[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Papa Damaso I

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Dámaso I)
San Damaso I
Nagsimula ang pagka-Papa366
Nagtapos ang pagka-Papa384
HinalinhanLiberius
KahaliliSiricius
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanDamaso o Damasus
Kapanganakanc. 305 CE
Egitania, Lusitania, Hispania (now Portugal)
Yumao11 Disyembre 384 CE
Rome, Western Roman Empire
Kasantuhan
Kapistahan11 Disyembre
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Damasus

Si Papa Damaso I o Damasus I ang Obispo ng Roma mula 366 CE hanggang 384. was the Bishop of Rome from 366 to 384. Siya ay ipinanganak noong mga 305 CE[1] na malamang ay malpit sa siyudad ng Egitania, Lusitania, sa ngayong nayon ng Idanha-a-Velha, Portugal na sa panahong ito ay bahagi ng Kanlurang Imperyo Romano. Ang kanyang buhay ay kasabay ng pag-akyat ni Dakilang Constantino sa trono ng Imperyo Romano at muling pagkakaisa at muling paghahati ng Kanlurani at Silanganing Imperyo Romano na nauugnay sa Kautusan ng Milan na nagbigay lehitimasyon sa Kristiyanismo. Si Damaso ay kilala na pinalaki sa serbisyo sa Basilica ng San Lorenzo fuori le Mura sa Roma, at pagkatapos ng kamatayan ng Papa Liberius ay humalili dito sa gitna ng mga karahasan ng mga paksiyon. Ang isang pangkat ng mga tagasuporta ni Damaso na nakaraang tapat sa kanyang kalaban sa pagkapapang si Antipapa Felix II ay umatake at pumatay sa mga katunggali nitong tapat sa deakono ni Liberius na si Antipapa Ursicinus sa isang pagkakagulo na nangailangan ng interbensiyon ng pagsupil ni Emperador na si Valentinian I. Si Damaso ay naharap sa mga akusasyon ng pagpatay at pangangalunya(sa kabila ng pagiging hindi kasal)[2] sa kanyang mga simulang taon bilang obispo ng Roma. Ang mga nagawa niya bilang Obispo ng Roma ang pagbabalik ng San Lorenzo fuori le Mura, paghikayat sa kanyang sekretaryong si Jeronimo na isalin ang Bibliya sa Latin at pangangasiwa sa Konseho ng Roma noong 382 CE na maaaring naglatag ng kanon na Katoliko[3] gayundin ang paghikayat ng benerasyon ng mga martir na Kristiyano. [4]

Krisis sa paghalili

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa maagang Simbahan, ang mga bagong obispo ng Roma ay hinahalal o pinipili ng mga klero at mga tao ng diocese sa presensiya ng ibang mga obispo ng probinsiya ng Imperyo na paraang kagawiang ginagamit sa ibang mga diocese. Bagaman ang paraang ito ay gumawang mahusay sa isang maliit na pamayanan ng mga Kristiyanong pinagkaisa ng pag-uusig, habang ang kongregasyon ay lumago sa sukat, ang aklamasyon ng isang bagong obispo ay puno ng mga dibisyon at ang mga katunggaling nag-aangkin sa posisyon at isang klase ng hostilidad sa pagitan ng mga kandidatong patrisyano at plebeian ay gumulo sa ilang mga halalan ng episkopa. Sa parehong panahon, ang mga ika-4 na siglong Emperador ng Imperyo Romano ay umasa na ang bawat hinirang na obispo ay itanghal sa kanila para sa pag-aaproba na minsang humantong sa pananaig ng estado sa mga panloob na bagay ng simbahan. Sa pagkamatay ni Liberius noong Setyembre 24,366 CE, ang isang paksiyon ay sumuporta sa Antipapa Ursicinus o Ursinus na nagsilbi bilang deakono kay Liberius samantalang ang isa pang paksiyon na nakaraang tapat kay Antipapa Felix II ay sumuporta kay Damaso. Ang nasa mas mataas na klase ng lipunan na mga partisano ni Felix ay sumuporta sa paghalal kay Damaso ngunit ang mga kalabang tagasuporta ni Liberius na mga deakono at laity ay sumuporta kay Ursinus. Ang parehong sina Ursinus at Damaso ay sabay na hinalal bilang Obispo ng Roma na idinaos sa San Lorenzo in Lucina sa atmospero ng kaguluhan. Ang mga tagasuporta ng magkabilang panig ay naglaban sa pasimula ng Oktubre. Ang malalang karahasan at pagdanak ng dugo ay nagpatawag sa dalawang mga prepekto ng lungsod upang panumbalikin ang kaayusan. Ang mga prepekto ay pinatalsik sa mga suburbio at ang isang masaker ng 137 katao ay isinagawa sa basilika ni Sicininus(modernong Basilica di Santa Maria Maggiore) at pinatapon ng mga prepekto si Ursinus sa Gaul.[5] May karagdagang karahasan nang siya ay bumalik na nagpatuloy pagkatapos na muling ipatapon si Ursinus. Sa isang synod noong 378 CE, si Ursinus ay kinondena at si Damaso ay pinawalang sala at idineklarang tunay na obispo ng Roma. Ang dating antipapa ay patuloy na nag-intriga laban kay Damaso sa sumunod na ilang mga taon at hindi matagumpay na muling buhayin ang kanyang pag-aangkin sa posisyon sa kamatayan ni Damaso. Ayon kay Ambrose, si Ursinus ay kabilang sa partidong Ariano sa Milan.[6] Ang mga alitan ay humantong sa isang kaguluhan na humantong sa isang 3 araw na masaker at sa bihirang interbensiyon ni Emperador Valentinian I upang panatilihin ang kaayusan. Si Damaso ay nanaig ngunit sa suporta lamang ng prepekto ng siyudad. Nang si Damaso ay seguradong nakonsagra bilang Obispo ng Roma, ang mga tao ni Damaso ay umatake kay Ursinus at sa mga natitirang tagasuporta ni Ursinus na naghahanap ng masisilungan sa basilikang Liberiano na nagresulta sa masaker ng 137 mga tagasuporta ni Ursinus. Si Damaso ay inakusahan ng pagpatay sa harap ng isang kalaunang prepekto ngunit nakuha ng kanyang mga kaibigan ang personal na interbensiyon ng emperador upang iligtas siya sa pagpapahiyang ito. Ang mga reputasyon ni Damaso at ng simbahan sa Roma ay pangakalahatang nagdusa ng malaki sanhi ng mga dalawang mga hindi angkop na insidenteng ito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. The Liturgy of the Hours, Vol. I, 11 December.
  2. M. Walsh, Butler's Lives of the Saints (HarperCollins Publishers: New York, 1991), 413.
  3. Bruce, F. F. (1988). The Canon of Scripture. Intervarsity Press. pp. 234
  4. M. Walsh, Butler's Lives, 414.
  5. Ammianus Marcellinus, 27.3.12; 27.9.9. Translated by J.C. Rolfe, Ammianus Marcellinus (Cambridge: Loeb Classical Library, 1939), pp. 19, 61ff
  6. Ambrose, Epistles iv