[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Moda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Fashion designer)

Popular na estilo o kasanayan ang moda (sa Ingles: fashion) o uso sa pananamit, sa kasuotan sa paa, abubot, pampaganda, hikaw sa katawan o muwebles. Kakaiba at madalang nauusong estilo ng pananamit ng tao ang fashion. ito rin ang umiiral na estilo sa gawi at mga bagong likha ng mga nagdidisenyo ng tela.

Ang mas teknikal na terminong kostiyum o costume ay madalas na nauugnay sa salitang fashion, kaya naman ang salitang kostiyum ay madalas naihahambing sa mga salitang may espesyal na kahulugan tulad ng magarang pagbabalat-kayo, habang ang fashion ay nangangahulugang pangkalahatang pananamit kasama na ang pag-aral nito. Bagaman may mga aspeto ang fashion na puwedeng maging pambabae o panlalaki, ang ibang nauuso ay puwede sa parehas na kasarian.

Industriya ng moda

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang industriya ng moda ay produkto ng modernong pagbabago. Sa kalagitnaan ng ikalabinsiyam na siglo, karamihan sa mga kasuotan ay pasadya. Madalas ay sarili gawa sa bahay o paggawa sa mananahi, at Handmade o tanging kamay lamang ang gamit sa paggawa ng mga ito. Sa simula ng ikadalawampung siglo ay nagusbog ang pagunlad ng teknolohiya at malaki ang naging epekto nito sa industriya ng moda. Nagsilabasan at nauso ang mga makinang panahi. Sa patuloy na pagunlad ng teknolohiya ay naitayo ang mga pabrika o pagawaan ng mga kasuotan. Dahil sa mga pabrikang ito ay naging posible ang maramihang produksyon ng mga kasuotan at kasabay nito ang pagusbog ng mga almasen (department store) kung saan naibebenta ng maramihan ang mga kasuotan. Sa kasalukuyan ay matutunghayaan ang naging epekto ng moda sa mundo, kung saan nagkakaroon ng kumpetisyon sa mga bagong estilo at kabagayan ng kasuotan. Isang malaking asset ng pandaigdigang kapitalismo ang industriya ng moda.

Epekto ng midya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang midya ay mahalagang aspeto sa konsepto ng moda. Ang midya ay ginagamit sa pagpapalawak ng mga ideya ng mga nahihilig sa moda. Dahil walang tiyak na antas ng kagandahan ang moda, ay nagiging instrumento ang midya sa pagtukoy ng uso ayon sa intersubjective consensus o pangkalahatang opinyon.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.