[go: up one dir, main page]

Ang mata sa mata, maaari ring ngipin sa ngipin (Ingles: eye for an eye, tooth for a tooth), ay ang prinsipyong ang kaparusahan para sa krimeng ginawa ng isang tao ay katumbas sa krimen sa taong ito. Ayon sa ilang mga interpretasyon nito, ang biktima ay tatanggap ng halaga ng pinsala sa kompensasyon. Ayon sa ilang interpretasyong Hudyo, ang biktima ay makakakuha ng kabayarang salapi batay sa batas ng ekwalidad na pantao.

Pinagmulan

baguhin

Ang prinsipyong ito ay matatagpuan sa Batas na Babiloniano (tingnan ang Kodigo ni Hammurabi) (1780 BCE).[1] Pinagpapalagay na sa mga lipunang hindi nakatali sa patakaran ng batas, kung ang isang tao ay nasaktan, ang taong nasakatan o kamag-anak nito ay maghihiganti sa nanakit. Ang retribrusyon ay maaaring mas masahol sa krimen at marahil ay kahit kamatayan. Ang batas na Babilonian ay naglilimita sa gayong mga aksiyon na nagtatakda sa retribusyon na hindi mas masahol sa krimen basta ang nasaktan at nakasakit ay may parehong katayuan sa lipunan. Ang mga kaparusahan ay hindi proporsiyonal sa mga alitan sa pagitan ng strata ng lipunan tulad ng pamumusong o laesa maiestatis (laban sa isang Diyos, viz., monarko). Ito ay sistematikong pinaparusahan na mas masahol.

Batas Romano

baguhin

Ang batas Romano ay lumipat sa kabayarang salapi kapalit ng paghihiganti. Sa mga kaso ng pananakit, ang mga nakatakdang kaparusahan ay itinakda para sa mga iba't ibang kapinsalaan bagaman ang talio ay pinapahintulutan pa rin kung nabali ng isang tao ang braso o hita ng isa pa.[2]

Bibliya

baguhin

Pinaniniwalaang sa Exodo 21 gaya ng sa Kodigo ni Hammurabi, ang konsepto ng resiprokal na hustisya ay lumalapat lamang sa mga magkatumbas ang katayuan sa lipunan. Ayon sa Ex 21:22–25,

At kung may magbabag, at makasakit ng isang babaing buntis, na ano pa't makunan, at gayon ma'y walang karamdamang sumunod: ay tunay na papagbabayarin siya, ayon sa iatang sa kaniya ng asawa ng babae; at siya'y magbabayad ng ayon sa ipasiya ng mga hukom. Datapuwa't kung may anomang karamdamang sumunod, magbabayad ka nga ng buhay kung buhay, Mata kung mata, ngipin kung ngipin, kamay kung kamay, paa kung paa, Paso kung paso, sugat kung sugat, bugbog kung bugbog.

Ayon sa Exo 21:26-27, "At kung saktan ng sinoman ang mata ng kaniyang aliping lalake, o ang mata ng kaniyang aliping babae at mabulag, ay kaniyang palalayain dahil sa kaniyang mata. At kung kaniyang bungalan ang kaniyang aliping lalake, o babae, ay kaniyang palalayain dahil sa kaniyang ngipin." Walang parusang binanggit para sa may ari ng alipin. Tinatalakay sa Deut. 19:16-21 na ang ang isang sinungaling na saksi na tumindig laban sa kanino man upang sumaksi laban sa kaniya ng isang masamang gawa, gagawan sa taong ito ang gaya ng kaniyang inisip gawin sa kaniyang kapatid.

Hudaismo

baguhin

Sa Talmud (sa Bava Kamma, 83b-84a), ang "mata sa mata" ay pinapakahulugang kabayarang salapi sa mga kasong tort at nangangatwiran laban sa mga interpretasyon ng mga Saduceo na ang mga talata sa Bibliya ay tumutukoy sa katumbas na pisikal na paghihiganti gamit ang argumentong ang gayong interpretayson ay hindi lalapat sa mga bulag o mga walang matang nagkasala.

Kristiyanismo

baguhin

Sa Sermon ng Bundok, hinikayat ni Hesus ang kanyang mga alagad na "iharap ang kanilang kabilang pisngi" kapag sila'y sinampal sa halip na gumanti sa nanakit sa kanila(Mat. 5:38-40).

Narinig ninyong sinabi, Mata sa mata, at ngipin sa ngipin: Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong makilaban sa masamang tao: kundi sa sinomang sa iyo'y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila. At sa magibig na ikaw ay ipagsakdal, at kunin sa iyo ang iyong tunika, ay iwan mo rin naman sa kaniya ang iyong balabal.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Quote from Kenneth Bond: "...Code of Hammurabi (1780 BC). I used a translation by L.W. King with Commentary by Charles F. Horne (1915). My version was a 1996 electronically enhanced version of the 1910 Encyclopædia Britannica." (end quote). Kenneth Bond (1998). "Religious Beliefs as a Basis for Ethical Decision Making in the Workplace". Humboldt State University. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Hulyo 2007. Nakuha noong 10 Hulyo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Roman law: Delict and contract at Encyclopædia Britannica