[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Kanluraning pilosopiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pilosopiyang Kanluranin)

Ang kanluraning pilosopiya ay isang katawagang tumutukoy sa pilosopikal na kaisipan sa mundong kanluranin o oksidental, na kaiba sa mga pilosopiyang silanganin o oksidental at mga sari-saring katutubong pilosopiya. Sa kasaysayan, kamakailang nilikha ang katagurian para tukuyin ang kaisipang pilosopikal ng kanluraning kabihasnan, na nagsimula sa pilosopiyang Griyego sa sinaunang Gresya, at sumasakop sa isang malaking bahagi ng globo sa kalaunan, kabilang ang Hilagang Amerika at Australya. Mayroong ilang pagtatalo kung dapat ibilang ang mga lugar na katulad ng Hilagang Aprika, ilang bahagi ng Gitnang Silangan, Rusya, at iba pa. Nagbuhat sa sinaunang Gresya ang mismong salitang pilosopiya, at hindi orihinal na itinuturing bilang Kanluranin: mula sa Griyegong philosophia (φιλοσοφία), literal na "ang pagmamahal sa karunungan" (philein = "umibig" + sophia = karunungan, sa diwa ng kaalaman at ang pagkakaroon ng lakas ng loob na kumilos ayon dito). Sa makabagong panahon, tumataguri ang pilosopiyang kanluranin sa dalawang pangunahing tradisyon ng kontemporaryong pilosopiya: sa pilosopiyang analitiko at pilosopiyang kontinental.

Mga pinagmulan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nasasakop ng pilosopiya sa sinaunang pagkaunawa, at mga sulatin ng ilang mga sinaunang pilosopo, ang lahat ng pagpupunyaging pangkaisipan. Kabilang dito ang mga suliranin ng pilosopiyang nauunawaan na ngayon; ngunit kabilang din dito ang marami pang ibang mga disiplina, katulad ng purong matematika at likas na agham katulad ng pisika, astronomiya, at biyolohiya. Bilang halimbawa, nagsulat si Aristotle hinggil sa lahat ng mga paksang ito; at noong sumapit ang hulihan ng ika-17 daantaon, tinuturing pa ring mga sangay ng "likas na pilosopiya" ang mga larangang ito. Sa paglipas ng panahon, nagbung ang mga ispesyalisasyong akademiko at ang mabilisang paghakbang at pag-usad na teknikal ng mga natatanging agham sa pag-unlad ng magkakaibang mga disiplina para sa mga agham na ito, at sa kanilang paghiwalay mula sa pilosopiya: naging isang natatanging agham ang matematika sa sinaunang mundong, at umunlad sa kalaunan - sa mga yugto ng rebolusyong makaagham - at naging mga disiplina ng likas na mga agham ang "likas na pilosopiya". Sa ngayon, karaniwang lantarang ibinubukod ang mga katanungang pilosopikal mula sa mga katanungan ng mga natatanging mga agham, at nilalarawan (hindi tulad ng sa mga agham) bilang mga likas na "tagapagtatag" (mga haligi) at abstrak (walang tiyak na anyo), at hindi sumasang-ayon na masasagot sa pamamagitan ng mga gawaing pang-eksperimento.

Mga subdisiplina ng kanluraning pilosopiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kalimitang hinahati ng mga kanluraning pilosopo ang pilosopiya sa ilang pangunahing mga sangay batay sa mga katanungang karaniwang inihahain ng mga mamamayang nagtatrabaho sa iba't ibang bahagi ng larangan. Sa sinaunang mundo, ang pinakamaimpluhong hati ng paksa ay ang dibisyong pampilosopiya ng mga Istoiko: ang lohika, etika, at pisika (sa diwa na: pag-aaral ito ng kalikasan ng mundo, at sakop ang likas na agham at metapisika). Sa pilosopiyang kontemporaryo, kalimitang nahahati sa metapisika, epistemolohiya, etika, at aestetika ang mga kadalubhasaang nasa loob ng larangan (nagiging aksiyolohiya kapag pinagsanib ang etika at aestika). Minsan, itinuturing ang lohika bilang isang ibang pangunahing sangay ng pilosopiya, ngunit kung minsan naman bilang isang nakahiwalay na agham na kalimitang ginagamit ng mga pilosopo, at kung minsan pa din bilang isang natatanging metodong pilosopikal na nilalapat sa lahat ng mga sangay ng pilosopiya.

Sa loob ng malalawak na mga sangay, mayroon na ngayong mga mararaming sub-disiplina (disiplina sa loob ng mga disiplina o larangan) ng pilosopiya. Sa pinakamalawak na antas, naroon ang hati sa pagitan ng Analatiko at Kontinental na Pilosopiya. Para sa Pilosopiyang Kontinental, problematiko o may suliranin ang paghahati pa (pagkakaroon ng subdibisyon) ng pilosopiya sa pagitan ng mga "eksperto" dahil sa pinakalikas na katangian ng takdang-gawaing pag-iisa ng mismong paksang pilosopiya; subalit, para sa halos kabuoan ng Pilosopiyang Analitiko, mas nagiging payak ang takdang-gawain ng mga pilosopo sa bawat area dahil sa pagkakaroon ng mga karagdagang kahatian o subdibisyon.

Bumaba at tumataas ang kasiglahan o interes sa isang partikular na subdisiplina sa loob ng mga panapanahon; paminsan-minsan, nagiging maiinit na mga paksa ang mga subdisiplina at umuukopa o sumasakop sa malaking espasyo ng panitikan kung kaya't tila nagiging mga pangunahing mga sanga sila dahil sa sarili nilang mga karapatan. (Sa loob ng nakalipas na mga 40 taon o mahigit pa, ang pilosopiya ng isip — na, sa mahigpit na pananalita, ay pangunahing isang subdisiplina lamang ng metapisika — ang kumuha ng ganitong posisyon sa loob ng analitikong pilosopiya, at nakaakit ng malaking atensiyon kung kaya't may mga nagpanukalang isang paradigmo[1] o isang huwaran (modelo) ang pilosopiya ng isip para sa mga ginagawa ng mga kontemporaryong pilosopong analitiko.)

Pagkakaiba ng pilosopiya sa ibang mga disiplina

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Likas na agham

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong una, nilalapat ang salitang "pilosopiya" para sa lahat ng mga pagpupunyaging pangkaisipan. Pinag-aralan ni Aristotle ang matatawag ngayong biyolohiya, meteorolohiya, pisika, at kosmolohiya, kasabayan ng kaniyang metapisika at etika. Maging sa ika-18 daantaon, inihahanay ang pisika at kimika sa mga "pilosopiyang likas", na siyang makapilosopiyang pag-aaral ng kalikasan. Sa ngayon, karaniwang tinatawag na mga agham ang mga huling nabanggit na mga paksang ito, at nakahiwalay mula sa pilosopiya. Ngunit hindi malinaw ang pagkakaiba; may ilang mga pilosopong nagbibigay-diin na nagpapanatili ang agham ng isang hindi-nabali — at hindi mababaling — kaugnayan sa pilosopiya.

Kamakailan lamang, dating nasasakop ng mga pilosopo ang sikolohiya, ekonomiya, sosyolohiya, at lingguwistika, kung napag-aralan nga ang mga iyon, ngunit may mahinang kaugnayan na lamang ngayon sa larangan. Noong mga huling panahon ng ika-21 daantaon, mapagmamasdang kaugnay sa bahagi ng "pilosopiya ng isip" ang kognitibong agham at ang artipisyal na katalinuhan (o intelihensiyang artipisyal)

Pangunahing isinasagawa ang pilosopiya sa pamamagitan ng pansariling pagmumuning pantao. Hindi ito nakasalalay sa mga eksperimento. Subalit, sa ilang mga paraan, malapit ang pilosopiya sa agham sa kaniyang katangian at pamamaraan; may ilang mga analitikong pilosopong nagmungkahi na nagpapahintulot ang metodo ng pilosopikong analisis sa mga pilosopo para gayahin ang mga pamamaraan ng likas na agham; pinanghahawakan ni Quine na ang ganiyang pilosista ay higit pa sa pagpapalinaw ng mga argumento at pag-aangkin ng ibang mga agham. Ipinapanukala nito na, sa pangkalahatan, maaaring isang pag-aaral ng kahulugan at dahilan ang pilosopiya; ngunit mayroon pa ring ilang mag-aangking hindi agham ang pilosopiya, o hindi ito dapat pag-aralan ng mga pilosopo.

May mga pagkakatulad at pagkakaisa ang lahat ng mga pananaw na ito: kung anuman talaga ang pilosopiya o kung ano man ang dapat talakayin ng pilosopiya, bumabaling ito sa kabuoan para magpatuloy na "walang tuwiran at tiyak na anyo" higit pa sa karamihan (o iba pang karamihan) ng mga likas na mga agham. Hindi ito higit na nakasalalay sa karanasan at eksperimento, at hindi tuwirang nakadaragdag sa teknolohiya. Isang malinaw na kamalian kung kilalanin ang pilosopiya bilang may kaugnayan sa likas na agham; malawak na nananatiling isang bukas at hindi pa nasasagot na katanungan kung dapat kilalaning kaugnay ng agham ang pilosopiya.

Pilosopiya ng agham

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isa itong masiglang disiplinang isinasagawa ng kapwa mga naturuang mga pilosopo at mga siyentipiko. Kalimitang tumutukoy, at nagpapaliwanag, ng iba't ibang mga gawaing mapanubok o eksperimental (katulad ng sa pilosopiya ng pisika at pilosopiya ng sikolohiya). Ngunit hindi ito nakakagulat: sapagkat nilalayon ng mga sangay na ito ng pilosopiya ang makapilosopiyang pag-unawa ng gawaing mapangsubok. Hindi ito hinggil sa kakayahan ng mga pilosopo bilang mga pilosopong nagsasagawa ng mga eksperimento at bumubuo ng mga panukala o teoriyang makaagham na pinag-aaralan. Hindi dapat ikalito ang pilosopiya ng agham sa agham na pinag-aaralan nito, katulad ng hindi pagkalito ng biyolohiya bilang mga halaman at mga hayop.

Mga teolohiya at relihiyosong pag-aaral

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Katulad ng pilosopiya, hindi eksperimental ang karamihan sa mga pag-aaral na panrelihiyon. Malinaw na nagkakapatung-patong sa pilosopiya ng relihiyon ang mga bahagi ng teolohiya, kabilang ang mga katanungan tungkol sa pagkakaroon at kalikasan ng mga diyos. Itinuring ni Aristotle ang teolohiya bilang isang sangay ng metapisika, ang pangunahing larangan ng pilosopiya; at, bago sumpapit ang ika-20 daantaon, maraming mga pilosopong nagtuon ng maraming pagod at pansin sa mga katanunangan teolohiko. Kung gayon, magkaugnay ang dalawa. Ngunit may ilang mga bahagi ng mga makapananampalatayang pag-aaral, katulad ng paghahambing sa dalawang mga relihiyon ng mundo, ang maaaring madaling makilala mula sa pilosopiya sa paraang kung paano ang anumang agham-panlipunan ay maaaring makilala mula sa pilosopiya. Mas malapit ang mga ito sa kasaysayan at sosyolohiya, at kinasasangkutan ng mga tiyak na mga obserbasyon ng partikular na penomeno, mga gawaing pampananampalataya sa kasong ito.

Kalimitang pinanghahawakan at sinasabi ng Empirisistang tradisyon sa modernong pilosopiya na ang mga tanong na panrelihiyon ay hindi sakop ng kaalaman ng tao, at marami ang umangkin na literal na walang kabuluhan ang wikang pampananampalataya: wala ni anumang mga katanungang dapat sagutin. May ilang mga pilosopong nakadamang hindi mahalaga ang mga kahirapang ito sa pagpapatibay at pagpapatunay, at nakipagtalong bilang kakampi ng, laban sa, o makatarungan hinggil sa mga paniniwalang pampananampalataya ayon sa moralidad o iba pang batayan. Gayun man, sa pangunahing daluyan ng pilosopiyang pang-ikadalawampung daantaon, napakakakaunti lamang ng mga pilosopong nagbibigay ng malubhang pagpansin sa mga katanungang makarelihiyon.

Gumagamit ang matematika ng pinakatiyak at mahigpit na mga pamamaraan ng pagpapatunay kung kaya't minsang (madalang lamang) na gayahin ng mga pilosopo. Nasusulat ang karamihan sa mga pilosopiya sa ordinaryong prosa, at bagaman nilalayon nitong maging tumpak hindi nito karaniwang nararating ang anumang bagay na katulad ng kalinawang pangmatematika. Bilang resulta, bihirang-bihirang hindi magkasundu-sundo ang mga matematiko tungkol sa mga resulta, habang nagtatalu-talo naman nga ang mga pilosopo hinggil sa kanilang mga resulta, maging sa kanilang mga metodong pilosopikal.

Isang sangay ng pilosopiya ng agham ang pilosopiya ng matematika; ngunit, sa maraming paraan, mayroon itong natatanging relasyon sa pilosopiya. Dahil ito sa isang pangunahing sangay ng pilosopiya ang lohika, at isang paradigmo ng matematika ang lohika. Sa huli ng ika-19 at ng ika-20 daantaon, nagkaroon ng mga malaking pag-usad ang lohika, at napatunayang mapapababa sa lohika ang matematika (sa pinakamababa, sa unang-ordeng lohika na may ilang nakatakdang panukala o nakaset na teoriya). Sa ngayon, kahawig na ng paggamit ng matematika sa agham ang paggamit ng pormal at matematikong lohika sa pilosopiya, bagaman hindi ito madalas.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Paradigm,": paradigmo Naka-arkibo 2011-07-11 sa Wayback Machine., Gabby's Dictionary, GabbyDictionary.com

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]