[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Konsulado

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Konsul)

Ang konsulado ay isang maliit na opisyal na tanggapan ng isang bansa na nasa ibang bansa. Ang pangunahing tanggapan ay tinatawag na embahada na nasa kabiserang lungsod. Nasa malalaking mga bayan ang mga konsulado at karaniwang hindi gumagawa ng lahat ng mga gawain ng isang embahada. Karaniwang nangangasiwa ang konsulado ng mga katanungan hinggil sa mga pasaporte para sa kaniyang mga mamamayan, mga bisa para sa mga dayuhang nagnanais na pumunta sa bansa ng konsulado at mga lisensiya para sa pag-aangkat at pagluluwas ng mga kalakal. Ilang mas malalaki at mas mahahalagang mga bansa ang maaaring may mga Konsulado Panlahat, Konsuladong Panglahat, o Konsulado Heneral. Payak mas malalaki lamang ang mga konsuladong ito na mas maraming gawain at gampanin kaysa mas maliliit na mga konsulado. Ang mga taong naghahanapbuhay sa mga konsulado ay tinatawag na mga opisyal na konsular. Ang taong nangangasiwa ay tinatawag na isang konsul o konsul panglahat (konsul heneral). Ang isang konsul ay isang tao na ipinag-utos ng pamahalaan na naninirahan sa ibang bansa para maging kinatawan ng kanyang bansa. [1] Ang isang honoraryong konsul ay hindi nagtatrabaho ng buong panahon para sa pamahalaan; karaniwan silang nasa mga bayang daungan, upang mapabilis ang pagbibigay ng mga dokumento para sa pangangalakal. Ang honoraryong konsul ay maaaring isang mamamayan ng bansang pinaglilingkuran niya, o may ibang ugnayan katulad ng mga magulang o mga lolo at lola o maaaring kasal sa isang taong nagmula sa bansa ng konsulado. Karaniwang silang naghahanapbuhay sa loob ng isang opisina, na ginagamit ang kanilang tanggapan bilang konsuladong honoraryo. May kalayaang diplomatiko (kilala rin bilang layang diplomatiko, diplomatikong imunidad, tanging pahintulot na diplomatiko) ang mga konsular na opisyal (mga opisyal ng konsulado o opisyal na pangkonsulado).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ang ibig sabihin ng consul, merriam-webster.com

PolitikaPamahalaan Ang lathalaing ito na tungkol sa Politika at Pamahalaan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.