[go: up one dir, main page]

Si Homer o Homero (Griyego Όμηρος Hómēros) ay isang mala-alamat na unang Griyegong manunula at rapsodista, na binigyan ng kredito, ayon sa tradisyon, sa pagkakalikha ng Iliad at Odyssey (dalawang dakilang epikong Griyegong tumatalakay sa paglusob sa lungsod ng Troy at sa mga naganap pagkaraan), bagaman maaaring dalawang magkaibang mga tao ang sumulat ng mga ito.[1] Karaniwang sinasabing nabuhay si Homer noong ika-8 siglo BK. Isa siyang bulag na mang-aawit, manunula, at manunulat na nagbuhat sa Chios, isang pulo sa Gresya.[1]

Homer (Griyego Ὅμηρος Hómēros)
Busto ni Homer na nasa Museong Britaniko.
KapanganakanIka-8 daantaon BK
Gresya?
TrabahoManunula, manunulat, mang-aawit

Para sa tauhan sa The Simpsons, tingnan ang Homer Simpson. Para sa ibang gamit, tingnan ang Homer (paglilinaw). Huwag itong ikalito sa butong humero.

Pagkakakilanlan at pagkakaakda

baguhin

Kaunti lamang ang nalalaman tungkol kay Homer. Wala ring katiyakan kung totoo nga ba siya o hindi. Subalit pinaniniwalaang isa siyang naglalakbay na tagapagsalaysay ng mga kuwentong tumutugtog ng kudyapi habang naglalahad.[1]

Nagtanong si Emperador Hadrian sa propesiya sa Delphi kung sino talaga si Homer, at sinabi ng Pythia na siya ay isang Ithacano, na anak ni Epikaste at Telemachus, mula sa Odyssey.[2] Subalit kahit na iisa lang ang may-akda na responsable sa dalawang pangunahing epiko na sinabing akda niya, wala masyadong alam tungkol sa kanya.[1] Walang matibay na katibayan na siya ay tunay na nabuhay. Mayroon tayong mga tradisyon na pinanghahawakan na siya ay isang bulag (marahil dahil sa diyalektong Aeolian na Cyme, homēros na nakuha ang kahulugan nito) [3] at siya ay ipinanganak sa pulo ng Chios o saanman sa Ionia, kung saan maraming mga lungsod ang nagsasabing siya ay katutubong anak nito. Ayon kay Diodorus Siculus, nadalaw na ni Homer ang Heliopolis ng Ehipto.[4] Ang pagsasalarawan ni Homer bilang isang bulag na manunula ay maaaring nakuha sa isang pag-babanggit sa sarili nito sa isang bahagi ng Odyssey kung saan ay sa isang lumubog na barko nakikinig si Odysseus sa kuwento ng isang makatang nagngangalang Demodocus sa korte ng Haring Phaecian.[5]

Paulit-ulit na pinagtalunan at tinanong kung iisa nga lang ba ang manunula na responsable sa parehong Iliad at Odyssey. Samantalang marami ang nagsasabi na hindi naisulat ang Odyssey ng isang tao lamang, ang iba naman ay nagsasabi na ang epiko sa kabuuan ay may magkatulad na istilo, at labis ang pagkakahawig para suportahan ang teorya ng maraming pagkaka-akda nito. Isa pang masusing pagtingin ay ang Iliad ay nagawa ni 'Homer' sa kanyang tamang edad, at ang Odyssey naman ay nagawa niya nang siya ay matanda na. Ang Batrachomyomachia, Himnong Homerico, at ang epikong sikliko ay pangkalahatang sinasang-ayunan na mas nahuli kaysa sa Illiad at ng Odyssey.

 
Si Homer at ang Kanyang Gabay, dibuho ni William-Adolphe Bouguereau (1825–1905).

Bago sumapit ang panahon ni Homer, mga kuwentong nagpasalin-salin lamang ang Iliad at Odyssey mula sa mga bibig ng iba't ibang mga tao. Isinulat at isinatitik o inilatag sa sulatan ni Homer ang mga "kuwentong-bibig" na ito, sa unang pagkakataon, noong mga 600 BK.[1]

Maraming mga dalubhasa ang sumasang-ayon na ang Iliad at Odyssey ay sumailalim sa proseso ng pamamamantayan at pagsasadalisay mula sa lumang mga kagamitan noong simula ng ika-8 dantaon BCE. At ang mahalagang papel sa pagpamamantayan nito ay lumalabas na ginampanan ng namumunong Atheno Hipparchus, na nagbago sa pagsasaresitasyon ng mga tulang Homerico sa Pistang Panatenaiko. Maraming klasisista ang nagsasabing ang repormang ito ay maaaring kinapalooban ng pagbuo ng kathang pamantayan sa mga isinusulat.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Was the Author of The Iliad and The Odyssey?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 72.
  2. H.W.Parke, Greek Oracles, 1967 pp.136-7 na tumutukoy sa Certamen,12
  3. Pseudo-Herodotus, Vita Homeri
  4. Ang Makasaysayang Aklatan ng Diodorus Siculus, Book I, ch.VI.
  5. "Homer - Aklat at Biograpiya". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong 2008-05-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)