26:1) ngunit ayon sa Ebanghelyo ni Mateo 1:8, si Jehoram ang ama ni Uzzias.