[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Georg Wilhelm Friedrich Hegel

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hegel)
Georg Wilhelm Friedrich Hegel
Si Hegel, ipinintang larawan noong 1831 ni Jakob Schlesinger
Kapanganakan27 Agosto 1770[1]
  • (Stuttgart Government Region, Baden-Wurtemberg, Alemanya)
Kamatayan14 Nobyembre 1831[1]
LibinganDorotheenstadt cemetery
NagtaposUnibersidad ng Tübingen
Unibersidad ng Jena
Trabahopilosopo,[2] propesor ng unibersidad, manunulat, logician
Pirma

Si Georg Wilhelm Friedrich Hegel ay isang pilosopong Aleman at isang natatanging palaisip ng idealismong Aleman. Ang kaniyang historisista at idealistang pagpapakakahulugan ng katotohanan ay naging mapaghimagsik sa pilosopiyang Europeo at naging mahalagang panimula sa pilosopiyang pangkontinente at Marxismo.

Binuo ni Hegel ang isang malawak na pampilosopiyang balangkas, o "sistema", ng idealismong lubos upang makita sa isang pinagsama at pasulong na paraan para sa ugnayan ng isipan at kalikasan, ang suheto at obheto ng kaalaman, sikolohiya, ang estado, kasaysayan, sining, relihiyon, at pilosopiya. Tiyak niyang pinaunlad ang konsepto na ang isipan o kaluluwa ay nagpakita sa isang lupon ng mga pagsasalungatan at pagtutunggalian na sa huli ay sama-sama at iisa, nang hindi inaalis ang isa-isa o binabawasan ang isa sa kanila. Ang halimbawa ng mga pagsasalungatang ito ay sa pagitan ng kalikasan at kalayaan, at sa pagitan ng inmanensiya at transcendensiya.

Inimpluwensiyahan ni Hegel ang mga manunulat mula sa iba-ibang posisyon, parehong mula sa kaniyang mga tagahanga at sa kaniyang mga katunggali.[3] Inihambing ni Karl Barth si Hegel sa bilang isang Protestanteng Aquino.[4] Sinulat ni Maurice Merleau-Ponty na "Lahat ng mga dakilang ideyang pampilosopo ng nakaraang siglo—ang mga pilosopiya nina Marx at Nietzsche, penomenolohiya, existensiyalismong Aleman, at sikoanalisis—ay may pinagmulan kay Hegel...".[5] Sa pag-aaral ng digmaan, itinuturo ng mga pantas ang isang pamamaraang Hegeliana sa magnum opus ni Carl von Clausewitz na Sa Digmaan.[6] Pinandigan ni Michel Foucault na ang mga kontemporanyong pilosopo ay maaaring "tiyak na mapapahamak na makikitang matiising naghihintay si Hegel sa dulo ng kung anumang daang ating tinatahak."[7] Ang mga maimpluwensiyang likha ni Hegel ay iyong sa mga mapagmuning lohika o "dialektiko", "idealismong lubos". Kasama na ang "Geist" (kaluluwa), negatibidad, superasyon (Aufhebung sa Aleman), ang dialektikong "Panginoon/Alipin", "buhay etiko" at ang halaga ng kasaysayan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 https://brockhaus.de/ecs/julex/article/hegel-georg-wilhelm-friedrich; hinango: 9 Oktubre 2017.
  2. https://cs.isabart.org/person/16364; hinango: 1 Abril 2021.
  3. "One of the few things on which the analysts, pragmatists, and existentialists agree with the dialectical theologians is that Hegel is to be repudiated: their attitude toward Kant, Aristotle, Plato, and the other great philosophers is not at all unanimous even within each movement; but opposition to Hegel is part of the platform of all four, and of the Marxists, too." Walter Kaufmann, "The Hegel Myth and Its Method", in From Shakespeare to Existentialism: Studies in Poetry, Religion, and Philosophy by Walter Kaufmann, Beacon Press, Boston 1959, page 88-119
  4. "Why did Hegel not become for the Protestant world something similar to what Thomas Aquinas was for Roman Catholicism?" Karl Barth, Protestant Thought From Rousseau To Ritschl: Being The Translation Of Eleven Chapters Of Die Protestantische Theologie Im 19. Jahrhundert, 268 Harper, 1959
  5. Maurice Merleau-Ponty, Sense and Nonsense. p. 63. trans. Herbert L. and Patricia Allen Dreyfus (Northwestern Univ. Press) 1964
  6. Cormier, Youri. "Hegel and Clausewitz: Convergence on Method, Divergence on Ethics" International History Review, Volume 36, Issue 3, 2014. http://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/07075332.2013.859166?tab=permissions#.U9etAfldXGA
  7. Andrew Bowie, Schelling and Modern European Philosophy 2 Routledge London, 1993

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.