[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Kaharian ng Israel (nagkakaisang monarkiya)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mapa ng Nagkakaisang Monarkiya ng Israel sa panahon nina Haring Saul at Haring David. Ang mga nakapulang pangalan ay mga kaharian na kanilang nasasakupan at natalo.

Ang Nagkakaisang Monarkiya o united monarchy ang ipinangalan sa Kaharian ng Israel at Judah ng mga Israelito sa panahon ng pamumuno nina Saul, David, at Salomon, ayon sa Tanakh. Ayon sa Bibliya, bago ang nagkakaisang monarkiya, ang mga liping Israel ay namuhay bilang isang konpederasyon sa ilalim ng isang ad hoc na karismatikong mga pinunong tinatawag na mga mga hukom. Noong mga 1020 BCE, sa ilalim ng labis na banta mula sa mga dayuhan, ang mga lipi (tribes) ay nagkaisa upang bumuo ng unang nagkakaisang Kahariang ng Israel. Pinahiran ng langis ni Samuel si Saul mula sa lipi ni Benjamin bilang unang hari c. 1026 BCE ngunit si David noong 1006 BCE ang lumikha ng isang malakas na nagkakaisang kahariang Israelita. Si David na ikalawang (o ikatlo kung bibilangin si Ish-bosheth) hari ng Israel ay itinatag ang Herusalem bilang pambansang kabisera (capital) mga 3000 taon ang nakalilipas. Bago nito, ang Hebron ang naging kabisera ng Judah ni David at ang Mahanaim ang kabisera ng Israel ni Ish-bosheth. Bago nito, ang Gibeah ang kabisera ng Nagkakaisang Kaharian sa ilalim ni Saul.

Ayon sa Bibliya, tunay na napag-isa ni David ang mga liping Israelita at ito ay nagtatag ng isang pamahalaang monarkiyal. Siya ay naglunsad ng matagumpay na mga kampanyang militar laban sa mga kaaway ng Israel at tinalo ang mga malapit na pangkat gaya ng mga Filisteo na lumikha ng ligtas ng mga hangganan para sa Israel. Sa ilalim ni David, ang Israel ay lumago sa isang kapangyarihang pang-rehiyon. Sa ilalim ng Bahay ni David, ang nagkakaisang kaharian ay nagkamit ng pag-unlad at superioridad sa mga kapitbahay nitong bansa. Sa ilalim ng kahalili ni David na kanyang anak na si Solomon, ang nagkakaisang kaharian ay dumanas ng isang yugto ng kapayapaan at kaunlaran at pag-unlad kultural. Ang karamihan ng pagtatayo ng mga gusali ay nangyari kabilang ang Unang Templo sa Herusalem. Gayunpaman, sa paghalili ng anak ni Solomon na si Rehoboam noong c. 930 BCE, ang Israel ay nahati sa dalawang mga kaharian: ang Kaharian ng Israel (Samaria) kabilang ang mga siyudad ng Shechem at Samaria sa hilaga at ang Kaharian ng Judah na naglalaman ng Herusalem sa timog. Karamihan ng mga hindi Israelitang probinsiya ay naubos.

Salaysay sa Bibliya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga hari at kronolohiyang Biblikal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mayroong apat ng mga pinuno ng Nagkakaisang Kaharian, sina Saul, Ishbaal o Ishbosheth, David na manugang ni Saul sa kanyang anak na si Michal at si Solomon na anak nina David at Bathsheba.

Itinatag ni David ang Herusalem bilang pambansang kabisera ng Israel. Bago nito, ang Hebron ang kabisera ng Judah ni David at ang Mahanaim ang kabisera ng Israel ni Ishbaal. Bago nito, ang Gibeah ang kabisera sa ilalim ni Saul. Ang mas naunang mga bahagi ng Bibliya ay nagpapakitang ang Shiloh ang nakita bilang pambansang kabsera.

Sa panahon, karamihan sa mga historyan ay sumusunod sa mas matandang mga kronolohiyang binuo nina Albright o Edwin Thiele o ang mas bagong kronolohiyang binuo ni Gershon Galil na ipinapakita sa ibaba. Ang lahat ng mga petsa ay sa BCE (Before Common Era). Ang kronolohiya ni Thiele ay tumutugon sa kronolohiya ni Galil sa ibaba na may pagkakaiba ng hindi hihigit sa isang taon.[1]

Mga petsa ni Albright Mga petsa ni Thiele Mga petsa ni Galil Pangalang Karaniwan/Biblikal Pangalang pang-hari at istilo Mga komento

Bahay ni Saul Saul

c.10211000   c.10301010 Saul שאול בן-קיש מלך ישראל
Shaul ben Qysh, Melekh Ysra'el
Napatay sa labanan, nagpatiwakal
c.1000   c.10101008 Ishbaal
(Ish-boseth)
איש-בעל בן-שאול מלך ישראל
Ishba'al ben Shaul, Melekh Ysra'el
Pinaslang

Bahay ni David

c.1000962   c.1008970 David דוד בן-ישי מלך ישראל
Dawidh ben Yishai, Melekh Ysra’el
Manugang ni Saul, bayaw ni Ish-boseth
c.962c.922   c.970931 Salomon שלמה בן-דוד מלך ישראל
Sh'lomoh ben Dawidh, Melekh Ysra'el
Anak ni David kay Bathsheba, ang kanyang mga karapatan ng paghalili ay tinutulan ng kanyang mas nakatatandang kalahating kapatid na lalakeng si Adonijah

Ayon sa mga tekstuwal na kritiko, ang isang bilang ng natatanging mga pinagkunang teksto ay pinagtagni tangi upang lumikha ng kasalukuyang Mga aklat ni Samuel. Ang pinaka kilala sa sinaunang mga bahagi ng unang aklat ang pinagkunang pro-monorchichal at ang pinagkunang anti-monarchichal. Sa pagtukoy ng mga pinagkunang ito, ang dalawang magkahiwalay na mga salaysay ay maaaring muling likhain. Ang pinagkunang anti-monarchichal ay naglalarawawan kay Samuel na inakala ng ilang mga skolar na isang sipero para sa mismong diyos na buong niruta ang mga Filisteo ngunit may pag-aatubiling tumangap na ang mga tao ay nangangailangan ng isang pinuno at kaya ay hinirang niya si Saul sa pamamagitan ng palabunutan. Ang pinagkunang pro-monarchichal ay naglalarawan ng pang-diyos na kapanganakan ni Saul (ang isang salita na binago ng kalaunang editor upang ito ay bagkus tumukoy kay Samuel), at ang kanyang kalaunang pamumuno sa pagwawagi ng hukbo laban sa mga Amoneo na nagtulak sa mga tao na hilinging pamunuan niya sila laban sa mga filisteo kung saan sandaling nahirang siyang hari.[2]

Ayon kay Israel Finkelstein at Neil Silberman na mga may-akda ng aklat na The Bible Unearthed: Archaeology's New Vision of Ancient Israel and the Origin of Its Sacred Texts,[3] ang ideya ng isang Nagkakaisang Kaharian ay hindi isang tumpak (accurate) na kasaysayan kundi bagkus ay "isang malikhaing mga ekspresyon ng isang makapangyarihang kilusang relihiyoso" na posibleng "batay sa ilang mga historikal na kernel". Bagaman sa kalaunang aklat ay tinanggap nina Finkelstein at Silberman na sina David at Solomon ay maaaring mga tunay na hari ng Judah noong mga ikasampung siglo BCE (1000 BCE-901 BCE)[4] kanilang binanggit na ang pinakaunang independiyenteng reperensiya sa Kaharian ng Israel ay noong mga 890 BCE samantalang para sa Judah ay noong mga 750 BCE.

Ayon sa skolar ng Bibliya na si Thomas L. Thompson

Walang ebidensiya ng isang Nagkakaisang Kaharian, walang ebidensiya ng isang kabisera ng Herusalem o ng anumang magkaugnay na pinag-isang pwersang pampolitika na nanaig sa kanlurang Palestina lalong hindi ang isang imperyo na may sukat na inilalarawan ng mga alamat. Wala tayong ebidensiya ng mga haring may pangalang Saul, David o Solomon; o wala tayong ebidensiya ng anumang templo sa Herusalem sa maagang panahong ito. Ang ating alam tungkol ng ika-10 siglo BCE ay hindi sa atin pumapayag na magbigay kahulugan sa kawalang ito ng ebidensiya bilang isang puwang ng ating kaalaman at impormasyon tungkol sa nakaraan, na isang resulta lamang ng aksidental na kalikasan ng arkeolohiya. Walang silid o konteksto, walang artipakto o arkibo na nagtuturo sa gayong mga historikal na realidad sa ika-10 siglong Palestina. Ang isa ay hindi makakapagsalita ng isang kabisera na walang isang bayan.

Ang imperyo ni Solomon ay sinasabing sumaklaw mula sa Euphrates sa hilaga hanggang sa Dagat Pula sa timog; ito ay nangangailangan ng isang malaking paglalagay ng mga lalake at armas at isang malaking lebel ng organisasyon upang sumakop, magpasuko at mamahala sa sakop na ito. Ngunit may kaunting ebidensiyang arkeolohikal ng Herusalem na isang sapat na malaking siyudad noong ikasampung siglo BCE (1000 BCE) at tila kalat kalat na tumahan sa panahong ito. Ayon sa mga arkeologo, ang Herusalem noong ca. 1000 BCE ay hindi higit sa isang mahirap na baranggay.[5] Ang mga pagsakop nina David at Solomon ay hindi rin binabanggit sa mga kasaysayang kontemporaryo ng ibang kultura. Sa kultura, ang pagguho ng Panahong Tanso ay isang panahon ng pangkalahatang kultural na paghihirap ng buong rehiyong Levant na gumagawang mahirap na isaalang alang ang pag-iral ng anumang malaking unit na pangteritoryo gaya ng kaharian ni David na binabanggit sa Bibliya. May problema rin sa mga sanggunian para sa panahong ito ng kasaysayan. Walang mga independiyenteng dokumento sa panahong ito kesa sa mga inaangking salaysay sa Mga Aklat ni Samuel na maliwanag na nagpapakita ng sobrang daming mga anakronismo upang ituring na salaysay ng panahong ito. Halimbawa, may binabanggit na huling armor (1 Samuel 17:4–7, 38–39; 25:13), paggamit ng mga kamelyo (1 Samuel 30:17)at kabalyero (bilang natatangi mula sa mga chariot) (1 Samuel 13:5, 2 Samuel 1:6), mga bakal na pick at palakol (na parang ang mga ito karaniwan 2 Samuel 12:31), mga sopistikadong pamamaraan ng paglusob (2 Samuel 20:15), isang napakalaking hukbo (2 Samuel 17:1), isang digmaan na may 20,000 namatay (2 Samuel 18:7), at tumutukoy sa isang paramilitar at mga lingkod na Kushite na nagbibigay ng isang petsa kung saan ang mga Kushite ay karaniwan pagkatapos ng Ikalabinganim na dinastiya ng Ehipto na panahon ng huling kwarter ng 800 BCE.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Kenneth Kitchen, How We Know When Solomon Ruled: Israel's Kings, BAR September/Oktubre 2001
  2. Naglalaman ang artikulong ito ng teksto mula sa 1901–1906 na Ensiklopedyang Hudyo, na nasa dominyong publiko na ngayon.
  3. Finkelstein, Israel; Silberman, Neil Asher (2001). The Bible Unearthed: Archaeology's New Vision of Ancient Israel and the Origin of Its Sacred Texts. Simon and Schuster. p. 23.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. David and Solomon: In Search of the Bible's Sacred Kings and the Roots of the Western Tradition pp20
  5. http://www.nytimes.com/2000/07/29/arts/bible-history-flunks-new-archaeological-tests-hotly-debated-studies-cast-doubt.html
  6. Redford, Donald B. (1992). Egypt, Canaan, and Israel in ancient times. Princeton, N.J: Princeton University Press. p. 305. ISBN 0-691-00086-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)