[go: up one dir, main page]

Elito Villaflor Circa (ipinanganak 28 Enero 1970), kilala sa tawag na "Amangpintor",[1] isang kilalang Pilipinong pintor[2] at kinilala sa kanyang bansa at sa buong mundo bilang katutubong pintor.[3] Tinaguriang "kauna-unahang Pilipinong pintor na gumamit ng buhok at dugo" sa kaniyang mga obra[4] na may temang mythologism at mythicalism at ang paglalagay ng imahe ng kilalang Alamat ni Minggan sa kanyang mga larawang sining.[1] Ama ng Indigenouism na sining na nagaangat ng antas ng paggamit ng mga kakaibang kagamitan (Indigenous Materials) sa pagpipinta. Nagpasikat ng aktong pagpipinta na gawin sa loob ng 5 hanggang 10 minuto sa isang canvas na 432 kudrado pulgada gamit ang tatlong pangunahing mga kulay.[5][6][7][8][9]

Elito "Amangpintor" Circa
NasyonalidadPilipino
EdukasyonWalang pormal na edukasyon sa pagpipinta ng larawan
Kilala saPagpipintang indihena
ParangalAlagad ng Sining-Bayan ng Pilipinas

Pagkabata at pag-aaral

baguhin

Si Amangpintor ay bunsong anak nina Juan Circa at Josefina Villaflor, isinilang sa lumang bayan ng Pantabangan, Nueva Ecija, Pilipinas noong 28 Enero 1970.

Nakatapos ng kanyang pag-aaral sapamamagitan ng kanilang sariling pagsisikap at sa tulong ng World Vision Foundation, Inc.[10][11] sa pamamagitan ng kanyang poster parents na sina Cynthia and Leigh Brown mula sa Perth, Australia kung saan sinuportahan ang kanilang pangangailangan sa paaralan mula elementarya hanggang makatapos ng kursong pangguro na pang-elementarya sa Unibersidad ng Gitnang Luzon CLSU.

Si Amangpintor ay walang pormal na pag-aaral tungkol sa sining o pagpipinta,[12] nagsimula lamang siya sa mga pangkaraniwang kagamitan tulad ng uling sa kalan, katas ng mga gulay at kalaman at nagpipinta sa pader ng kanilang bahay. Sa murang idad na sampu (10) natuto na siyang magpinta gamit ang enamel at thinner at ang gamit na brush ay ang buhok nilang inipit sa elemento ng tv at lata na nilagyan ng kapirasong sanga ng kahoy. Tinatayang 600 piraso na ang kaniyang nagawang pinta mula noong 1980 hanggang 2000. Ang iba rito ay sana pangangalaga ng kanilang mga guro, kapit-bahay, kamag-anak at sa kanyang pamilya. Mayroon rin siyang seres na pinta ng "Alamat ni Minggan" na nagpapakita ng pagligaw kay "Mariang Sinukuan" na nag-uugnay sa kasaysayan ng bayang Pantabangan mula bago palang ito palubugin upang gawing malaking tinggalan ng tubig (Dam). Ilan rin sa mga obra ni Amangpintor ay nagpapakita ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagpinta sa kasaysayan nito, mga tradisyon, lugar, kaugalian at mga paniniwala.

Parangal at pamumuhay

baguhin
  • Noong 1978, nanalo si Amangpintor sa paligsahan ng pagdidibuho ng Simatar at Tagani ng DZRH radio. Ito ay isang sikat na palatuntunan sa radyo noong dekada 70 at 80.
  • Noong1992, si Amangpintor ay binigyan ng mataas na pagkilala ng Pamantasan ng Gitnang Luzon (Central Luzon State University (CLSU)) sa pangunguna ng Kolehiyo ng Sining at Agham (College of Arts and Sciences) bilang kauna-unahang estudyanteng pintor ng unibersidad at pinangaralan din bilang Makakultula o (Cultural Award sa Ingles) noong siya ang nagtapos ng pag-aaral noong 1993.
  • Noong 1998, hinirang si Amangpintor bilang Pangulo ng Samahang Makasining(Artist Club), Inc. pang nasyonal at naging tagapayo ng turismo ng kaniyang bayang Pantabangan at ng Provicial Visual Artist Group.
  • Noong 2001, si Amangpintor ay muling sumaliksik, nagipon, nagpasikat at nag-ingat ng mga ilang halos malimutan nang mga katutubong laro ng mga pilipino at tinawag niya itong "Laro ng Lahi" o Kakailbang Laro (Indigenous Games sa Ingles) sa tulong ng Samahang Makasining(Artist Club), Inc. noong siya pa ang kasalukuyang pangulo.[13]
  • Noong 2007, si Amangpintor ay ginawaran ng pagkilala ng kaniyang bayang sinilangan bilang Katutubong Pintor ng bayan.
  • Noong 2008, si Amangpintor rin ang nagpauso ng aktong pagpipinta gamit ang kamay/daliri sa mga pagtatanghal at tinawag niya itong "PintaOke''.
  • Noong 2009, ipinakilala at kilala si Amangpintor ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa pamamagitan ng NBN TV 4 "Sining Gising" bilang katutubong pintor na gumagamit ng dugo at buhok at nagtatanghal ng aktong pagpipinta gamit lamang ang apat(4) na pintura at tanging daliri't kamay lamang sa loob ng maikling minuto.
  • Noong 2010, si Amangpintor rin ay ginawaran ng pagkilala o "Gintong Butil" award mula sa CLSU Alumni Association, Inc. sa ginanap na Alumni Home Coming ng Unibersidad.

Bilang makasining

baguhin

Ang kahiligan ni Amangpintor sa pagdidibuho o sa sining ay dahil sa mga papuri ng kaniyang mga kapatid at ng mga magulang. Madalas rin siyang hatiran ng mga tiratira o pinaggamitang pintura ng kaniyang magulang mula sa trabaho.

Noong 1992 nagsimula si Amangpintor na gumuhit ng obra mula sa kanyang dugo na pinamagatan niyang "Lukso ng Dugo" bukod rito lahat ng kanyang mga iginuhit noon pamang dekada 80 ay nilalagdaan niya ng kaniyang dugo. Ang istilong ito ay nag-ugat dahil sa kaniyang paniniwala sa buhay at pagpanaw.

"Lukso ng Dugo"—tulad ng isang anak na nawalay ng malayo noong maliit pa ito at sa tagal ng pagkakalayo nagkita ng hindi inaasahan at bilang may pintig sa puso o Lukso ng Dugo na nag-uugnay sa pagitan ng dalawang nilalang.

Kagamitan at Pilosopiya

baguhin

Pag-ibig at paniniwala sa “buhay sa kabila ng pagpanaw” ang matinding dahilan ng mga obrang ginawa sa sariling dugo at buhok ng katutubong pintor na si Elito Circa o Amangpintor.

Ito ay masasabing matinding pagsasakripisyo tulad ng ilang namamanata sa mahal na araw o Holy week. Tulad nila, may kadahilanan ang bawat isa, kadahilanang pag-aalay ng panahon at pagsasakripisyo alang alang sa pakikiisa sa paghihirap ni Kristo.

Dahil ang kahulugan ng PAGSASAKRIPSIYO para kay Amangpintor ay isang mataas na antas ng PAG-IBIG, minarapat niyang gamitin ang kanyang sariling dugo at buhok upang ipakita nila ang tunay na pagmamahal sa minamahal at sa bayang tinubuan.

Bukod nito, pangkaraniwan na sa mga tao ang TAKOT sa kamatayan, gayong ito naman ay tulad ng isang pinto na daan upang makarating sa muling buhay. Aniya, kung may takot sa puso at isip ng bawat isa, nalilimitahan ang galaw ng buhay sa mundo, madalas manisi ang tao at hindi matanggap ang kapalaran.

Paggamit ng buhok bilang tektura sa painting

Ang istilo ng painta na may buhok ay hindi sinasanda ang pintor noong decada otsenta (80s), Dahil ito sa brush na kaniyang ginagamit noon na mismong buhok niya na iniipit sa lata o pinutol na antenna ng TV na naiiwanan ng mga hiblang ng kanyang buhok sa kaniyang canvas at ngayong naunawaan niya ang kahalagahan nito at ngayon, sadya na niyang nilalagyan ng buhok ang kaniyang pinta lalot ito ay gawa sa pangkalakalan (commercial) na pintura o acrylic water based. Ito ay isang patunay na siya mismo ang gumawa ng pinta o larawang sining “Centification of Authenticity” na kahit ilang daang taon ay hindi mabubulok o masisira ang iniwang alaala at yaman ng lahing Pilipino.

Aktong pagpipinta gamit ang kamay at daliri sa loob ng maikling minute

Pangkaraniwan na, na ang aspeto ng sining na sayaw, pag-awit at pagtula ang masasabing pang entertainment o aktong pagtatanghal na nakakapagpasaya sa atin. Kung kaya marami rito ang gumagawa at nagpapayaman ng kaalaman at kakayahan. Sa ganitong kaisipan, naiiwan at nababaliwala ang pagpipinta pagdating sa industriya ng palabas.

Kahit saan basta may “videoke” lalabas ang awitan at sayawan. Maaari rin kaya sa isang biwal na pagpipinta na kahit saan abutan ay magpipinta “pintaoke”? kung kaya ekspirimentong ginagawa ngayon ito ni Amangpintor na kahit saan pumunta may dala siyang pintura sa kanyang bag at kahit anong oras, kahit saan nagpipinta ito lalot sasabayan ng musika.

"Ang sining rito ay hindi ang ipininta kundi ang oras na samasamang nagsasaya, nanunuod at ang alaala habang ito ay ginagawa. Ang obra o pinta na nagawa ay isa lamang na produkto ng sining".

Ang kaniyang mga obra ay magalas na napapanood sa ibat-ibang TV station sa Pilipinas at sa Ripley's Believe It or Not.

Noong 2015 "Fight of the Century", gumawa ng isa na namang malaking obra si Amangpintor gamit ang kanyang dugo para sa larawang sining ni Manny Pacquiao. Ang pinta na may pamagat na "Manny Pacquiao Hearted Fist" ay naghahayag ng ibat ibang aspeto ng pagkatao at buhay ng buksingero, kasama na rito kahiligan niya sa pagkanta, karesma at ang kanyang panunungkulan bilang kongresista ng bansa. Ipinapakita rin ng pinta ang makadios na personalidad ni Pacquiao.[14][15]

Sining ay Gamot

baguhin

Siya rin ay nakilala sa pagtatanghal ng aktong pagpipinta ng mga larawang pang kapalikiran gamit ang kamay at daliri. Gamit ang tatlong pangunahing kulat (Pula, Dilaw, Asul at Punti) sa 24 X 26 pulgada ng kanbas, at matatapos niya ito sa loob lamang ng lima hanggang sampung-minuto. Si Amangpintor ay lagi ring naaanyayahan upang magtanghal sa ibat-ibang pistahan at okasyon sa lugar ng probinsya, bayan, paaralan, unibersidad at mga pagunita sa pagkakatatag ng mga ahensya kanoon rin sa mga kasalan at pang-kaarawan na okasyon.

Halos lahat ng kaniyang akriliko at oil na larawang sining at nagpapakita ng pag-ikot ng buhay, espiritual na paniniwala at pagsasalaalang-alang sa mga kulay na nakakagamot, galaw ng linya at simbolo ng mga hugis na kaniyang pinapaniwalaan na susi sa mga susunod na panahon.

Noong 2005, si Amangpintor ay nagsimula rin ng bagong pagtutuklas o pagsasaayos sa akda niyang may pamagat na "Sanlibu at Isa Buhay" (A Thousand and One Lives sa Ingles)[16] na may galaw na nagpapakita ng dedikasyon sa katangtanging buhay ng propisyong pagtuturo o pagmumulat sa kabatan. Ang bilang na 1001 na mga guro at empleyado ng DepEd ay lumahok at nag-ambag ng kanilang parti ng katawan, ang kanilang buhok at dugo na isinama sa kanbas (mural). Ang Obrang ito ay hindi lamang kahangahangang gawang sining kundi ito ay kauna-unahan sa buong mundo.[17]

Bilang Manunulat

baguhin

Isa sa mga tanyag na artikulo ni Amangpintor na nagbigay nining sa kasaysayan ng bayan ng Pantabangan ay ang isinulat niyang Alamat ni Minggan na may temang "Sulat babala ng panahon sa bayan" at Agos buhay, Agos biyayang pag-ibig ni Minggan. Iniugnay nila ang kwento ni Minggan sa tunay na nangyaring pagpapalubog sa bayan ng Pantabangan na ginawang Tingalan ng Tubig o Dam noong 1993. Base sa artikulo, bumalik si Minggan noong 1993 upang tapusin ang pangakong pag-ibig kay Mariang Sinukuan, isang diwata ng kalikasan na nakatira sa bundok ng Arayat, Pampanga. Ang artikulo ni Amangpintor ay nagbigay ng malaking bagay upang mahikayat ang mga mamamayan ng Pantabangan na mga namumuno noong 2007 na tanggapin ang Alamat ni Minggan upang maging Palatandaan (Landmark) ng bayan na ngayon ay makikita sa arko na itinayo sa barangay Ganduz at naging paraan na ito na nai-promote ang bayan bilang puntahan ng mga turista.[18]

Mga naimpluwensyahan

baguhin

Marami mga pintor rin ang sumunod sa yapak ni Amangpintor na nakabasa at nakakita ng ilan niyang paglalathala na gumamit na rin ng kakaibang at natural na kagamitan tulad ng mga katas ng sibuyas, kamatis, tuba, kape, kalawang, molasses at iba pang kagamitang nasa paligid lamang. Ilan rin ang sumunod sa paggamit ng dugo tulad ni Vincent Castiglia ng Amerika. Ang pagpipinta sa pamamagitan ng daliri o kamay ay nakaakit rin ng ilang mga pintor. Dahil sa kakaibang kagaitang ito naisasalarawan ang tunay na katangian ng pagiging Pilipino at maitatago nito ang sinaunang paggawa ng larawang sining ng mga ninuno.

Larawang sining ng mga obra

baguhin

Buhay may-pamilya

baguhin

Noong 29 Disyembre 1998, ikinasal si Amangpintor kay Teresita Calara Martin, isang guro sa mataas na paaralan na may tanlento rin sa larangan ng teatro. Biniyayaan ng dalawang anak na sina Elika Circa at Meiggan Circa.

Mga lumabas na sulatin

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "The Pantabangan Folk Painter: Elito V. Circa". The National Committee for Culture and the Arts Website.
  2. "Filipino Painters". Amazon Inc. Hephaestus Books. 2011. Nakuha noong 2011-08-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Folk Arts: Elito V. Circa". Ebay Inc. Ebay Inc. 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-02-19. Nakuha noong 2002-08-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Artist uses own blood, hair in paintings". The Philippine Star. Philippine Star. 2011. Nakuha noong 2011-07-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Hand Painting Show". World Wide Chat. worldwide.chat. 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-02-02. Nakuha noong 2012-12-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Art with a Heart: World Vision holds art auction for children". World Vision. World Vision. 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-02-08. Nakuha noong 2015-12-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Pass on the blessings to World Vision's Noche Buena Campaign". World Vision. aboutmyRecovery. 2012. Nakuha noong 2012-11-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "World Vision celebrates 'Pasko para sa Lahat'". World Vision. GMA7 Network. 2012. Nakuha noong 2012-12-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Hand Painting Performance featured by World Vision". World Vision. Youtube Website. 2012. Nakuha noong 2012-12-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. World Vision celebrates 'Pasko para sa Lahat'
  11. World Vision celebrates 'Pasko para sa Lahat' | GMA 7 News online | 2012
  12. "Folk Arts | Ebay". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-12-01. Nakuha noong 2015-06-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Laro ng Lahi | Samahang Makasining (Artist Cub), Inc. | 2012 
  14. LOOK: Artist paints Pacquiao using blood | ABS-CBNnews.com
  15. Ecija folk artist paints Pacquiao using his own blood | Manila Bulletin by Sheen Crisologo
  16. Sanlibu at Isang Buhay Palabas sa TV5 | 2015
  17. Teachers paint mural with own blood, hair Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine. | Punto Newspape | 2015
  18. Akro ng Pantabangan