[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Olibo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Oliba)

Puno ng olibo
Olea europaea
Olea europaea, Patay na Dagat, Jordan
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
(walang ranggo):
(walang ranggo):
(walang ranggo):
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
O. europaea
Pangalang binomial
Olea europaea

Ang olibo o oliba (Olea europaea, Kastila: olivo, Ingles: olive) ay isang espesye ng isang maliit na puno na nasa pamilyang Oleaceae, na katutubo sa pook na pangdalampasigan ng silangang Basin ng Mediteraneano (ang dugtungan ng pook na pandalampasigan ng Timog-silangang Europa, Kanlurang Asya, at Hilagang Aprika, pati na ng hilagang Iran sa katimugang dulo ng Dagat Caspiano.

Ang bunga nito, na tinatawag ding olibo o oliba, ay may pangunahing kahalagang pang-agrikultura sa rehiyong Mediteraneo bilang napagkukunan ng langis ng oliba. Ang puno at ang bunga ang nagbigay ng pangalan sa pangalan ng pamilya nito, na nagbibilang din ng mga espesyeng katulad ng mga lilak, sampagita, Forsythia at ang tunay na punong abo (Fraxinus). Ang salita ay hinango mula sa Lating olīva na nagbuhat naman mula sa Griyegong ἐλαία (elaía)[1][2] at panghuli mula sa Griyegong Miseneanong 𐀁𐀨𐀷 e-ra-wa ("elaiva"), na ipinahayag sa silabikong panitik na Linear na B.[3][4] Ang salitang Ingles na oil at ang salitang Kastilang oleo, at mga katulad na may kahulugang langis sa maraming mga wika, ay hinango magmula sa pangalan ng punong ito at ng bunga nito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ἐλαία, Henry George Liddell, Robert Scott, A Greek-English Lexicon, sa proyektong Perseus
  2. Partikular na mula sa isang diyalektong nagpreserba ng digamma sa mga kapanahunang pangkasaysayan (kung kaya ang salitang *ἐλαίϝα). (OLD s.v. oliva, Ernout & Meillet s.v. oleum)
  3. e-ra-wa Naka-arkibo 2015-11-06 sa Wayback Machine., Mycenaean (Linear b) – Glosaryong Ingles
  4. Palaeolexicon, kasangkapang pangpag-aaral ng salita ng sinaunang mga wika

Puno Ang lathalaing ito na tungkol sa Puno ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.