[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Indiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Gharghoda)

Republika ng Indiya
भारत गणराज्य (Hindi)
Bhārat Gaṇarājya
Republic of India (Ingles)
Watawat ng Indiya
Watawat
Sagisag ng Indiya
Sagisag
Salawikain: सत्यमेव जयते (Sanskrito)
Satyameva Jayate
"Katotohana'y Nag-iisang Nagtatagumpay"
Awitin: जन गण मन
Jana Gana Mana
"Diwa ng Buong Sambayanan"


Pambansang Kanta: वन्दे मातरम्
Vande Mataram
"Pinupuri Kita, Ina"
Lupaing pinangangasiwaan ng pamahalaan ng Indiya sa lunting maitim; teritoryong inaangkin ngunit di-kontrolado sa lunting mapusyaw.
Lupaing pinangangasiwaan ng pamahalaan ng Indiya sa lunting maitim; teritoryong inaangkin ngunit di-kontrolado sa lunting mapusyaw.
KabiseraBagong Delhi
28°36′50″N 77°12′30″E / 28.61389°N 77.20833°E / 28.61389; 77.20833
Pinakamalaking lungsod
Wikang opisyal
KatawaganIndiyano
PamahalaanPederalistang parlamentaryong republikang konstitusyonal
• President
Droupadi Murmu
Jagdeep Dhankhar
Narendra Modi
Dhananjaya Y. Chandrachud
Om Birla
LehislaturaParliament
• Mataas na Kapulungan
Rajya Sabha
• Mababang Kapulungan
Lok Sabha
Independence 
• Dominion
15 August 1947
• Republic
26 January 1950
Lawak
• Kabuuan
3,287,263 km2 (1,269,219 mi kuw)[a] (7th)
• Katubigan (%)
9.6
Populasyon
• Pagtataya sa 2022
1,375,586,000[2] (2nd)
• Senso ng 2011
1,210,854,977 (2nd)
• Densidad
418.46/km2 (1,083.8/mi kuw) (19th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2022
• Kabuuan
Increase $11.665 trillion[3] (3rd)
• Bawat kapita
Increase $8,293[3] (127th)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2022
• Kabuuan
Increase $3.469 trillion[3] (5th)
• Bawat kapita
Increase $2,466[3] (139th)
Gini (2011)35.7[4][5]
katamtaman
TKP (2021)Decrease 0.633[6]
katamtaman · ika-132
SalapiIndian rupee (₹) (INR)
Sona ng orasUTC+05:30 (IST)
DST is not observed
Ayos ng petsa
Gilid ng pagmamanehokaliwa
Kodigong pantelepono+91
Kodigo sa ISO 3166IN
Internet TLD.in

Ang Indiya (Hindi: भारत, tr. Bhārat; Ingles: India), opisyal na Republika ng Indiya, ay bansang matatagpuan sa Timog Asya. Hinahangganan ito ng Butan, Nepal, at Tsina sa hilaga, Banglades at Burma sa silangan, at Pakistan sa kanluran. Pinapalibutan naman ito ng Karagatang Indiyano sa timog, Look ng Bengala sa timog-silangan, at Dagat Arabo sa timog-kanluran. Ang teritoryong Kapuluang Andaman at Nicobar nito ay nagbabahagi ng hangganang maritimo sa Burma, Indonesya, at Taylandiya. Sumasaklaw ng lawak na 3,287,263 km2 at tinatahanan ng mahigit 1.425 bilyong tao, ito ang pinakamatao at ikapitong pinakamalaking bansa sa mundo. Ang kabisera nito ay Bagong Delhi at ang pinakamalaking lungsod nito ay Mumbai.

Dumating ang taong moderno sa subkontinenteng Indiyano mula sa Aprika hindi lalampas 55,000 taon nang nakalipas. Ang kanilang mahabang pag-okupa, na sa una ay iba't ibang anyo ng pagbubukod bilang mangangaso-at-nagtitipon, ay ginawa ang rehiyon ng mataas ang pagkakaiba, pangalawa lamang sa Aprika sa dibersidad ng henetika ng tao. Lumitaw ang pirming pamumuhay sa subkontinente sa kanlurang gilid ng kuwenka ng ilog Indo noong 9,000 taong nakalipas at unti-unting umunlad sa Kabihasnan sa Lambak ng Indo noong ikatlong milenyo BCE. Pagsapit ng 1200 BCE, isang anyong arkaiko ng Sanskrito na wikang Indo-Eurpeo ay kumalat sa Indiya mula sa hilagang-kanluran na nailahad bilang himno ng Rigveda at nagtatala ng pagsibol ng Hinduismo sa lugar. Pinalitan ng mga wikang Drabido ang mga wika sa rehiyong hilaga't kanluran. Noong 400 BCE, nagkaroon ng pagbubukod ayon sa kasta at estratipikasyon sa Hinduismo, na naging isa sa mga dahilan sa pag-iral ng Budismo at Hainismo, dalawang relihiyon na parehong nagdedeklara ng mga kaayusang panlipunang di-nauugnay sa pagmamana. Ang mga unang konsolidasyong pampolitika ay nagbunga sa mga maluwag na Imperyong Maurya at Gupta na nakabase sa Kuwenka ng Ganges. Ang kanilang panahong kolektibo ay umapaw sa iba't-ibang sinasaklaw na pagkamalikhain, ngunit minarkahan din ng pagbaba ng katayuan ng mga kababaihan at pagsasama ng konseptong di-nasasaling (untouchability) sa isang sistemang organisado ng paniniwala. Nagluwas ang mga kahariang gitna sa Timog Indiya ng mga sistema ng pagsulat para sa mga wikang Drabido at mga kalinangang relihiyoso sa mga kaharian ng Timog-Silangang Asya.

Nag-ugat ang Kristiyanismo, Islam, Hudaismo, at Soroastrismo sa timog at kanlurang baybayin ng Indiya noong unang panahong medyebal. Paulit-ulit na nilusob ng mga hukbong Musulman mula sa Gitnang Asya ay paulit-ulit na nilusob ang mga hilagang kapatagan ng lugar, at sa kalaunan ay itinatag ang Sultanato ng Delhi na humila sa hilagang India sa kosmopolitang Islamikong Panahong Ginto. Noong ika-15 dantaon, lumikha ang Imperyong Vijayanagara ng pangmatagalang pinagsama-samang kalinangang Hindu sa timog Indiya. Lumitaw ang Sihismo sa Punyab, na tinatanggihan ang relihiyong institusyonalisado. Nagpasimula ng dalawang dantaon ng kapayapaang relatibo ang Imperyong Mogol noong 1526, na umiwan ng pamana ng arkitekturang makinang. Sumunod dito ang pamumunong lumawak ng Kompanyang Britaniko ng Silangang Indiya na ginawa ang Indiya na isang ekonomiyang kolonyal, ngunit pinatatag din ang soberanya nito. Nagsimula ang pamamahala ng Koronang Britaniko noong 1858. Dahan-dahang ipinagkaloob ang mga karapatang ipinangako sa mga Indiyo, ngunit ipinakilala ang mga pagbabago sa teknolohiya na dala ng Himagsikang Industriyal, at nag-ugat ang mga ideya ng edukasyon, modernidad at pampublikong buhay. Lumitaw ang isang maimpluwensyang kilusang makabansa na pinangunahan ni Mahatma Gandhi na nakilala sa paglaban nitong walang dahas, at itinatagurian bilang ang pangunahing salik sa pagwawakas ng pamamahala ng Bretanya. Nakamit ng Indiya ang kasarinlan noong Agosto 15, 1947 at hinati ang Britanikong imperyong Indiyo sa dalawang dominyo, isang Hindung mayoryang Unyon ng India at isang Musulmang mayoryang Dominyo ng Pakistan, sa gitna ng malakihang pagkawala ng buhay at migrasyong walang uliran.

Naging republikang pederal ang Indiya noong 1950, at binubuo ng 28 estado at walong teritoryo ng unyon na pinamamahalaan sa isang demokratikong sistemang parlamentaryo. Lumaki ang populasyon ng Indiya mula 361 milyon noong 1951 hanggang 1.211 bilyon noong 2011. Tumaas din ang nominal na kita ng bawat tao mula EU$64 taun-taon hanggang EU$1,498. Ganoon din ang nangyari sa karunungang bumasa't sumulat, na tumaas mula 16.6% hanggang 74%. Ginawa ng mga repormang pang-ekonomiya noong 1991 ang Indiya bilang isa sa mga pinakamabilis na ekonomiyang lumalago; noong 2017 ang ekonomiya nito ang naging ikatlong pinakamalaki sa mundo at ikaanim sa KDP nominal. Nagiging kanlungan ito para sa mga serbisyo sa teknolohiya't impormasyon, mayroon ng programang espasyal na kinabibilangan ang ilang nakaplano o natapos na misyong ekstraterestre, at gumaganap ng tumataas na papel ang mga Indiyong pelikula, musika, at turong espirituwal sa kalinangang pandaigdig. Nabawasang lubos ang antas ng kahirapan, bagama't ang naging kapalit nito'y pagtaas ng hindi pagkakapantay-pantay ng ekonomiya: noong 2016 ang pinakamayamang 10% ng populasyon ay nagmay-ari ng 55% ng kitang pambansa. Dumadanas parin ang bansa ng iba't-ibang mga suliraning sosyo-ekonomiko, iilan sa mga ito ay kawalan ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian, malnutrisyon sa kabataan, at tumataas na antas ng polusyon sa hangin. Simula noong kalagitnaan ng ika-20 dantaon ay nagkaroon ito ng pagtatalo ukol sa Katsemira sa mga kapitbahay nitong Pakistan at Tsina na hindi parin nalulutasan sa kasalukuyan. Isa ito sa sampung bansa na nagtataglay ng nukleyar na arsenal at isa sa limang bansang hindi lumalagda sa Tratado sa Non-Proliperasyon ng mga Sandatang Nukleyar dahil hindi pinapayagan ng mga kasalukuyang termino ng tratado na manatili ang mga sandatang atomiko sa bansa.

Paglalarawang Heograpikal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang India ay isang subkontinenteng matatagpuan sa Timog Asya na napapaligiran ng mga bansang Bhutan at Nepal sa hilaga, Bangladesh at Myanmar sa silangan, Sri Lanka sa timog, at Pakistan sa kanluran. Ito'y may lawak na 3,185,018.83 km o 5,124,695.29747 milya.[7] Ito'y napahiwalay sa kabuuang Asya dahil sa Bulubundukin ng Himalayas at sa Talampas ng Tibet. Ang coastline ng India ay 7,517 milya [8]

Mga teritoryong pampangasiwaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Arunachal Pradesh (20 Pebrero 1987)
  2. Assam
  3. Bihar
  4. Goa (30 Mayo 1987)
  5. Gujarat (1 Mayo 1960)
  6. Haryana (1 Nobyembre 1966)
  7. Himachal Pradesh (25 Enero 1971)
  8. Jharkhand (15 Nobyembre 2000)
  9. Karnataka (1 Nobyembre 1956)
  10. Kerala (1 Nobyembre 1956)
  11. Madhya Pradesh
  12. Maharashtra (1 Mayo 1960)
  13. Manipur (21 Enero 1972)
  14. Meghalaya (21 Enero 1972)
  15. Mizoram (20 Pebrero 1987)
  16. Nagaland (1 Disyembre 1963)
  17. Odisha
  18. Punjab, India (26 Enero 1950)
  19. Rajasthan (26 Enero 1950)
  20. Sikkim (16 Mayo 1975)
  21. Tamil Nadu (1969)
  22. Tripura (21 Enero 1972)
  23. Uttar Pradesh
  24. Uttarakhand (9 Nobyembre 2000)
  25. Kanlurang Bengal
  26. Kapuluan ng Andaman at Nicobar
  27. Chandigarh
  28. Delhi
  29. Telangana (2 Hunyo 2014)
  30. Andhra Pradesh (1 Nobyembre 1956)
  31. Jammu at Kashmir (teritoryo ng unyon) (31 Oktubre 2019)

Dumating ang Homo sapiens sa subkontinenteng Indiyano 55,000 taon nang nakaraan mula sa Aprika, kung saan sila'y naunang mag-ebolusyona. Maisasapetsa ang pinakamaagang natagpuan na mga tira ng makabagong tao sa Timog Asya na 30,000 taon noon.[9] Pagkatapos ng 6500 BCE, lumitaw ang ebidensya ng domestikasyon sa hayop at pagkaing pananim, pagtatayo ng permanenteng istruktura, at pag-iimbak ng labis na agrikultura sa Mehergar at iba pang sityo sa Baluchistan, Pakistan. Unti-unti itong umunlad sa Kabihasnan ng Lambak ng Indo, ang kauna-unahang kulturang urbano sa Timog Asya, na yumabong noong 2500–1900 BCE sa kung ano ngayo'y Pakistan at kanlurang Indiya. Nakasentro sa mga lungsod tulad ng Mohenjo-daro, Harappa, Dholavira, at Kalibangan, at umasa sa iba't ibang anyo ng trabahong pantawid-buhay, nakibahagi ang sibilisasyon sa produksyong yaring-kamay at malawakang kalakalan.

Unang Kabihasnan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tinataya na noong 2500 B.K nagsimula ang unang kabihasnan ng India sa Lambak ng Ilog Indus. Ito ay ang mga lungsod ng Mohenjo-Daro sa Punjab at Harappa, sa lugar na ngayon ay Pakistan. Pinaniniwalaang naging maunlad ang pamumuhay ng mga taong nanirahan sa dalawang nabanggit na lungsod kung ibabatay sa mga nahukay na labi noong 1920.

May kaalaman na sa arkitektura ang mga tao sa Harappa at Mohenjo-Daro. Mapapatunayan ito sa nakitang kaayusan sa mga kalsada. Iba-iba rin ang mga sukat ng mga natagpuang bahay na kadalasa'y may dalawang palapag at binubuo ng kusina, salas, kwarto, at paliguan. May mga nahukay rin ditong upuang gawa sa kahoy na napapalamutian ng mga abaloryo.

Ang mga Harappa ay tinatayang isa sa mga naunang taong natutong gumawa ng telang yari sa bulak. Nagtanim sila ng palay at iba pang bungangkahoy at natutong mag-alaga ng mga hayop kagaya ng aso, pusa, tupa, kambing, at elepante. Natagpuan din sa lungsod ng Harappa ang mga selyong ginamit bilang tanda ng iba't ibang itinitinda kaya't hinihinalang magagaling na mangangalakal ang mga mamamayan dito.

Ang lahat ng mga nabanggit ay mga pagpapatunay na naging maunlad ang Kabihasnang Indus subalit ang pagwawakas at ang paglaho ng dalawang lungsod ay nananatiling hiwaga para sa mga mananaliksik. May mga palagay na ang pagbaha ng Ilog Ganges at ang paiba-ibang klima sa Lambak ng Indus ay ilan sa mga dahilan kung bakit nawala ang Kabihasnan Indus. Ayon sa mga arkeoloheyo, ang paglusob ng mga Aryan sa dalawang lungsod ay isa ring positibong dahilan ng pagkawala ng Kabihasnang Indus. Matatagpuan ang mga labi ng taong hindi nakalibing sa mga guho ng dalawang kabihasnan. May mga Imperyong umusbong dito ito ay ang mga:

  • Imperyong Maurya
  • Imperyong Mogul [10]

Imperyong Maurya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkaraan ng Kabihasnang Indus, nag-kanyakanya ang mga tao at nagtayo ng mga maliliit na kaharian. Ang mga kaharian na ito na pinag-isa noong ika-3 siglo B.C.E. bilang Imperyong Maurya na itinatag ni Chandragupta Maurya at umunlad sa pamamahala ni Dakilang Asoka.[11] Ang mga naging hari ng imperyo ay pinaunlad ang pag-aaral sa agham, matematika, heograpiya, medisina, sining at panitikan.

Imperyong Mughal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pagsugod ng mga muslim mula sa Gitnang Asya noong ika-10 siglo hanggang ika-12 siglo, halos ang buong Hilagang India ay pinamumunuan ng isang Sultan. Ang tinawag sa muslim na imperyo na ito ay Imperyong Mughal. Sa pamumuno ni Dakilang Akbar, naging balanse ang pag-tuturing sa mga Hindu at Muslim.[12][13] Pinalawak ng mga emperador ang nasasakupan ng imperyo. Bumagsak ang imperyong ito dahil sa pag-alsa ng mga militanteng Hindu, ang Maratha. Dahil sa gulo na nangyari, madaling nasakop ng mga Europeo ang subcontinent.

Kolonya ng mga Europeo at Paglaya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nasakop ng mga Europeo nang ika-16 siglo ang India. Ang namahala sa kolonyang ito ay ang East India Company at pagkatapos ng Rebolusyong Sepoy, direktang namahala na ang Empress ng Britanya at isinama ang India sa Imperyong Britanya.[14]

Si Mahatma Gandhi (kanan) kasama si Jawaharlal Nehru, 1937. Si Nehru ang naging unang ministrong pinuno noong 1947.

Nang ika-20 siglo, isang malawakang kilos para sa kalayaan ay pinangunahan ni Mahatma Gandhi. Nagkaron ng civil disobedience bilang protesta. Nakalaya din ang India noong 15 Agosto 1947, pero ang rehiyon na pinamumunuan ng mga muslim ay humiwalay at itinatag ang Pakistan. Noong 26 Enero 1950, naging isang opisyal na republika ang India at nagkaroon ng sariling saligang-batas. Ang India ay nagkakaroon ng mga problema sa kahirapan, terrorismo, digmaan ukol sa relihiyon, diskriminasyon sa mga mabababa sa caste at naxalismo.

Pananampalataya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pananampalatayang Hinduismo ay isinilang sa India. Isang milenyo bago dumating si Kristo, nabuo ang relihiyong Hinduismo. Ang pangunahing diyos ng Hinduismo ay si Brahma, ang “Kaluluwa ng Daigdig”. Naniniwala ang mga Hindu na maaabot ng tao ang tunay na kaligayahan kung ang kanyang kaluluwa ay sasanib kay Brahma. Ang isang nakakaaliw na paniniwala ng Hinduismo ay ang paglipat ng kaluluwa sa panibagong buhay, o ang reincarnation o reinkarnasyon. Ayon sa paniniwalang ito, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ipinanganganak muli sa isang tao na may mas mataas na antas, samantalang ang isang masamang tao ay ipinanganganak muli sa isang mas mababang nilalang. Pagkalipas ng pagsasalin ng pagsilang at kamatayan, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ginagantimpalaan sa pamamagitan ng pagsanib sa kaluluwa ni Brahma.

Ang kilalang trinidad ng mga diyos ng Hindu ay si Brahma ang Manlilikha, Vishnu ang Tagapangalaga, at Shiva ang Tagawasak. Ang iba pang diyos nila ay sina Agni, diyos ng apoy; Indra, diyos ng bagyo; Ganesha, diyos ng elepante; Laksmi, diyosa ng magandang kapalaran; at Vasanti, diyosa ng kaligayahan o kasayahan. Lahat-lahat, ang mga Hindu ay merong humigit-kumulang sa 300 milyong diyos, na kung tawagin ay teokratik.

Ang lokasyon ng India sa Asya.

Ang Sistemang caste ay bahagi ng Hinduismo. Ang mga tao ay hinati sa mga antas o caste, gaya ng: (1) Brahma (pari at mga iskolar), (2) Kshatriyas (maharlika at mandirigma), (3) Vaishyas (magsasaka, mangangalakal at manggagawa), at (4) Sudras (manggagawa at alipin). Ang nasa mataas na antas ay hindi pinapayagang mag-asawa o mamuhay kasama ng nasa mababang caste. Ang mga di kabilang sa anumang caste ay mga patapon, itinatawag na “untouchables”. Napakahirap ng kanilang buhay sa kanilang sariling mga nayon at lungsod. Sila ang gumagawa ng pinakamababang trabaho. Hindi sila pinababayaang gumamit ng mga pampublikong paliguan, pumasok sa mga templo, o kumain sa mga pampublikong kainan dahil ang paghipo lamang sa isang “untouchable” ay pinaniniwalaang marumi para sa isang may caste.

Ang banal na ilog ng mga Hindu ay ang Ilog Ganges na matatagpuan din sa India. Ang ilog na ito ay sinasabing may banal na tubig.

Nang ika-16 na siglo B.K., isang bagong relihiyon, ang Budhismo ay itinatag ni Gautama Buddha sa Indian Peninsula na naging isang pangunahing relihiyon ng daigdig. Siya ay isang mayamang prinsipeng Hindu na naantig sa sobrang paghihirap ng masa. Hindi sang-ayon sa kaniya ang paniniwala ng mga Hindu sa caste o karma na hinahatulan ang isang tao sa isang mataas na antas habambuhay. Naniniwala siyang mas dapat tulungan ang mga mahihirap. Tinalikuran niya ang kanyang mayamang palasyo at marangyang buhay upang maging isang ermitanyo. Pagkatapos ng mahabang meditasyon, nagsimula siyang magturo ng isang bagong relihiyon at siya'y tinawag na Buddha o "ang Naliwanagan". Itinuro niya na lahat ng tao ay makaaalam ng katotohanan at makakaabot ng ganap na kaligayahan anuman ang caste.

Itinuro ni Buddha ang apat na "Marangal na Katotohanan," gaya ng: (1) ang buhay ng tao ay batbat ng paghihirap; (2) ang paghihirap ng tao ay bunga ng kanyang pansariling pagnanasa; (3)mawawakasan ng tao ang kanyang paghihirap sa pamamagitan ng pagsupil sa kanyang pansariling pagnanasa; at (4) matapos masupil ang sariling pagnanasa, nararating ng tao ang tunay na nirvana (ganap na kaligayahan). Upang marating ang nirvana dapat sundin ng tao ang "Waluhang Daan" (Eightfold Path sa Ingles) na binubuo ng (1) tamang paniniwala; (2) tamang adhikain; (3) tamang pananalita; (4) tamang pag-uugali; (5) tamang paghahanap-buhay; (6) tamang pagsisikap; (7) tamang pag-alaala; at (8) tamang meditasyon.

Ang konstitusyon ay sinasabi na ang India ay isang sosyalistang demokratikong republika.[15]

Ang kasalukuyang pangulo ng India, si Droupadi Murmu.

Ang Pangulo ng India ay ang pinuno ng estado [16] elected indirectly by an electoral college[17] na hinahalal ng isang pinununuaan na tinatawag na Electoral College para sa isang 5-taon termino. Ang pinunong ministro ay ang pinuno ng pamahalaan at siya rin ang humahawak sa kapangyarihang-executive. Siya ay dapat pinili ng pangulo at sinusuportahan ng partidong pampolitika (political party). Ang Kongresong Nasyonal ng India ang namamahala sa lehislatura ng India. Sa kasalukuyan, ang pangulo ng India ay si Pratibha Patil, na unang nagsilbi noong 25 Hulyo 2007. Siya ang unang babae na naging pangulo ng India. Ang tirahan o palasyo ng mga pangulo ay ang Rasthrapati Bhavan.

Ang India ay itinuturing na pinaka-mataong demokrasya sa mundo.[18][19]

Ambag ng India sa Kabihasnan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang India ay duyan din ng kabihasnan at isa sa pinakadakilang imbakan ng sining, panitikan, relihiyon, at agham. Ilan sa mga ambag ng India ay:

Ang pinakaunang ambag ng India ay ang pagbibigay sa daigdig ng apat na relihiyon — Hinduismo, Budhismo, Sikhismo, at Jainismo. Ang Hinduismo ang pinakamatandang organisadong relihiyon at may 463 milyong tagasunod, karamihan ay sa Indian Subcontinent. Ito ang pinagmulan ng maraming modernong kultong relihiyon tulad ng transcendental maditation (tm) ng Maharishi Mahesh Yogi, ang grupong Ramakrishna, theosophy, ang Jag Guru, at iba pa. Ang Buddhismo ay mayroong 247 milyong tagasunod sa buong mundo. Ang Sikhismo ay relihiyon ng 16 milyong Hindu, marami sa kanila ay nangibambayan sa Britanya at sa ibang bansa. Ang mga lalaking Sikh ay mahaba ang balbas at nakasuot ng turban. Ito ay pinaghalong relihiyon ng Hindu at Islam. Ang Jainismo ay may 12 milyong tagasunod sa India. Naniniwala sila sa kabanalan ng buhay, pati ang mga halaman at hayop. Ang relihiyong ito ang nagturo ng paniniwala gaya ng vegetarianism(pagkain ng gulay lamang), yoga, karma, at reincarnation. Ang tawag ng mga Jain sa paniniwalang ito ay ang Ahmimsa o kapayapaan (non-violence sa Ingles).

Ang ikalawang ambag ng India ay ang pagpapaunlad ng pilosopiya ng India kaysa sa Kanluran. Bago pa ang mga Griego at Romano ang mga pilosopiya ng India ay nagtatag na ng maraming sistemang pilosopikal, kabilang ang yoga, ang disiplina ng isip at katawan sa pamamagitan ng espirituwal na pagsasanay.

Ang ikatlong ambag ng India ay ang pagpapayaman ng India sa kanilang pandaigdig na panitikan sa pamamagitan ng pagbibigay ng unang pabula (Panchatantra), unang dulang epiko (The Clay Cart ni Sudakra at Sakuntala ni Kalidasa), ang dakilang tulang epiko (Mahabharata at Ramayana), at ang dakilang pilosopikang tula ng daigdig (Bhagavad Gita).

Musika, Sining, at Arkitektura

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Taj Mahal ay ipinagawa ni Shah Jahan ng Imperyong Mughal upang magsilbing libingan ng kanyang asawa si Mumtaz Mahal. Ito ay matatagpuan sa Agra, India.

Ang musika, sining, at arkitektura ng India ay kilala sa buong mundo, at ang ikaapat nilang ambag sa daigdig. Ang sining ng India ay nagtatanghal ng mga kasaysayan ng pag-ibig ng kanilang mga diyos na siyang kauna-unahang halimbawa ng malalaswang palabas. Sa arkitektura, ibinigay ng India sa daigdig ang Taj Mahal sa Agra, ang mga palasyo ng mga Mogul sa New Delhi, at ang Kailasha Temple sa Hyderabad. Ang mga klasikong gawang-kamay ng India sa tela, kahoy, metal, ivory, at katad ay hinahanap sa buong mundo.

Mga matataong lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The country's exact size is subject to debate because some borders are disputed. The Indian government lists the total area as 3,287,260 km2 (1,269,220 mi kuw) and the total land area as 3,060,500 km2 (1,181,700 mi kuw); the United Nations lists the total area as 3,287,263 km2 (1,269,219 mi kuw) and total land area as 2,973,190 km2 (1,147,960 mi kuw)."[1]
  2. See Date and time notation in India.
  1. Library of Congress 2004.
  2. Population Projections for India and States, 2011-2036 (sa wikang Ingles). 2020-07-01.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 "World Economic Outlook Database: October 2022". Imf. International Monetary Fund. Oktubre 2022. Nakuha noong 11 Oktubre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Gini Index coefficient". The World Factbook. Central Intelligence Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Hulyo 2021. Nakuha noong 10 Hulyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Gini index (World Bank estimate) – India". World bank.
  6. "Human Development Report 2021/2022" (PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Development Programme. 8 Setyembre 2022. Nakuha noong 8 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Total Area of India" (PDF). Country Studies, India. Library of Congress – Federal Research Division. Disyembre 2004. Nakuha noong 2007-09-03. The country's exact size is subject to debate because some borders are disputed. The Indian government lists the total area as 3,287,260 square kilometers and the total land area as 3,060,500 square kilometers; the United Nations lists the total area as 3,287,263 square kilometers and total land area as 2,973,190 square kilometers.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. V. Sanil Kumar; K. C. Pathak; P. Pednekar; N. S. N. Raju (2006). "Coastal processes along the Indian coastline" (PDF). Current Science. 91 (4): 530–536.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Petraglia, Michael D.; Allchin, Bridget (2007), "Human evolution and culture change in the Indian subcontinent", sa Michael Petraglia; Bridget Allchin (mga pat.), The Evolution and History of Human Populations in South Asia: Inter-disciplinary Studies in Archaeology, Biological Anthropology, Linguistics and Genetics, Springer Publishing, ISBN 978-1-4020-5562-1{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Mercado, Michael (2007). Sulyap sa Kasaysayan ng Asya. Araling Panlipunan Serye Aklat II. St. Bernadette Publishing Corporation. ISBN 978-971-621-448-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Jona Lendering. "Maurya dynasty". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-08. Nakuha noong 2007-06-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "The Mughal Legacy".
  13. "Ang Mugahal na mundo : Ang Huling Ginintuang Panahon ng India". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-19. Nakuha noong 2008-12-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "History : Indian Freedom Struggle (1857–1947)". National Informatics Centre (NIC). Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-12-27. Nakuha noong 2007-10-03. And by 1856, ang pagsalakay ng mga British ay na-established.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Pylee, Moolamattom Varkey (2004). "The Longest Constitutional Document". Pamahalaang Konstitutional sa India (ika-2nd (na) edisyon). S. Chand. p. 4. ISBN 8121922038. Nakuha noong 2007-10-31.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Sharma, Ram (1950). "Cabinet Government in India". Parliamentary Affairs. 4 (1): 116–126.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Election of President". The Constitution Of India. Constitution Society. Nakuha noong 2007-09-02. The President shall be elected by the members of an electoral college{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Country profile: India". BBC. 9 Enero 2007. Nakuha noong 2007-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Mayo 1 billion na tao sa Pinakamalaking Demokrasya ng Mundo nang Araw ng Kalayaan". United Nations Department of Economic and Social Affairs. United Nations: Population Division. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-21. Nakuha noong 2007-12-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kaugnay na artikulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]

;


  1. "Cities having population 1 lakh and above" (PDF). India Census 2011. 31 Enero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)