Hockey
Ang hockey o "haki" ay isang larong pampalakasan o isports, kung saan ang mga manlalaro ay nakakakuha ng mga puntos o iskor sa pamamagitan ng pagpapatama ng isang bagay papunta sa goal ng kabilang pangkat sa pamamagitan ng isang pamalo o patpat. May dalawang pangunahing mga paraan kung paano ito nilalaro. Maaaring tumukoy ang hockey sa:
- Ang ice hockey o haking pangyelo (haki sa yelo) ay nilalaro sa ibabaw ng yelo. Ang mga manlalaro ng bawat pangkat ay nagsusuot ng mga iskeyting na pangyelo at sumusubok na patamaan ang maliit na diskong gomang tinatawag na hockey puck o patong panghaki papasok sa goal o tunguhin ng kabilang pangkat. May 6 na mga manlalaro sa bawat isang pangkat o koponan. Maaari itong laruin sa loob o labas ng laruang gusali. Isa ito sa pinakatanyag na mga isports sa buong mundo.
- Ang field hockey, kampuhang-haki, haking pangdamuhan, o haking pamparang ay nilalaro sa damuhan na may isang bola. May 11 mga manlalaro ang mga pangkat. Pangkaraniwang nilalaro lamang ang hockey na pangdamuhan sa labas ng gusali, subalit mayroong tinatawag na indoor field hockey, o panloob ng pandamuhang hockey.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.