Panga
Ang panga[1] o sihang[1] ay maaaring dalawang nagsasalungatang kayariang bumubuo, o malapit sa pasukan, ng bibig. Maaari ding malawakang gamitin ang salitang panga sa kabuuan ng kayariang bumubuo sa arkong binubungan ng bibig at nagsisilbing pambukas at pansara ng bibig. Ito rin ang nagsisilbing kinakapitan ng mga ugat ng ngipin.
Sa mga artropod
baguhinSa mga artropod, ang panga ay puno ng chitin at nagsasalungatang pagilid, at maaaring bumuo sa mga mandible, chelicerae, o sa maluwag na kahulugan, mga pedipalp. Pangunahing tungkulin nito ang pagkamit ng pagkain, paghahatid sa bibig, at pagnguya.
Sa mga vertebrata
baguhinSa karamihan ng mga vertebrata, ang panga ay mabubuto o makartilahinong (binubuo ng malalambot na buto) at nagsasalungatan sa paraang patayo (bertikal), na binubuo ng pangitaas na panga at ng pangibabang panga.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Panga, sihang, jawbone, lower jaw". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga ugnayang panlabas
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.