Silas Marner
May-akda | George Eliot |
---|---|
Bansa | Nagkakaisang Kaharian |
Wika | Ingles |
Dyanra | Klasiko |
Tagapaglathala | William Blackwood and Sons |
Petsa ng paglathala | Abril 1861 |
Uri ng midya | Nakalimbag (Matigas na pabalat at Malambot na pabalat) |
ISBN | Hindi maaari |
Ang Silas Marner: The Weaver of Raveloe o "Si Silas Marner: Ang Manghahabi ng Raveloe" ay isang madramang nobela ni George Eliot (ang katawagang ito ay ang pangalang pampanitikan ni Mary Ann Evans) na unang nalathala noong 1861.
Pangunahing tauhan sa nobelang ito ang isang manghahabi na naging labis na nahumaling sa gintong nakakamit niya dahil sa kanyang pangangalakal. Nilarawan sa kuwentong ito ang kanyang puso bilang isang nakakandadong kabaong na naglalaman ng kayamanan sa loob (mula sa orihinal na Ingles na nagsasabing "a locked casket with its treasure inside"). Ngunit sumapit ang isang gabi kung kailan ninakaw ang kanyang ginto. Nanlata, nalungkot, at naging sawi si Marner dahil sa kanyang kawalang ito, hanggang sa makatagpo siya ng isa pang kayamanang nasa anyo ng isang batang babaeng ulila, na lumitaw sa kanyang pintuan. Nang buksan niya ang kanyang tahanan para sa paslit na ito, nakatagpo siya ng isang gantimpalang mas nakahihigit pa kaysa tunay na ginto.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Halimbawa at paliwanag sa God loves a cheerful giver. (2 Corinthians 9:7), Wednesday, June 17, Meditations, June 2009, The Word Among Us, Daily Meditations for Catholics, pahina 37.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Silas Marner, sa Proyektong Gutenberg
- Silas Marner, sa Ye Olde Library
- Silas Marner Naka-arkibo 2009-06-04 sa Wayback Machine., kumpletong walang bawas na aklat sa Sparknotes.com Naka-arkibo 2009-06-04 sa Wayback Machine.
- Silas Marner Naka-arkibo 2006-10-23 sa Wayback Machine. sa Cliff Notes
- Silas Marner, naririnig na aklat sa Librivox