[go: up one dir, main page]

Ang Rajasthan ( /ˈrɑːəstæn/ pagbigkas sa Hindustani: [raːdʒəsˈt̪ʰaːn] ( pakinggan); literal na "Bayan ng mga Hari" o "Lupain ng mga Kaharian"),[1] ay ang pinakamalaking estado ng India na may lawak na 342,239 km² o 10.4 bahagdan ng kabuuang lawak ng bansa. Matatagpuan ito sa kanlurang bahagi ng bansa, kung saan nasasakupan nito ang malawak at mabagsik na Disyertong Thar (kilala rin na "Disyertong Rajasthan" at "Great Indian Desert") at kahangganan nito ang Pakistan sa may lambak ng kailugang Sutlej-Indus. Sa ibang dakò, kahangganan nito ang iba pang estado ng India: Gujarat sa timog-kanluran; Madhya Pradesh sa timog-silangan; Uttar Pradesh at Haryana sa hilagang-silangan; at Punjab sa hilaga.

Rajasthan

राजस्थान  (Hindi)
ਰਾਜਸਥਾਨ  (Punjabi)
Kinaroroonan ng Rajasthan sa India
Kinaroroonan ng Rajasthan sa India
Mapa ng Rajasthan
Mapa ng Rajasthan
Mga koordinado (Jaipur): 26°36′N 73°48′E / 26.6°N 73.8°E / 26.6; 73.8
Bansa India
ItinatagNobyembre 1, 1956
KabiseraJaipur
Pinakamalaking lungsodJaipur
Distrito33
Pamahalaan
 • GobernadorKalyan Singh
 • Pangunahing MinistroVasundhara Raje (BJP)
 • LehislaturaUnicameral (200 puwesto)
 • Parliamentary
 constituency
25
 • Mataas na HukumanRajasthan High Court
Lawak
 • Kabuuan342,239 km2 (132,139 milya kuwadrado)
Ranggo sa lawakika-1
Populasyon
 (2011)
 • Kabuuan68,621,012
 • Ranggoika-8
 • Kapal201/km2 (520/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+05:30 (IST)
Kodigo ng ISO 3166IN-RJ
HDIIncrease 0.637 (medium)
Ranggo sa HDIika-21 (2005)
Literacy68% (ika-20)
Wikang opisyalHindi 
Websaytrajasthan.gov.in

Itinatampok nito ang mga guho ng Kabihasnan ng Lambak ng Indus at Kalibanga; ang mga templo ng Dilwara, isang banal na pook ng Jainismo sa Bundok Abu, ang tanging hill station sa estado; at sa silangang Rajasthan, ang Keoladeo National Park malapit sa Bharatpur, isang World Heritage Site[2] na tanyag sa buhay-ibon. Sa Rajasthan din matatagpuan ang dalawang pambansang reserba para sa mga tigre, ang Ranthambore National Park sa Sawai Madhopur at ang Sariska Tiger Reserve sa Alwar.

Itinatag ang estado noong Marso 30, 1949 nang isinanib ang Rajputana—ang pangalang ginamit ng mga British Raj sa mga nasasakupan nito sa rehiyon[3]—sa Dominyon ng India. Jaipur ang kabisera at pinakamalaking lungsod, na matatagpuan sa silangang bahagi ng estado.


Mga sanggunian

baguhin
  1. Tara Boland-Crewe, David Lea, The Territories and States of India, p. 208.
  2. "World Heritage List".
  3. R.K. Gupta; S.R. Bakshi (1 Enero 2008). Studies In Indian History: Rajasthan Through The Ages The Heritage Of Rajputs (Set Of 5 Vols.). Sarup & Sons. pp. 143–. ISBN 978-81-7625-841-8. Nakuha noong 30 Oktubre 2012.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)