[go: up one dir, main page]

Ang temperatura o kaintan [1]ay ang sukat ng kasidhian ng kainitan o kalamigan ng isang bagay, katulad ng mula sa katawan ng isang tao[2] at sa lagay ng panahon.[3] Sa kahulugang makaagham, ang temperatura ay ang pisikal na dami o kantidad na naglalarawan kung gaano kabilis gumagalaw ang mga molekula sa loob ng isang materyal o bagay.

Temperatura
Ang termal na bibrasyon ng isang segmento ng protina alpha helix. Ang amplitud nito ay tumataas sa temperatura
Mga kadalasang simbulo
T
Yunit SIK
Ibang yunit
°C, °F, °R, °Rø, °Ré, °N, °D, °L, °W
Intensibo?Yes
Pagkahango mula sa
ibang kantidad
,
Dimensiyon
Dalawang termometro na nagpapakita ng temperatura sa Celsius at Fahrenheit

Maaaring gamitin ang isang termometro upang malaman ang temperatura, ang antas ng init o lamig. Kalimitang sinusukat ang temperatura sa pamamagitan ng mga degri ng Celsius (°C)[4]. Sa Estados Unidos, mas kadalasang ginagamit ang mga degri o gradong Fahrenheit (°F). Minsan ding ginagamit ng mga siyentipiko ang mga degring Kelvin (K) upang sukatin ang temperatura.

Narito ang ilang mga kabatirang kaugnay ng kaintan:

  • Naninigas o nagyeyelo ang tubig sa temperaturang 0 °C, 32 °F, o 273.15 K.
  • Ang pangloob na temperaturang tinatawag na pangkaibuturang temperatura ng katawan ng katawan ng tao ay malapit sa 37 °C o 98 °F.
  • Kumukulo ang tubig kapag umabot na sa 100 °C, 212 °F, o 373.15 K.

Kakaiba ang temperatura mula sa init, sapagkat isang enerhiya ang init na gumagalaw o lumilipat mula sa isang bagay papunta sa iba pang bagay. Isang sukat ang temperatura ng mga galaw o bibrasyon (pagyanig) ng mga molekulang nasa loob ng isang bagay. Kapag may mataas na temperatura ang isang bagay, nangangahulugang mabilis ang karaniwang tulin o bilis ng mga molekula nito.

Kapag mas malaki ang diprensya o pagkakaiba ng temperatura sa pagitan ng isang bagay at ng kapaligiran nito, mas maraming init ang kailangan upang makagawa ng katulad o kaparehong temperatura. Ngunit maaari o posibleng magkaroon ng malamig na bagay (mas mababang temperatura) na nangangailangan ng mas mababang init kaysa isang mas mainit na bagay (mas mataas na temperatura) upang maging mainit ito. Dahil ito sa may mas maraming kapasidad na init ang isang malamig na bagay, kaya't mas maraming init ang kailangan upang maging mainit ito. Halimbawa, mas maraming kapasidad na init ang isang kilogramo ng tubig kaysa isang kilogramo ng bakal. Nangangahulugan ito na mas maraming enerhiya ang kailangan upang maging mas mainit ng 1 °C kaysa sa kinakailangan upang maging mas mainit ng 1 °C ang bakal.)

Isa ring mahalagang elementong pangklima ang temperatura. Kaugnay ito sa dami ng enerhiya ng init na nasa hangin. Ginagamit ang mga mapang isoterm upang maipakita ang kilos ng pagkalat o distribusyon ng temperatura sa isang pook. Magkakaiba ang temperatura sa loob ng magkakaibang mga kapanahunan at mga lugar. Naaapektuhan ito ng:

Mga sanggunian

baguhin
  1. Temperature measurement and Sensor Technology (2019).
  2. Gaboy, Luciano L. Temperatura - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Blake, Matthew (2008). "Temperature, temperatura, lagay ng panahon". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), makikita sa Temperature Naka-arkibo 2012-12-01 sa Wayback Machine..
  4. "What is temperature". What is temperature and Thermodynamic.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.