Perugia
Ang Perugia ( /pəˈruːdʒə/ [3][4] /USalsoʔdʒiə,_peɪˈʔ/,[5] Italyano: [peˈruːdʒa] ( pakinggan); Latin: Perusia) ay ang kabeserang lungsod ng rehiyon ng Umbria sa gitnang Italya, na tinatawid ng Ilog Tiber, at ng lalawigan ng Perugia. Ang lungsod ay matatagpuan mga 164 kilometro (102 mi) sa hilaga ng Roma at 148 kilometro (92 mi) timog-silangan ng Florencia. Sinasaklaw nito ang isang mataas na tuktok ng burol at bahagi ng mga lambak sa paligid ng lugar. Ang rehiyon ng Umbria ay napapaligiran ng Toscaan, Lazio, at Marche.
Perugia | ||
---|---|---|
Comune di Perugia | ||
Piazza IV Novembre | ||
| ||
Mga koordinado: 43°6′44″N 12°23′20″E / 43.11222°N 12.38889°E | ||
Bansa | Italya | |
Rehiyon | Umbria | |
Lalawigan | Perugia (PG) | |
Mga frazione | Tingnan ang talaan | |
Pamahalaan | ||
• Mayor | Andrea Romizi (Forza Italia) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 449.51 km2 (173.56 milya kuwadrado) | |
Taas | 493 m (1,617 tal) | |
Populasyon (2018-01-01)[2] | ||
• Kabuuan | 165,683 | |
• Kapal | 370/km2 (950/milya kuwadrado) | |
Demonym | Perugino | |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | |
Kodigong Postal | 06100 | |
Kodigo sa pagpihit | 075 | |
Santong Patron | St. Constantius, St. Herculanus, St. Lawrence | |
Saint day | Enero 29 | |
Websayt | Opisyal na website |
Ang kasaysayan ng Perugia ay bumalik sa panahon ng Etrusko; ang Perugia ay isa sa mga pangunahing Estruskong lungsod.
Ang lungsod ay kilala rin bilang bayan ng mga unibersidad, kung saan itinatag ang Unibersidad ng Perugia noong 1308 (mga 34,000 estudyante), Unibersidad para sa mga Dayuhan (5,000 estudyante), at ilang mas maliliit na kolehiyo gaya ng Academy of Fine Arts "Pietro Vannucci" (Italyano: Accademia di Belle Arti "Pietro Vannucci") pampublikong athenaeum na itinatag noong 1573, ang Pamantasan ng Perugia Surian ng Meditasyong Lingguwistika para sa mga tagapagsalin at interpreter, ang Musikang Konserbatoryo ng Perugia, na itinatag noong 1788, at iba pang institusyon.
Ang Perugia ay isa ring kilalang sentro ng kultura at sining ng Italya. Nagtatanghal ang lungsod ng maraming taunang pista at pangyayari, halimbawa, ang Pistang Eurochocolate (Oktubre), ang Umbria Jazz Festival (Hulyo), at ang Pandaigdigang Pista ng Pamamahayag (tuwing Abril), at nauugnay sa maraming kilalang tao sa sining.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ https://www.tuttitalia.it/umbria/provincia-di-perugia/72-comuni/popolazione/; Istat.
- ↑ "Perugia" Naka-arkibo 2019-05-30 sa Wayback Machine. (US) and "Perugia". "Oxford Dictionaries" (sa wikang Ingles). Oxford University Press.
- ↑ "Perugia". Collins English Dictionary. HarperCollins. Nakuha noong 30 Mayo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Perugia". Merriam-Webster Dictionary (sa wikang Ingles).