[go: up one dir, main page]

Si James Watt (Enero 19, 1736 - Agosto 19, 1819) ay isang kilalang inhinyero, imbentor at negosyanteng mula sa Scotland.

James Watt
Kapanganakan19 Enero 1736[1]
  • (Inverclyde, Eskosya)
Kamatayan25 Agosto 1819[1]
    • United Kingdom of Great Britain and Ireland
  • (Birmingham, West Midlands, Inglatera)
MamamayanEskosya
NagtaposUnibersidad ng Glasgow
Trabahoinhenyero, kimiko,[2] pisiko,[1] imbentor,[1] entrepreneur, matematiko, teknisyan[1]
Pirma

Talambuhay

baguhin

Ipinanganak si Watt sa Renfrew County, Scotland. Noong bata pa, napukaw na ang kanyang kaalaman at isipan niya ng lakas mula sa singaw (steam) ng isang pakuluan ng tubig sa kusina ng kaniyang ina. Napapaangat ng lakas ng singaw ng kumukulong tubig ang takip ng pakuluan. Dahil sa isang karpintero ang kaniyang ama, nakalikha ng maraming mga laruang mekanikal si james Watt. At bagaman hindi masyadong nakapag-aral, nagbasa siya ng maraming mga aklat. Kung kaya't kahit nagkaroon man ng karamdaman, sa tulong ng kaniyang karanasan bilang katulong ng isang manggagawa ng mga instrumento at mga kaibigan sa Pamantasan ng Glasgow, napainam niya ang makinang de piston o umaandar dahil sa singaw ng init, partikular na ang makinang Newcomen. Ang mga pangkasalukuyang mga makinang pang-kotse, barko at mga tren ay resulta ng kaniyang gawain. Dalawang beses na nakapag-asawa si Watt at nagkaroon ng dalawang anak mula sa kaniyang unang asawa.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 https://cs.isabart.org/person/146474; hinango: 1 Abril 2021.
  2. http://muse.jhu.edu/journals/technology_and_culture/v052/52.3.miller.pdf.
  3. The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0-7172-0508-8

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Siyentipiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.